Chapter 5

157 10 0
                                    

ANGELO'S POV

Damn! Kung hindi sana ako pumunta sa Mall at sinamahan yung mga kurimaw kong kaibigan, edi sana wala akong pinoproblema ngayon. Mother Beki of the whole universe, help me, pleaseeee.

Mga kaibigan ko lang kasi ang nakakaalam na isa akong DYOSA, SIRENA, BAKLA, PAMINTA, at BEKI. Kahit yung parents ko at iba naming relatives ay hindi alam ang tunay kong kasarian. At hindi pa ako handang sabihin sa kanila kung ano talaga ako. Dahil sigurado ako na hindi nila ako matatanggap, and worse baka tanggalan nila ako ng mana.

Natatakot ako na baka kuhanin nila sa akin itong company na pinaghirapan kong palaguin.

At dahil sa katangahan ko kanina, ay may nakaalam na ng itinatago kong sikreto. At ang masaklap ay yung napili ko pa na maging secretary ko. Yes, tama kayo ng pagkabasa, siya ang napili ko bilang secretary ko.

Pero, hindi pwede 'to, mukhang kailangan ko na siyang patahimikin.

Hep! Hep! Hindi ko po siya papatayin wala sa bokabularyo ko ang pumatay. Ayaw kong madungisan o mabahiran ng dugo ang aking precious hands.

Basta bahala na. Bahala na si Inang reyna. Mother Beki help me, please? Huhuhu.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ZEPHYR'S POV

Putik na buhay 'to! Lagi nalang bang ganito? Umagang-umaga may tumatawag!? Kung sino ka mang kurimaw ka humanda ka sa akin!

"Hello!?" Pasigaw kong sagot. Nakakairita kasi e. Inaantok pa 'ko.

"Miss Miranda, right? Pinapatanong ni Sir Angelo kung nasaan ka na? It's already 8:15 a.m." Sabi ng babae sa kabilang linya.

Okay, medyo naguluhan ako doon. Atsaka sinong Angelo naman sinasabi nito, bakit niya ako hinahanap? Wala naman akong kilalang Angelo na inutangan ko ah?

"Miss, hindi ko po kayo naiintindihan. Atsaka sino po si Angelo?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Ay! My fault, Ms. Miranda. Tanggap ka na as the secretary of Mr. Angelo Kean Davis, and ngayon ang unang araw mo sa trabaho." Napatalon ako sa kama ko ng marinig ko na ngayon ang unang araw ko sa trabaho ko as the secretary of Mr. Davis.

"Po!? Tanggap na 'ko!?" Sa sobrang lakas ng sigaw ko, ay hindi malabong hindi magising si lola.

"Apo, bakit ka ba sumisigaw diyan? May nangyari ba?" See? Sabi ko sa inyo e. Kahit matanda na ang lola ko, matalas pa rin ang pandinig niyan.

Inilayo ko muna ang cellphone ko sa tenga ko, bago ko sagutin si lola, "Ay, wala po, lola. Matulog na po ulit kayo." Sabi ko kay lola, saka ko siya pinahiga ulit sa higaan.

"Oo, Ms. Miranda. Kaya bilisan mo ng kumilos at pumunta ka na dito. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Angelo." Paktay!

"Sige po. Maraming salamat po."

Damn! I can't belive this! Tanggap na 'ko? Shet! Ang galing ko talaga. Hahahahahaha!

Agad kong pinatay ang tawag at dali-daling pumunta ng banyo. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho, tapos ngayon pa ako malalate? No way, high way!

Pagkatapos kong maligo ay pumili na agad ako ng damit na aking susuotin.
Isang simpleng floral dress na above the knee ang suot ko na pinatungan ko ng black na blazer. Naglagay na rin ako ng polbo sa aking mukha at lip gloss sa aking labi.

Dali-dali kong tiningnan kung anong oras na at pagtingin ko ng oras sa aking cellphone...

Sh*t 8:30 na!

