Pieces of Love

103 6 2
                                    

Madalas mas pinipili natin masaktan kaysa ang makasakit tayo ng damdamin ng iba. Ngunit ano ba ang mas iyong dapat pahalagahan ang mahalin ang iba bago ang sarili o mahalin ang sarili bago magmahal ng iba?

*****

"Hi!" panimula ni Alexa bago tumabi sa'king upuan.

"Hello!" bati ko agad at nagpatuloy muli sa pagsusulat.

"Masyado ka naman seryoso dyan Christina. Ano ba 'yan ginagawa mo? Wag mong sabihin love letter na naman 'yan?!" panunukso nya.

"Sira. Hindi, art 'yan," pakita ko.

"Para kanino naman kay Ezekiel? Asus... Kung hindi ko kayo pinakilala sa isa't isa wala kayo'ng forever," natatawang sabi nya.

"Edi wow... Salamat kung ganon," inirapan ko at humalakhak s'ya bigla. Nilagay ang likod ng kanang kamay nya sa kanyang baba at pumupungay ang mga matang tumingin sakin.

"Ganda mo kasi 'te!" habang pinagagalaw ang mga daliri nito sabay kindat.

"Saan banda?!" turo ko sa pisngi'ng may malaking tigyawat at pinalaki ko ang butas ng aking ilong.

"Buang ka talaga. Syempre deep inside, dyan ang kagandahang taglay mo."

"Edi inamin mo narin na wala talaga akong ganda. Iyon ang totoo."

Natawa sya at hinampas ako sa balikat. Pinipigilan kong ngumiti dahil baka makita nya ang mala-vampire na ngipin ko at mapag-initan na naman nya. Magsinungaling na naman s'yang kiyut ako kapag na ngiti at ka-inggitan pa.

Sa physical na anyo hindi naman ako kagandahan, bukod doon wala akong ma-ipagmamalaki. Aminado naman ako saking sarili lalo pa at mahirap lamang kami.

Si Alexa maganda na at mayaman pa. Hindi nakapagtataka na marami s'yang kaibigan na sosyal at lapitin ng kalalakihan. Sa simpleng tulad ko hindi ako makapaniwalang naging magkaibigan kami.

Dati-rati sunod sunuran lamang sya sa kanyang tinuturing na kaibigan. Simula nang magkakilala kami, pinagtatanggol ko s'ya sa gustong manakit at mapag-samantalang tao na gusto lamang ay mga bagay na kung anong mayroon sya.

Marahil awa ang una kong naramdaman. Nasa kanya na ang lahat. Bakit kailangan nya makibagay at makisalamuha sa iba kahit alam naman na nya ang interes ng mga ito sa kanya?

Naluha sya nang minsan pinuri ko ang kanyang ginawa. Dahil sa kanya nagka-interes ako gumuhit at magpinta.

Kung tutuusin ako ang dapat mainggit sa kanya, pero sa tuwing magsasalita na raw ako at pinu-pursige ko s'ya sa mga bagay na may pag-aalinlangan s'yang gawin na hindi nya mailabas sa kanyang sarili. Iba raw ang wisdom na naibibigay ko sa kanya.

Ganun pa man isa ako sa mga iskolar dito sa'ming eskuwelahan. Pinalaki ako ng mga magulang kong may takot sa Diyos at palaging sinasabi nila sakin na ang mga paa'y nakatapak parin sa lupa kahit ano pa ang iyong marating.

Ang payo at pagmamahal na tinanim ng aking mga magulang ay babaunin ko hanggang sa pagtanda. Na kahit di makatotohanan na ako ang pinaka magandang anak sa paningin nila ay nakapagpapaligaya ng sobra sa'kin.

Natigilan kami sa kulitan at tawanan nang may pamilyar na amoy akong nalanghap sa'king likuran. Lumingon si alexa at kinalabit ako.

"Hello, Ezekiel!" malanding ngumiti at kumaway sya dito bago muling humarap sa'kin sabay kindat.

"May sakit ka ba sa mata?!" pag-iinarte ko na kunwaring susuntukin sya.

"Mapanakit kana simula ng maging kayo," panunukso nya bago ako hinawakan sa binti. "maiwan ko na nga kayo. May pupuntahan pa ako, kahit wala. Sa bahay mo 'to ihatid ah! Kung hindi itxt ko si Tita Sol at sabihin kong kayo na," pagbabanta nito. Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi nya.

Pieces of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon