Pangako ko, O sinta ko

79 3 1
                                    

Isa lang ang aking hiling

At ito'y ika'y makapiling

Di malilimutang sandali

Sana'y ating maibalik muli

Ngayon ko lang napagtanto

Malungkot ang wala ka sa tabi ko

Kailan ka ba babalik?

Dahil ako sayo'y sabik na sabik

Mula sa malayo

Ako ngayo'y nakatago

Malungkot na nakadungaw

Para lang ika'y matanaw

Habang sayo'y nakatingin

Matinding sakit sa damdamin

Ang aking nadarama

Nangangarap na ika'y aking kasama

Sana'y iyong pagbigyang muli

Ang kahilingan kong munti

Pangako ko, O sinta ko

Pag-ibig ko'y sayong-sayo

Pangako ko, O sinta koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon