Her POV
Naglalakad akong mag-isa dito sa corridor. Yep. You heard it right. MAG-ISA. Without Eros. Tinakasan ko e. Ang weird kasi ng puso ko kapag kasama ko yun ewan ba! Malay ko!
Tahimik na tahimik lang ang paligid. Mukhang umuwi na lahat ng estudyante. Well, I can't blame them. There's no place like homeee!
Biglang may 3 lalaking humarang sa'kin. Halos kaedad ko lang din sila. Mukhang sa ibang course lang.
"Iliana Alvarez?" Tanong ng isang lalaki sa'kin.
Hindi ko siya pinansin at aalis na sana ng hilahin ako pabalik ng lalaking nasa gitna.
"Matapang ka nga. Pero mali ka ng binabangga." Galit na sabi niya sa'kin.
Wait, sino ba to ha? E ni hindi ko man siya kilala tapos gaganituhin niya ako? Aba. Walang hustisya.
"Sino ka ba ha?"
Nag-smirk siya. "John Pablo. Boyfriend ng babaeng binangga mo. Alam mo bang nabasa ang damit niya at hindi siya nakapunta sa audition niya?! Ni hindi mo man lang pinansin!" Tumaas ang boses niya.
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at sa tingin ko magmamarka na yun.
"A-aray! Ano ba?! Bitiwan mo ko!"
"Manahimik ka. Tuturuan kita ng leksyon!" Sabi niya sabay tulak sa'kin.
Ang sakit! Marahas niyang hinila ang buhok ko.
"Pangarap niya yun e! Tapos sisirain mo?!"
Sinampal niya ko ng malakas. Asar! Equality naman oh! Unfair sa'kin!
"Tama na! Hindi ko naman sinasadya!"
Tumawa siya at tinulak ako.
"Hindi sinasadya?! Alam mo bang ayaw na niyang lumabas ng kwarto niya dahil sa'yo?! Mahalaga sa kanya yun! Sa'min!"
Inis niyang sabi at sinipa ang paa ko! Sobrang sakit nun na parang namanhid ang paa ko.
May nakita akong paso sa tabi kinuha ko yun at binato sa kanya. Nadaplisan lang siya pero napuruhan yung katabi niya.
Tatakbo na sana ako kaso hindi ko magalaw yung paa ko. Hinila niya ang buhok ko at sinuntok ako sa tiyan ng malakas.
"Pag-ibig!"
Isang sigaw ang narinig ko bago ako mawalan ng malay...
~ Pag-ibig's ~
"Ayos lang ba siya?" Dinig kong tanong ng isang lalaki.
"Bukod sa injury niya sa paa, maayos na siya. Kakausapin ko na lang ang Orthopedics dito sa Hospital to check on her."
"Okay doc. Thank you."
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. It was bright. May ilaw sa taas e.
"Pag-ibig! You made me worried as hell! May masakit ba sayo? Okay ka lang?" Sunod-sunod na tanong sa'kin ni Eros.
"I'm fine blue guy." I said then rolled my eyes.
Halata namang inis siya.
"Bakit ka kasi lumayo sa'kin ha? Alam mo namang delikado. Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya.
Wala akong sapat na lakas para ikwento pa sa kanya. At naiilang pa rin ako kapag nakatitig siya sa'kin. Argh! Nakakainis na ah!
"Hays. Pag-ibig, kakausapin ko lang ang Doctor mo at sasabihing gising ka. Tell me everything after this, okay? I'll be back." Sabi niya at tumalikod na at dumiretso palabas ng pinto.
Ayokong nag-aalala ka. Ayokong nakikitang ganyan ka. Kasi ayon sa mga librong nabasa ko, mas lalong mahuhulog ang puso ng isang tao sa'yo.
Hindi ko alam kung ano 'to. Pero sana, makakabuti. Sana nga. Sana malaman ko ang lahat tungkol sa bagong mundo at bagong feelings. Dahil hindi ko pa kailanman naisip na malalaman ko ang ibig sabihin ng salitang "Pag-ibig"..
BINABASA MO ANG
Pag-ibig's
Mystery / ThrillerIliana Pag-ibig Alvarez, just an ordinary antisocial girl. She doesn't even want to go outside their house. Her comfort zone. She doesn't know how to make friends or how to fall in love and stay in a relationship with a special someone. ...