Chapter Five: Asuka

154 2 2
                                    

"Asuka.."

"Pabayaan muna natin sila" sabi ni Makoto. Yung Japanese

At lumayo na kami sa harap nila at pumunta sa gilid kasama si Shane at XD.

"Ate, kilala ka ata nila" sabi ni Shane na nakahawak sa aking kamay ng mahigpit.

"Hindi ko sila kilala" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya

"paano kung maalala mo na kilala mo sila?" sabi ni Shane na halatang pinipigil ang luha

"Hindi. Hindi ako mabubuhay kundi dahil sa inyo. Hindi ako aalis"

Niyakap ako ni Shane habang nakatingin sakin si XD ng may pag-aalinlangan

Nakatulog kami ng nakaupo sa isang sulok na medyo malayo sa iba. Hindi ako makatulog dahil nararamdaman ko ang awra nung iszng Xavier na nakatingin sa akin na tila bang pinipilit niya akong maalala ko siya. Sino ba siya para sa akin? bakit ganoon siya ka-desperado na makita ako? 

Ayaw ko nang isipin pa. Masakit sa ulo. Walang pumapasok na impormasyon

"Kamusta na?" sabi ni Anne sa akin 

"A. Okay lang naman"

"O eto kainin mo" sabi ni Anne inaabot ang isang Gatorade at Gardenia na tinapay

"Salamat" at ngumiti ako sa kanya

Tumabi siya sa akin at nakipagkwentuhan

"Wala ka talagang maalala? Na ikaw si Asuka or whatsoever?"

"Wala. Ang sabi sakin ni XD nakita nalang nila akong nahuhulog sa isang building"

"XD?"

"Xavier Daniel. Siya" tinuro ko si XD na natutulog katabi ni Shane

"Ahh. Malamang ikaw nga si Asuka. Pero matanong ko lang, ilan kayo sa grupo? I mean lahat kayo"

"Tatlo lang. Kaming tatlo lang at naparito kami para kumuha ng supply"

"May io-offer ako sayo. dederetsuhin na kita. Nakikita mo si Bren? Yung nakagat?"

"Nakagat talaga siya?"

"oo. At isa siyang mahusay na miyembro. Ngayong nalalapit na siya. mawawalan kami ng isang kaibigan at nakikita ko kay Xavier Daniel na may potensyal siyang maging kasing galing ni Bren. Kaylangan namin kayo"

"Ha?"

"Okay. So may base kami. Diyan sa BSU. Lahat kami ay Engineering students at hawak namin ang buong building. May pagkain, inumin, proteksyon at mga tao na higit 30."

"Sige, pag-iisipan muna namin, bukas sasabihin ko sayo kung ano ang napagdesisyonan namin"

"Sige, matulog ka narin, wag mo nalang pansinin si Xavier talagang desperado lang siya"

***

Kinaumagahan. 

naunang nagising ang magkapatid at sumasalo na sila sa pagkain sa grupo nila anne. Nagising nadin ako at pumunta sa direksyon nila at tumabi kay XD at Shane (Napapagitnaan nila ako) at nang tumingin ako sa paligid ay wala nang bakas ng katawan ni Bren(nakagat) o dugo niya. Sa kabilang banda naman ay nakatingin padin sa akin si Xavier na walang ekspresyon ang mukha na tila ba'y kinikilatis ng mabuti ang mukha ko. At sa tabi niya ay may isang babaeng pulang pula ang mata kaiiyak. 

"Saan ba ang CR dito?" tanong ko

"halika, sasamahan kita" sabi ni XD

Tumayo siya at iniabot niya ang kamay niya sa akin na hindi naman niya ginagawa pero kinuha ko ito at pumunta kami sa direksyon ng CR. Habang naglalakad. Nararamdaman kong nakatingin si Xavier sa amin.

SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon