[Jong In]
Sana magustuhan ni Yeonji yung mga niluto ko. Kungdi ninyo alam, may alam naman ako sa pagluluto. Marunong akong magluto dahil maaga akong naulila pero yung madadaling lutuin lang ang mga alam ko.
Ang tagal naman niya. Tawagan ko na kaya?
"Bakit ang tagal mo? Ito na ang huling beses na ipagluluto kita, kaya bilisan mo na bago ko kainin ang lahat ng ito. Tsaka pala..... mag-aral ka ng magluto, ikaw na ang kailangang magluto para sa atin 'pag mag-asawa na tayo."
"Ha ano asawa?!?" Tanong niya pero hindi ko na ito sinagot at binaba na ang telepono.
"Hay...... matagal na akong hindi nakakapag-exercise ah." narinig kong sabi ng isang lalaking papasok ng court.
"Boss, eh kung magbasketball na lang tayo?" aya ng kasama niya. Basketball? Mukhang marami ata sila ah. Haisst ... istorbo naman 'tong mga ito. Sa susunod nga ay sa rooftop na lang kami kakain.
Asan na ba yung babaeng yun. Palingon - lingon ako, nagbabasakaling parating na si Yeonji. Napadpad ang paningin ko sa sampung lalaking nakatingin sa akin.
"Hoy ikaw!! Umalis ka na dito!" sigaw ng isang lalaking chubby na parang yun ang leader nila. Parang pamilyar ang mukha niya sa akin. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Ang tagal naman niya...." sinabi ko na parang wala akong narinig. Nahiga na muna ako.
"Boss!! Siya yun!!!!" sigaw ng isa sa mga kasamahan niya. Ano daw? Ako yun? Yung ano? Kilala ba nila ako.
Lumapit sa akin ang chubby na lalaki. Tinitignan niya ang itsura ko at pilit na inaalala ang pagkikita namin, ganoon din ang ginagawa ko.
Siya yung........
"Hoy ikaw yung nakaaway namin dun sa may labas ng factory....... Tignan mo nga naman ang pagkakataon...." sigaw niya sa akin.
Tama, siya ngayon. Balak pa ata nila akong gantihan. Haist.... ano ba 'to? Kaya ko bang ang sampu?
"Boss diba natalo nga tayo nun...." sabi ng kasamahan niya. Natawa ang mga bago nilang kasama.
"Lima natalo ng isa? Hahahaha " asar ng isa sa mga bago.
"Manahimik nga kayo diyan! Sampu na tayo ngayon kayang kaya na natin siya!!" sabi ni chubby.
Naunang sumugod ang 4 na bago pero napatumba ko din sila. Dalawa ang sumunod na sumugod. Habang nilalaban ko sa sila ay may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Jong In!!!"
"Pinagmamadali mo akong papuntahin dito para ano? para ipakita sa akin na nakikipag-away ka na naman!" sigaw ni Yeonji sabay takbong paalis. Nagalit na naman siya. Ayaw niya kasing nakikipag-away ako dahil baka kasi may mangyaring masama sa akin.
Hahabulin ko dapat siya kaso ay may biglang sumipa sa likod ko. Dahilan para matumba ako. Pinagtutulungan na nila ako at hindi ako makaganti.
"Yah!!! Anong ginagawa niyo??!?!!!" sigaw ng isang lalaki.
"Boss ang 'B. Wolves'!!!" sigaw ng isang kasama ni Chubby.
"Tara na!!! Iwan niyo na yan!" sigaw ni chubby. Tumakbo na siya pati ang mga kasama niya.
Nanghihina na ako.
Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko ang siyam na lalaki na papalapit sa akin. At ang tawag sa kanila nila chubby ay 'B. Wolves'.
Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko ang apat na lalaki na nakatitig sa akin.
"Gising na siya!!!" sigaw ng lalaking malaki ang tenga.
"Hello!!! Kami nga pala ang 'B. Wolves'! Ako nga pala si Sehun!! " sabi ng isang lalaki na iba-iba ang kulay ng buhok.
"Ako naman si Kyungsoo. pero maskilala ako bilang DO.!" sabi naman ng isa na malaki ang mata.
"Ako naman si Yixing!" sabi naman ng isa na may dimples.
"Maskilala siya bilang Lay." singit ng malaki ang tenga. "Ako naman pala si Chanyeol!" pakilala niya.
"Ikaw anong pangalan mo?" tanong ni Sehun.
"Kim Jong In" sagot ko.
"Ang haba naman!!!" sabi ni DO.
"Sila pala yung iba namin kasama." Turo ni Chanyeol.
Lima silang nagkukumpulan sa may bleachers.
"Waaah!! Ang sarap nito!!"
"Ah...... Hyung, akin yan!!!"
Kinakain nila ang hinanda kong pagkain para kay Yeonji.
"Kinain na namin yung pagkain dito ah!!! Ako nga pala si Baekhyun!!!"
"Tao!!" sigaw ng isa at nagtaas ng kamay.
"Ako naman si Xiumin!!"
"JongDae naman ang pangalan ko!! Chen for short!"
"Ako naman si Suho. Pagpasensiyahan mo na sila kung kinain nila yung pagkain mo ha.... Papalitan ko na lang."
"Okay lang, wala na rin namang kakain niyan e." sabi ko.
"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ni Baekhyun
"Siya si Kim Jung Hin" sagot ni Lay.
"Hahahahaha Kim Jong In kaya!!" sabi ni Chanyeol habang tawa ng tawa.
"Parang masbagay sa iyo ang KAI!!" sigaw ni Baekhyun.
"KAI?!?" sabay sabay naming tanong kay baekhyun.
"Oo! KAmjjong In!!" sagot niya. Sabay sabay sila nina Chanyeol at Tao nagtawanan. Hindi naman ako ganoon kaitim ah.
"Tigil niyo na nga yan!" awat ni Suho.
"Oo nga! ganyan ba ang tamang pagtrato sa bago nating miyembro" sabi ni Chen. Ano daw bagong miyembro ng grupo nila? Kailan ako pumayag? Madami pa akong kailangang alalahanin tapos dadagdag pa sila. Haisst... galit na naman pala sa akin si YeonJi. Kailangan ko nang umalis.
"Teka saan ka pupunta?" tanong ni DO.
"Ayaw mo ba sa amin?" tanong ni sehun at parang nagmamakaawa na wag akong umalis.
"Pagkatapos ka kasi nila makita makipaglaban ay gusto ka daw nila isama sa grupo namin. Kami nga pala ang B. Wolves, pinaiksing Baby Wolves. Gang kami pero may cute side din naman. At sa tingin ko kailangan mo din kami, kinatatakutan kami dito sa school." paliwanag ni Suho.
"Pagpasensyahan mo na kung ang dami niyang sinabi ah.... si Suho talaga yung pinakakatakutan samin. Siya din pala yung leader namin." sabi ni Baekhyun.
"Salamat sa alok pero may grupo na ako. Sige kailangan ko nang umalis" sabi ko.
"Hihintayin pa rin naming magbago ang isip mo!!!" sigaw ni Chanyeol habang naglalakad na ako palabas.
Hindi naman pala ganoon kalala yung itsura ko. Onting pasa lang. Grabe ang kulit ng mga yon. Gang?!? Gangster sila?!? Baby wolves?!? Anong klaseng gang naman yun. Kapag nakasalubong ko nga yung mga iyon ay hindi ako matatakot eh. Malilinis silang tignan at sigurado akong maraming mga babae ang naghahabol sa kanila.
BINABASA MO ANG
Back Away from Her! (엑소)
FanfictionIto pong storya na ito ay medyo hango sa mga vcr, performance, at drama version na ginawa ng EXO. First time ko lang po magsulat ng storya pero sana magustuhan niyo. V(^-^). At isa pa pala: Please always support EXO!!!!! V(^-^). [Story is stopped. N...