Drasten's POV
Nandito ako ngayon sa aking reserved table sa Fujiwara Hotel & Casino,ito kasi ang venue ng Gunpla Acquaintance ngayong gabi at isa ako sa inimbitang pumunta dito dahil isa ako sa mga participant sa tournament bukas.
Habang nasa table ako ay hindi talaga maiiwasan na hindi ako papansinin ng mga tao pati na rin ang ibang mga gunpla fighters kaya umalis na lamang ako sa table ko at naglibot libot sa hallway ng hotel nang...
"Drasten pwede ba tayong mag usap? Kahit sandali lang" Bwisit bakit ba siya nandito?
Yung babaeng pumansin sakin sa may hallway ng hotel ay walang iba kundi si Mixhi,yung ex girlfrend ko.
"Mixhi ano ka ba?! Wala na tayong dapat pag usapan pa" Galit ko pang sabi habang nakakunot na ang noo ko.
"Pero Drasten...please forgive me for what I've done before,pinagsisihan ko na yun lahat ng nagawa ko sayo" Sabi ni Mixhi habang nakakapit ang kamay niya sa braso ko.
"Pinagsisihan? Kung tunay na nagsisisi ka hindi mo sana ako niloko in the first place!" Sigaw ko sa kanya.Kitang kita sa mga mata niya na umiiyak na siya pero di na ako nagpadala sa kanyang kadramahan.
"I'm so sorry Drasten...sorry kung niloko kita,pero I realized that I still love you.Sana mapatawad mo ako" Iyak na sabi niya at bigla niya lang akong niyakap.
Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko.Magagalit ba ako sa kanya o hindi?
I think sincere siya sa kanyang apology pero sariwa pa rin sa puso't isip ko kung paano niya ako niloko at sinaktan.
Habang nakadikit pa rin si Mixhi sa katawan ko na nakayakap ay may sumagi sa isip ko.
**FLASHBACK**
Sa may park dun sa Berlin,Germany ay magkatabi kaming naupo ni Mixhi sa bench habang tinatanaw ang horizon ng dagat kasabay ang paglubog ng araw kasi summer ang klima nung mga araw na yun.
Mahigit 2 years na kaming magkarelasyon ni Mixhi kaya malayo na ang narating ng aming relasyon.Ang sweet namin sa isa't isa at parang magkaibigan pa rin ang tingin sa'min ng mga tao.
"Ang ganda ng paglubog ng araw Drasten ano?" Ani Mixhi while nakangiti siya sakin.
"Oo maganda nga.Parang ikaw,maganda ka rin sa paningin ko" Sabi ko sa kanya sabay hawak ko sa kamay nito.
"Drasten may tanong ako"
"Ano yun Mixhi?"
"What if kung sakaling wala na tayo,palagi mo rin ba akong maiisip?"
"Ano bang klaseng tanong yan Mixhi? Syempre hindi tayo maghihiwalay.Mahal kita at ikaw lamang ang gusto kong makasama"
"Ako rin naman gusto kong ikaw ang makasama ko.Basta sagutin mo muna ang tanong ko"
"Syempre hindi agad ako makakamove on sayo at palagi akong iiyak dahil wala na tayo.Pero ayoko ng ganun ayokong mawala ka sa buhay ko" Sabi ko.
"Di ko na alam ang gagawin ko kung mawawalay ka sakin" Dagdag ko pa.At bigla na lang akong niyakap ni Mixhi.
"Ako din Drasten ayokong mawala ka sa buhay ko.I love you"
"I love you too" Sabi ko naman kay Mixhi.
Bumitiw ako sa kanyang pagkakayakap at naghalikan ang aming mga labi sa isa't isa kasabay ang takipsilim.
*fast forward*
Mga sumunod na araw ay inemail ko si Mixhi ng isang LSM or long sweet message dahil ngayong araw na to ay third anniversary na namin.
Kaya bumili ako ng isang box ng Ferrero Rocher na chocolate at mga flowers para sa kanya at sinamahan ko pa ito ng isang mamahaling singsing bilang regalo ko sa aking minamahal.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Bilim KurguGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...