Chapter 12.1

813 64 20
                                    

Edward's POV:

She passed out, again. Everytime something weird happens palagi siyang nahihimatay after nun. Ang gulo nung kwarto niya pagpasok namin ni manang kanina.

"Mmm"

"Kisses"

Tawag ko sa pangalan niya ng gumalaw siya, agad siyang napahawak sa ulo niya.

"Ahh"

Tumingin siya sakin at dahan dahang umupo,

"How are you feeling?"

Tanong ko,

"Masakit ang ulo ko, anong nangyari?"

And as expected, after she woke up ay wala siyang maalala.

"I'm getting worried, you keep forgetting things after you wake up everytime you faint."

Hindi ko siya pwede dalhin sa ospital, di ko siya pwedeng palabasin, lalo na pag kasama ako.

"I'll call my doctor, we need to know what's happening to you"

Kahit nagdadalawang isip ako na papuntahin dito yung doctor ko, hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan, but rumors fly so fast. Takot akong madamay at mapahamak si Kisses.

"Gutom ka na?"

Tanomg ko sa kanya. Nagkamot siya ng ulo at para bang nagtataka,

"H-indi?"

Huminga ako ng malalim and i held her hand,

"I'm sorry kanina"

Napatingin siya sakin, at nagniningning yung mga mata niya. Matagal siyang nakatingin sakin na para bang may inaalala siya, hanggang sa maya maya ay naluluha na siya.

Kisses' POV:

Di ko alam kung saan siya nag sosorry kaya inalala ko ng mabuti kung bakit, hanggang sa maalala kong nagalit o nainis siya sakin kanina, na disturbo ako.

Biglang kumirot yung puso ko, nasasaktan ako.

"Hindi okay lang.."

Sabi ko sabay lumayo ng tingin, saktong tumulo yung luha ko sa paglayo ko ng tingin, kaya agad ko yung pinunasan ng patago.
Nilingon ko siya at nginitian

Nabigla ako ng yakapin niya ako,

"I wish I could take you outside, i wish shouting to them that you're mine is easy, i wish to be with you without hesitation, i'm too afraid to choose."

Career over me. Me over career. Hindi ko alam kung ano ang rason nya na may connection sa ate kung bakit ganito kahigpit niya lang itong pinanghahawakan. Pero wala kong pake, kung san siya masaya, kontento na ako.

Alam kong nahihirapan rin siya,

"Hindi mo bagay mag drama haha"

Lumayo siya sa pagkakayakap sakin at sinamaan ako ng tingin. Natawa ako.

"Panira."

Maikli niyang sabi na para bang nagtatampo,

"Sir, handa na ang dinner"

Napatingin siya sa pintoan ng may kumatok, si manang.

"Sige, salamat manang"

Sagot niya dito, napangiti ako ng may maisip akong kalokohan.

Saktong paglingon nya sakin

"Lets ge---*tsup*"

I leaned closer to kiss him, that was just short but----

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon