It was late in the evening nang matapos na kaming magchikahan ni Ris. Dumiretso na siya sa kwarto niya para matulog dahil maaga pa raw siya bukas. Wala na din man lang akong magawa kaya natulog nalang din ako.
Hindi ako nakakatulog kaagad kapag may iniisip, isa na sa iniisip ko ay si Zion. Ang liit talaga ng mundo. Ni hindi ko nga akalain na sa bilyon-bilyong lalaki sa mundo e kay Zion pa tinamaan si Ris. Iniisip ko tuloy kung ito ba ang point ng tadhana upang magkacross na naman kami ng landas ni kamatayan.
Sa tuwing iniisip ko ang mga posibilidad na baka oo nga ay parang ayaw ko nang magising at pipiliin ko na lang ang matulog nang mahimbing.
Mabilis ang pagdaan ng oras at hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako.
Isang nakakasilaw na sinag ng araw ang nakapagpagising sa akin. Tiningnan ko kaagad kung anong oras na at eksakto namang alas-singko pa pala ng umaga.
Hindi naman talaga ako morning person kaso noong kinasal na ako kay Lewis ay nakasanayan ko na ding gumising ng maaga at ipaghanda siya ng pagkain at mga damit na dapat susuotin. Ganoon ang ikot ng buhay ko sa tatlong taong pagiging asawa niya.
Mabilis akong bumaba sa hagdan at natanaw ko naman si Manang Glenda na nagluluto na pala sa kusina. Abala na ang lahat ng mga kasambahay sa kani-kanilang mga gawain.
Lumapit naman ako kay Manang at agad siyang binati.
"Magandang umaga Manang. Parang sinisipag tayo ngayon ah," mabilis naman din niya akong nilingon at tinugunan.
"Magandang umaga din sa iyo Gang. O, teka palagi ka nalang nagigising ng ganitong oras, bakit hindi mo gayahin si Ris at si Len na nagigising na kung alas-otso na," mabilis namang binalikan ni Manang ang kanyang niluluto.
"E hindi naman po kasi ako sanay na ganoong oras magising Manang. Atsaka nakagawian ko na ito, kung magising nga ako ng ganoong oras e siguro may sakit ako noon. Kaya okay lang po ako," nginitian ko lamang si Manang.
Nakuha naman ang aming atensiyon ng mabilis na bumaba si Ris sa hagdan at nagkukumahog na suklayin ang buhok habang dire-diretso sa sink at nagtoothbrush.
"Ris, ang aga mo naman may importante ka bang lakad?" Tanong ko sa kanya at tango lang naman siya nang tango.
Pagkatapos niyang magtoothbrush ay kaagad niyang inayos ang sarili at ang mga dadalhin.
Kahit mabilisan pa e ang ganda parin talaga ni Ris. Simple lang ang kasuotan niya, yung tipong kahit simple ay mapapalingon ka. Dagdagan mo pa ng mala-anghel niyang mukha.
"Oh sige bye na Sammy. Manang at mga fellas. Pakisabi nalang din kay mama na alis na ako dahil may i-me-meeting pa ako sa bago kong kliyente," mabilis kaming hinalikan ni Ris sa pisnge at mabilis din siyang umalis.
Ris is such a busy woman. Isa kasi siyang designer ng mga sasakyan at literal na sasakyan talaga. Ewan ko nga e sa gandang babae niya e sasakyan naman ang pinagkakaabalahan.
Mabuti pa siya kahit na napakabusy niyang tao ay nagagawa naman niya ang kaniyang mga gusto sa buhay.
Pero okay lang. Kuntento nadin naman ako sa kung ano ang meron ako ngayon. Mabuti na nga lang ang ganito kesa noong nasa puder pa ako ni Lewis.
Bigla ko naman naalala si Tamarrah. Kumusta na kaya ang bestfriend ko.
"Manang," tawag ko kay Manang.
"Oh bakit Gang may kailangan ka?" tanong niya sa akin.
"Ahm, aalis sana ako Manang at pakisabi nalang sana kay Tita Len na babalik ako kaagad," turan ko kay Manang at nag-iba naman ang kanyang ekspresyon. Para itong nababahala o ano man kaso hindi ko man lang mawari kung ano ito.
BINABASA MO ANG
A Wife's Torment [On-Going]
RomanceSamantha Seroona Gambreza was once contented to stare Lewis Zyberge De la Reevas from a far during their college days. Not until a shaking news shaken her admiration from a far. She gave up everything just to end up and to be with Lewis Zyberge. Pus...