CHAPTER 1: BULLY
Natatawa parin ako sa nangyari kanina. Akalain mo yun, nagalit yung nerd? Yung babaeng sobrang tahimik na yun? Sinigawan ako? Anbelibabol.
Pero kahit sino naman siguro magagalit rin kung sa kanila ko yung ginawa. Guess what? Natapunan ko siya ay hindi pala, tinapunan ko talaga siya ng juice sa harap ng crush niya. Ayown! Sinigawan ako ng bonggalicious.
Pero syempre tinawanan ko nalang, alangan naman manghingi ako ng sorry eh sinadya ko naman yun.
Nandito ako park ng school kahit class hour. Oo, nagcutting classes ako. Ang boring kasi magturo ng English teacher namin, tapos ang bagal pang magsalita. Mas gusto kong matulog dito kasi peaceful dahil walang tao. Mamaya mapupuno na naman ito ng mga bagets na nagdedeyt. Maryosep! Yung iba ang dudungis pa pero keribels lang nila basta magkayakap lang sa mga jeje nilang girlfriends. Huhuhu
Ang sarap na sana ng tulog ko eh kaso nga lang may dumating. Dumating na isang nuno sa punso na ewan ko ba kung bakit siya napunta dito sa lupa ng mga tao. Dejoke lang, yung bestfriend kong maliit.
"Cutting na naman?" Sabay upo sa hita ko.
"Aray naman! Alis nga." Tinadyakan ko nga. Upuan ba naman daw yung hita ko habang nakahiga ako? Lecheng duwende na to.
"Sh*t! Haylee Grace naman eh!" Reklamo niya ng sumubsob siya sa lupa. Gaga kasi, kaya ayan.
"Ba't ka ba kasi nandito? Pwede bang umalis ka muna? Inaantok pa ko eh." Irap ko habang humihikap.
"Ba't ka ba kasi nag cutting class?" Pamimilit na tanong niya habang pinapagpagan ang mukha niya.
Kahit kailan talaga ang kulit ng nuno na to. "Libre mo ko pagsinagot ko tanong mo ha?" Sabi ko habang nakangisi.
"Wag ka ngang ngumisi ng ganyan, para kang aso." Nangingilabot na sabi nito.
"Ano nga? Pag ayaw mo umalis ka na dito at matutulog ulit ako." Kunwari ay walang gana kong sambit. Alibi ko lang pero alam ko namang papay--
"Edi aalis nako." Sabay tayo niya.
"Pvta kang nuno ka! Ililibre mo ako o ililibre mo ako?!" Nakasabunot ako sa dry niyang buhok na may kuto. Yucks!
"Aray naman! Bitiwan mo nga yung buhok ko. Harassness na yan!" Pasigaw na saad nito.
"Hoy! Mahiya ka nga. Pinagsisigawan mo pa talaga yang kabobohan mo ha? Harassment yun gaga, hindi harassness." Ewan ko ba kung bakit ko siya naging bestfriend. Ambobo huhu.
"It's the same. Kasi may harass naman eh. Makabobo ka naman, na-hurt ako waaaaaah." Paiyak-iyak kunwari siya.
"OA mo, parang first time nasabihan ng bobo ah e halos apilyedo mo na nga yan simula nung Elementary." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
YOU ARE READING
Why can't it be?
Teen Fiction"I look at you and see the rest of my life in front of my eyes." - Caleb Gray Marciano Please, support my first ever story! Xoxo © 2017 MOMOI SUE ALL RIGHTS RESERVED