Chapter 6: Chopstick?

128 6 4
                                    

Chapter 6: Chopstick?

May dalawang bagay akong siguradong alam ko.

Una, gusto ni Franz si Pepita. Pangalawa, hindi naman talaga nabura ni Ate Pau yung picture nilang dalawa. Katunayan nyan, tinitingnan ko ngayon ang picture nila.

At naiinis ako dahil sa mga bagay na yun. Alam kon masama yung ginawa ko. Nagsinungaling ako kay Pepita. Sabi ko na na-delete ni Ate yung picture nila kahit hindi naman talaga. Sinabi ko lang yun as a joke pero tinatamad pa akong sabihin sa kanya ang totoo.

Pero yung sinabi ko sa kanya na gusto sya ni Franz? Hindi joke yun. Lalaki ako kaya alam ko.

Katatapos ko lang sa isa na namang article. Napapadalas ang pagsusulat ko ngayon, lalo na’t hindi ko masyadong nakasama si Pepita nung nakaraang linggo. Magandang bagay rin pala yung may space sa pagitan namin. Kahit na namiss ko sya kahit papaano.

Kaasar naman kasi, masyadong ma-epal si Franz. Kapag naman kasi lalapit ako kay Pepita, saktong andyan si Franz. Tapos sinasamaan ako ng tingin ni Pepita kaya umaalis na lang ako. Kung lagi lang naman masama ang tingin nya sa akin pag magkasama kami, mas mabuting wag ko na lang syang samahan.

“Pwede ba Pedro, wag mo nga akong biruin.” Inalis ni Pepita ang kamay ko sa pagkaka-akbay at nilampasan nya ako. Nakayuko sya habang naglalakad. Hinabol ko sya.

“Hindi kita binibiro ah. Manhid ka lang talaga.” Sabi ko sa kanya.

“E-Ewan ko.” Yun ang tanging nasabi nya. Tahimik kaming naglakad papunta ng school.

Parang nanlumo ako nung sinabi ko sa kanya na gusto sya ni Franz. Hindi ko maipaliiwanag ang nararamdaman ko. Oo, gusto ko maging masaya si Pepita pero ayoko kay Franz. Ayoko na silang dalawa yung magkatuluyan. Ayokong ligawan sya ni Franz. Putek, parang ngayon nga, ayaw ko na rin na lapitan sya ng lalaking yun eh.

Masyado kasing pa-close. Nakikipagkaibigan kay Pepita tapos yun pala may hidden agenda. Paanong hindi ko mahahalatang gusto nya si Pepita? Ang layo ng bahay nya tapos halos araw-araw kung ihatid nya si Pepita. Tuloy, wala akong kasabay pauwi. Nagpapaiwan na lang nga ako sa school para hindi ko na sila makasabay sa pag-uwi dahil maiinis lang si Pepita sa presence ko.

Pagdating sa school, diretso si Pepita sa upuan nya. Tulala sya at nakatitig lang sa board. Malamang iniisip nun yung sinabi ko tungkol sa pagkagusto sa kanya ni Franz. Tss.

Recess, parang zombieng naglalakad si Pepita palabas ng room. Sinundan ko sya hanggang sa canteen. Bumili na naman sya ng shake. Lalapitan ko sana sya para kulitin kaso dumating si Franz. Kitang-kita sa mata ni Franz na talagang gusto nya si Pepita.

Umiwas na lang ako.

Sa uwian, sila ni Franz ang magkasama. Okay na ko sa konting oras na binibigay sa akin ni Pepita tuwing umaga, kapag sabay kaming pumapasok. Hindi na ko hihiling ng mas higit pa doon dahil alam kong may kahati ako at wala akong laban.

“Pedrooo!” Sinalubong ako ni Pepita. Naglalakad na ako papunta ng school at syempre, dinaanan ko sya. Ang lawak ng ngiti nya. Kakaiba.

“Ang saya mo ata?” Tanong ko sa kanya. Ngiti lang ang sinagot nya sa akin.

Habang naglalakad, panay ang hawak nya sa labi nya. Teka... wag mong sabihing... “Pepita!” Hinawakan ko ang balikat nya at hinarap sya sa akin. Nagulat sya sa ginawa ko.

“A-Ano? Bakit?” Tarantang tanong nya. Nanlaki ang mga mata nya.

“Bakit panay ang hawak mo sa labi mo?” Tanong ko.

“H-Ha? W-Wala lang. Bakit pala?” Umiwas sya ng tingin nya. Naningkit ang mga mata ko.

“Yung totoo, Pepita?” Matapang kong tanong sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Nakatitig ako sa mga labi nya.

Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon