Conflict

1.7K 17 11
                                    

Dear Aaron,

Tinanong kita kung bakit.. Bakit gusto mo na sikreto ang relasyon natin..

Bakit? Bakit bigla kang nagalit sakin? Nagalit ka sa tanong ko sayo. Parang naiirita ka sa mga tanong ko sayo.
Pagkatapos kong magtamong nagalit ka tapos pinasa mo sakin.

Pinagdudahan mo yung pagmamahal ko sayo. Sabi mo sakin 'Bakit mo ba ako tinatanong? Bakit di mo na ba ako mahal? Wala ka na bang tiwala sakin? P*t*ngin* pala eh! Kung ganun pala edi magbreak nalang tayo!' Sinabi mo sakin yung mga yun na para bang wala lang sayo kung makapagsalita ka ng ganun sakin.

Ako naman tong si tanga sinuyo ka. Sorry ako ng sorry sayo ng araw na yun. P*tcha kulang nalang lumuhod ako sa harapan mo nun.

Pero alam mo yung ginawa mo? Hinila moko sa tagong lugar. Dun moko pinatawad at niyakap kung saan walang tao. Dun ka nag sorry sakin. Dun ka biglang lumambot. Dun ka biglang naglambing. Dun sa TAGONG LUGAR ka naglambing sakin.

E sa tanga nga ako edi pinatawad kita at lumambot nanaman ang puso ko. T*ngin* ngayon ko lang na realize na nagmukha akong tanga ng dahil sayo.

Edi okay na tayo Nagpaliwanag ka na kasi. Pero alam mo ba yung paliwanag mo? 'Sorry na mahal ko, gusto ko kasi na kapag naging public na tayo meron nakong masasabi sa buhay.'

E t*ngin* mo pala eh. Mayaman kayo, matalino ka. Tas yun ang sasabihin mo sakin? Ang tanga tanga ko kasi naniwala ako sa mga sabi sabi mo. Pero, palabas lang pala ang lahat ng to..

Love,
Julia..

•••••

Lolz. Sorry for the foul words. Yan, ang hirap sa mga babae. Madali tayong mahulog sa mga pambobola ng mga lalaki sa atin. Ewan ko ba at kung anong meron sa mga kalahi ni Adan at patay na patay tayo sa kanila HAHAHA


Sabi Mo Ako Lang? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon