Paano?

33 2 0
                                    

Paano ba sasabihin na hindi ko na kaya?
Na ayoko na,
sarili'y pagod na.

Paano ipapahiwatig na hindi na ikaw?
Na hindi na pangalan mo ang sa isipa'y umaalingawngaw.

Paano ipadaramdam na ang puso'y tumitibok na sa iba?
Ng hindi ka na masaktan o paasahin pa.

Paano ang gagawing galaw
kung isipa'y "tama na!" ang siyang isinisigaw?

Paano?
kung sarili'y nakatali na sayo...

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon