Chapter 29
//
Nakarating kami sa gym ng Forter Academy, madaming tao at sobrang ingay. Halata sa mukha ng buong Basketball team namin na kinakabahan sila maliban sa isa, si Adrian. Masaya siyang nakikipag-usap sa bawat miyembro. Kulang na lang ata, mapunit yung pisngi niya sa kakangiti. Parang hindi siya nangangalay sa ginagawa niya.
" Wag mo nga titigan ang Adrian ko. " saway sakin ng katabing kong babae, si Daisy.
Oo, kasama siya dahil kasali siya sa cheering squad ng school namen. Syempre, kailangan ng tiga-cheer para mas maging confident ang bawat members ng team.
" Go Red Python! " sigaw ko. Nakita kong tumingin sakin si Adrian. Hindi ko alam kung bakit, pero ang laki ng ngiti ko. Masaya ako dahil masaya siya. Masaya ako dahil alam ko na isa ito sa mga pangarap niya. Ang lumaban sa regionals at after nun, nationals naman.
" Manahimik ka nga. Kaya nga kami tinawag na cheering squad kase kami ang tiga-cheer diba? Hindi ikaw. " masungit na sabi sakin ni Daisy. Ano ba kasing problema niya sakin? Hindi ko naman nga inaangkin yang si Adrian. Kung tinitigilan na lang niya ako. Haaay.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumwesto na sa assigned seat sakin. Katabi ko ngayon ang principal ng school namen at ang school president namin.
" Hello Eunice, ako nga pala si Dino. " pakilala sakin ng school president namin at inalok ang kamay niya para makipag shake hands.
" Nice to meet you. " sabi ko at iniabot ang kamay ko.
" Ayan na magsstart na ang laban. " sabi niya at umayos siya bigla sa pagkakaupo niya. Ayun na nga, nagsimula na ang first half.
" Tama nga si Adrian, ang cute mo pala. " napatingin naman ako sa sinabi niya. Ako? Cute? Naturingang school president, bolero.
" Kaano-ano mo si Adrian? " tanong ko sa kaniya. Syempre, gusto ko ibahin ang usapan.
" Well, magpinsan kasi kami. Kaya alam ko lahat ng babaeng nagugustuhan nun at isa ka na dun. Kaso nga lang, mukhang wala daw siyang pag-asa sayo kaya tinulungan ko siya. " biglang tinakpan niya ang bibig niya na parang may nasabi siya na hindi dapat sabihin.
Wait, tinulungan niya si Adrian? Anong tulong?
" Ha? Tinungulungan mo siya? Paano? " nagtataka kong tanong. Ayan kasi, ang daldal. Nadulas tuloy.
" Yung sa raffl--- " di na natapos yung sasabihin niya dahil bigla kaming sinayaw ng principal. No choice naman kami kundi manahimik na at ipagpatuloy ang panunuod ng laban.
Ang lakas ng hiyawan ng mga estudyante. Sayang at kakaunti lang ang estudyanteng galing sa school namin na naandito. Kung marami sana kaming mga tiga-Leonel University na nandito, siguro mas maingay pa kami ngayon. Madadaldal kasi halos lahat ng estudyante samin and Im a good example of it. Sobrang daldal ko lalo na kapag kasama si Leslie.
Tinignan ko ang mga members ng varsity ng Forter Academy, karamihan sa kanila ay matatangkad talaga. Magagaling din sila katulad ng varsity namen. Walang makakapagsabi kung sino nga ba ang mananalo.
Lumakas ang hiyaw ng mga tao ng makuha ng team captain ng Forter Academy ang bola. Pero kulang na lang lumuwa ang mga mata ko ng makita kong agawin ni Adriana ng bola sabay dribble at takbo para ishoot ang bola sa ring. Sa isang iglap, naka 3 point shot si Adrian.
Napatayo tuloy ako sa upuan ko habang sumisigaw, " Go Adrian! Go! "
Halata namang sobrang saya ko diba? Naaamaze kasi ako kay Adrian. Ang galing talaga niya.
Agad naman akong umupo at nagpatuloy sa panunuod. Nakita kong tumawa yung katabi ko na si Dino. " Bakit ka tumatawa diyan? " tamong ko sa kaniya.
" May pag-asa nga si Adrian sayo. Halatang halata e. " panunukso niya.
" Wa-wala nuh! " sagot ko naman.
" Wag ka na magdeny diyan. " sabi pa niya.
" Anong idedeny ko? Wala naman talaga. " pagdidiin ko na wala.
" Sige, sabi mo e. " tapos tumawa siya.
Hindi ko na lang siya inimik kasi halata namang masayang masaya siya sa pang-iinis namin. Feeling close naman siya e. Ngayon nga lang kami nagkakilala e.
Biglang pumasok sa isip ko si Daisy. Baka alam niya kung anong mayroon kay Daisy at Adrian.
Agad kong kinulbit si Dino at tumingin naman siya sakin. " Bakit? " tanong niya.
" Kaano-ano ni Adrian si Daisy? "
" Daisy?! Daisy Llanto? " gulat na gulat na tanong niya sakin.
" Oo, yun nga. Yung classmate ni Adrian. " sagot ko.
" Ex siya ni Adrian. Ang kaunaunahang babaeng naging girlfriend niya. After nun, wala na. " paliwanag niya.
" Ahh. Salamat. " tapos nanood na lang ulit ako ng laban.
Biglang parang bumigat yung dibdib ko. Parang masakit. Kaya pala ganun kung makaangin si Daisy kay Adrian, kasi may past sila.
Nang matapos ang laban, nagkitakita kaming lahat sa canteen ng Forter Academy. Masayang masaya kaming lahat sa pagkapanalo ng Red Phyton namin laban sa Blue Eagles nila. Dahil dito, napagpasyahan namin na magcelebrate sa isang fastfood restaurant.
Noong nakarating na kami sa restaurant, agad nag si-upo ang lahat.
Ang awkward nga lang ng pwesto namin dito sa isang table.
Si Daisy tapos si Adrian tapos kaharap ako ni Adrian habang kaharap naman ni Daisy si Joshua. Oh diba? Super Akward.
" Anong gusto niyo? " sabi ni Joshua na parang bati na sila ni Adrian. Napakalumanay ng boses niya.
" Steak sakin. " sagot ni Adrian.
Kumapit bigla si Daisy sa braso ni Adrian. Hinayaan lang niya si Daisy kumapit sa kaniya. Hindi man lang siya nagalit. " Pareho kami ni Adrian. " sabi ni Daisy.
Bakit parang nagseselos ako? Bakit hindi nagalit si Adrian? Sila na ulit? Ugh! Napaparanoid na ako. Bakit ko pa kasi tinanong si dino. Edi sana hindi ko alam na mag-ex pala sila.
" ----hello? Eunice? " natauhan ako bigla ng tapikin ako ni Joshua?
" Ha? " yan na lang ang nasabi ko.
" Anong oorderin mo? " tanong ni Joshua. Sa sobrang paranoid ko, ako na pala ang tinatanong ni Joshua, hindi ko pa alam.
" Chicken na lang sakin. " sagot ko atsaka umalis si Joshua para umorder.
Nakakapit padin si Daisy kay Adrian habang ako, naiinis padin sa kanilang dalawa. Akala ko ba mahal ako ni Adrian? Tsaka mag-ex na sila diba? Bakit sila ganyan? Tss.
--
vote and comment po kayo :*
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED