Prologue - Hello

82 2 0
                                    

"Hello anak? Wala ka bang balak umuwi dito sa Balesin?" Napangiwi si Cea sabay inilayo ang hawak na cellphone dahil sa lakas ng boses sa kabilang linya ni Mommy Katarina, ang kanyang madrasta. Pero agad din naman nyang ibinalik sa tainga ang gadget ng marinig nya ang malakas na pagtawag nito sa pangalan nya.

"Bakit mommy, ano ho bang meron d'yan sa atin?" nag-inat muna s'ya bago bumangon mula sa higaan. Tinapunan n'ya ng tingin ang digital clock na nakapatong sa bedside table: 10:00 AM.

Nagpunta s'ya sa bintana upang bahagyang buksan ang venetian blinds only to close it again cause the glaring sun hurt her eyes, & made her headache even worst. "Wrong move, Cea... wrong move." She told herself.

Kung bakit ba naman kasi naparami yata ang nainom n'ya sa bridal shower ng kaibigan nyang si Kalexxis, tuloy nagdudusa s'ya ngayon.
This is a case of a bad hangover, at sigurado s'ya dun, kaya naman nagtungo siya sa comfort room upang kumuha ng pain reliever na safe kahit walang laman ang tiyan sa medicine cabinet na naroroon.

"First death anniversary ng daddy mo sa Sunday, nak. Baka nakakalimutan mo." Sabi ng mommy Kata nya.

Wait! What? Parang nawala ang antok nya sa narinig.

Shit! muntik nang mawala sa isip nya ang petsa, tatlong araw na nga lang pala ay death anniversary na ng pinakamamahal nyang ama.

"O ano, bakit di ka na nakasagot diyan 'nak?" dinig nyang sabi ng nasa kabilang linya.

Kung makapagbitaw naman ng salita ang madrasta nya ay tila nakikita nito lahat ng mga ikinikilos nya. Sabagay hindi naman katakataka dahil ito na halos ang tumayong ina nya mula pa noong siya ay anim na taong gulang pa lamang.

"Magpapamisa na lang ho ako sa Padre Pio, ma." sagot nya.

"Anak naman, hindi puwedeng hindi ka uuwi. I know it's hard for you. Pero you have to learn how to move on. We all have to... and among all the things you can do to start moving forward is to go back here maski every once in a while lang anak." mahabang litanya ng mommy Kata nya.

"Hello nak, still there?" Sabi ng mommy Kath nya sa kabilang linya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

she let out a sigh. May point din naman ang madrasta nya.

"Okay mommy, uuwi po ako." sagot na lang nya upang huwag nang humaba pa ang diskusyon.

"Good. Pack your things, ipahahanda ko iyong helicopter para masundo ka tonight." Sabi ng mommy Kath nya.

"Mommy, Thursday pa naman lang ho ngayon, Sunday pa naman ang anniversary ng daddy, sa Saturday na lang po ako uuwi." pasakalye nya sa mommy nya.

"At bakit hindi pa ngayon?"

ugh! ang kulit talaga ng madrasta nya! napakamot na lang sya sa ulo.

"May mga nakaschedule pa ho akong surgery hanggang bukas, ma."

"Wow, anak. You're pushing yourself too much! Hindi naman kaya masyado mong pinapagod ang sarili at sinasayang ang husay mo diyan sa trabaho mo?" Sabi uli ng madrasta nya.

"Mom, alam n'yo naman na ito lang ang nagpapasaya sa akin sa ngayon." sagot nya naman.

"All right, all right anak. Basta uuwi ka dito sa weekend ha, magtatampo ako kapag hindi ka sumipot dito."

"Opo mom, I have to go. kailangan ko na hong pumasok sa hospital, bye mom. I love you." sabi nya upang tapusin ang pag-uusap nila ng madrasta sa telepono.

"Bye anak, ingat ka. It's a beautiful day to save lives." sagot ng ina saka pinutol ang tawag.

Hindi maiwasang mapaisip ni Cea habang sinisimulan n'ya ang kanyang daily routine.

Balesin Series 1: Stay With MeWhere stories live. Discover now