Saktong paglabas ko ng apartment ay naabutan kong nagwawalis si Aling Lorena sa tapat ng bahay nito.

Si Aling Lorena nga pala ang may-ari ng apartment na tinutuluyan namin ni Lola.

"Aba't bakit nagmamadali ka yatang umalis ngayon? Saan ang punta mo?" Takang tanong niya sa akin.

"May trabaho na ako ngayon Aling Lorena and first day ko po ngayon sa trabahong napasukan ko. Mababayaran ko na rin po kayo kahit papaano, Aling Lorena." Sabi ko sa kanya habang nagsusuot ng sapatos.

"Ah, ganoon ba? Osige sige. Mag-iingat ka. Pagpalain ka nawa ng ating Panginoon." Sambit nito sa akin.

"Maraming salamat po, Aling Lorena. Una na po ako." Nakangiting sambit ko sa kanya.

Nandito na ako ngayon sa kanto namin at naghihintay ng masasakyan. My goodness! Paktay talaga ako nito.

FASTFORWARD

Nandito na ako ngayon sa company at hingal kabayo ang ginagawa ko ngayon. Ano ba 'yan, haggard face na naman ako.

Dali-dali akong naglakad patungo sa elevator ng biglang—

"Ouch!" A-aray peste pangalawang beses na'to ah!? Kawawa na yung balakang at pwet ko.

"Miss, I'm so sorry. Are you okay?" Wew! Mukhang gwapo 'to ah? Manly ng boses e.

*Tingin sa lalaking nagsalita*

My goodness! *0*

Laglag panga, hulog panty, tulo laway at habol hininga ang ginagawa ko habang nakatingin ako sa kanya. Pero, mas gwapo pa rin si Boss. Triple kasi ang naramdaman ko noong si Boss ang kaharap ko.

"Miss? Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"A-ah? O-oo, okay lang ako" nauutal na sabi ko at tinulungan niya akong tumayo, gwapo na gentleman pa. Naks! Dagdag pogi points 'yon ah?

"Sorry ulit, Miss?"

"Zephyr" sabi ko.

"Ah okay. Pasensya na ulit, Miss Zephyr" hingi nya ng paumanhin.

"Okay lang nagmamadali kasi ako e" ang sakit talaga ng pwet koooo! Mommy ayaw ko na!! Huhuhu.

Sabay tingin sa cellphone ko kung anong oras na at...

The hell! Late na talaga ako, 9:05 na!!

"Ah, I have to go na late na kasi ako e" sabi ko kay pogi at dali-dali na akong umalis.

Putik! Nakalimutan kong tanungin kung anong pangalan niya. Haaay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

IVAN'S POV

Sa sobrang pagmamadali ko may nabunggo akong isang babae, na sa  palagay ko ay dito rin nagtatrabaho.

Parang nakita ko na siya dati. Parang nakita na namin siya ni kuya Angelo dati. Hindi ko alam kung saan at kailan. And! Yes! You read it right, kuya ko si Angelo and 3 years ang tanda niya sa akin.

"Miss, I'm so sorry. Are you okay?" Sabi ko na may halong pag-aalala.

Ilang segundo pa ang nakalipas at nakatingin pa rin siya sa akin nabiktima yata siya ng charisma ko e. Well, gwapo naman kasi talaga ako.

"Miss? Are you okay?" sabi ko ulit and parang nanumbalik na siya sa kanyang sarili. Salamat naman.

"A-ah? O-oo, okay lang ako" nauutal niya pang sabi ang ganda ng boses niya.

"Sorry ulit, Miss?"

"Zephyr" sabi niya, ang ganda ng pangalan niya kasing ganda niya.

"Ah okay. Pasensya na ulit, Miss Zephyr" hingi ko ulit ng paumanhin.

"Okay lang nagmamadali kasi ako e" sabi niya sabay alis sa harapan ko.

Damn! She's beautiful, and I find her interesting.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.

Operation: Seducing My Gay Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon