END

355 8 2
                                    

Wala pa si Charles. Hindi kasi kami nagsabay ngayon. Sabi nya mauna na daw ako kasi mallate sya. Napagdesisyunan kong dito ko nalang sya hihintayin sa leisure park ng school. Ayoko sa lobby dahil baka makita ko sila dun.

"Nancy."

Speaking of. Natigilan ako sa boses na narinig ko. Ah baka imagination ko lang yun. Nagpatuloy ako sa pagsscroll sa newsfeed ko nang maulit na naman ang pagtawag sakin.

"Nancy."

This time confrmed ko na talaga kung sino 'tong nasa harap ko kahit ba na nakayuko ako.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na Roui, wala kang mapapala sakin dito."

"Nasa school tayo wala sa bahay nyo at hindi ako aalis hangga't hindi mo ko tinitignan."

Bahala ka dyan.

"Nancy please?"

Hindi ko naman sya matitiis kahit kailan kaya diretso ko syang tinignan at walang emosyon.

"Oh ayan nakatingin na ko, anong problema mo?"

"Sino si Charles? Bakit mukhang sobra pa kayo sa magkaibigan? At b-bakit mo sya hinalikan kagabi.."

What? Ang lakas ng loob nya para itanong sakin yun. Paano nya nalamang nakiss ko si Charles kagabi? Bago pa nya mahalata na nag-iisip ako ng idadahilan ko, sinagot ko agad sya.

"Wala kang pakialam. Yan lang ba sasabihin mo? Aalis na ko."

"T-teka lang Nancy.."

"Wait..diba may girlfriend ka? Bakit hindi sya ang puntahan mo ngayon?Akala ko ba wala ka nang pakialam sakin? Ikaw pa nga nagsabi na tatapusin mo na pagkakaibigan natin. Ano 'tong drama na ginagawa mo ngayon Roui?"

Bakas sa mukha nya na nagulat sya sa mga tanong na sinagot ko sa kanya. Totoo naman, bakit nya ko kukulitin pagkatapos nyang sabihin na hindi na kami magkaibigan dahil lang sa na-angry ko yung relationship status nila?

"Hindi ko alam yung mga sinasabi mo Nancy pero wala na kami ni Sophie."

Huh? Break na agad sila?

"Ganyan ba kadali sayo? Ngayong wala na kayo, lalapit ka ulit sakin ng parang walang nangyari satin? Na parang wala kang ginawa?!"

"H-hindi ko maintindihan.."

Huminga ako ng malalim bago ko simulan na magsalita.

"Roui simula nung nakilala mo yang Sophie na yan walang araw na puro sya ang binabanggit mo sakin! Oo araw-araw tayong magkasama pero sya lang ang bukambibig mo. Hindi mo napapansin na habang ganun ang ginagawa mo, napapalayo tayo sa isa't isa. Hindi na natin nagagawa yung mga bagay na lagi nating ginagawa nung wala pa yang Sophie na yan!"

Hindi ko na napigilan, napaiyak nalang ako habang sinasabi ko sa kanya lahat ng gusto nyang marinig dahil sya narin mismo nagsabi na hindi nya maintindihan? Ito, ipapaintindi ko sa kanya lahat.

"Nung araw na naging kayo Roui, gustuhin ko mang maging masaya para sayo pero yung puso ko ayaw makisama! Sakit yung nararamdaman nya eh! Hindi ko alam kung pagiging bestfriend pa ba yung ginagawa ko na tinutulungan kita sa panliligaw mo sa kanya o pagiging martyr yun? Lahat ng pwede kong itulong sayo ginawa ko para lang sumaya ka! Para mapasagot mo sya."

Pakiramdam ko para na kong bata na inagawan ng candy dahil sa pag-iyak ko ngayon. Ito yung unang beses na umiyak ako sa harap ni Roui. Never kong pinakita sa kanya na umiiyak ako dahil ayaw nya nun.

mine  【epistolary #1】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon