Dedicated to my best friend. (^__^)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wahh! Five minutes na lang..! Makakarating na ako! Aja!
Kaya ko ito! Left, right, left, right..! Last five steps na lang..
Hayan na, malapit na talaga..! And, heeya!!
“AT LAST!!!” ang biglang sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko ng klasrum.
Ay, bakit parang biglang tumahimik?
(<_<) *tingin sa left*
(>_>) *tingin sa right*
AISH! Nakakahiya ka talaga, Hope! Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sakin. (>__<)
Sino ba naman kasing matino ang sisigaw ng ganun kalakas eh nandun pa man din yung adviser namin.
Hay naku, buti na lang mabait si Ms. kung hindi, ayy baka nadetention na ako.
“Ay, Sori po..! Sori po, Ms. (^_^)v”
“Ah sige. Pasok ka na. Okay lang yun.. Basta wag mo na lang ulitin. Nakakagulat eh.” sabay ngiti niya. Ang ganda talaga ni Ms. Veera kahit kalian.. Ang bata bata tingnan... (*_*)
Konting lakad lang at hay, sa wakas nakaupo na rin ako! Grabe ang layo kaya ng nilakad ko. Biruin mo, nasa 4th floor pa room namin. Kung di ka mapagod, ay ewan ko na laang. :3
Late na naman ako. Panlimang beses ko na to ngayong buwan. Huhu! (T___T)
“Hello.” bati ng katabi ko sa gitna ng aking pagdadrama.
Huh? Wait a minute, kapeng mainit.. Bakit bago katabi ko?
“Teka.. Di ba upuan yan ng best friend ko? Siya ang nakaupo diyan ah.! Bat ikaw na nakaupo diyan ngayon ha? At sino ka?! Anong ginagawa mo diyan sa upuan niya? At nasaan ang best friend ko, saan mo siya dinala? Bat wala siya diyan sa upuan niya?” halos pasigaw kong tanong sa lalaking nasa tabi ko.
“Teka lang rin Ms.... Mendoza ah.” Tan mo itong lalaking to, sinilip pa id ko makita lang aking pangalan na may pag-asa at Mendoza. ;)
May hidden desire ata ito sakin eh..
Oo na, ako na assuming. (-____-) Ang wafu kasi eh. Yan tuloy, hindi ko napigilan.
Sino naman kasing Kpop addict na tulad ko ang hindi maaattract sa isang napakagwapo at malakoreanong mata at kutis na tulad niya? Hayy, ang wafu talaga, di nakakasawang titigan... (*_*)
“Ahh.. Sabi kasi ni Ms. dito raw ako ma--……… ...… ……... ....... ...... ....... ---- Huy! Nakikinig ka ba? Hoy!”
Kung makahoy naman ‘to.. :3 “Ay, sori naman ho! May bigla lang kasing sumagi sa isip ko eh. Sori talaga..! Ano nga ulit sinasabi mo?”
“Wag mo ng alamin. Basta, simula ngayon dito na ako uupo, okay po ba, umm... Ano nga pangalan mo?”
"Hope. Hope Mendoza. Okay." Walang ekspresyon kong sagot pero sa loob loob ko... Di ko alam...
Ano na nga bang nangyayari sa loob loob ko bukod sa nagfufunction mga organs ko? (-____-)
"So class, may I have all your attention, please?", sabi ni Ms. Veera. Nung unti-unti ng nawala yung ingay, nagsalita ulit siya.
"As you can all see, you have a new classmate. Mr. Kim, would you mind to go infront?" Tumayo naman yung katabi ko at naglakad sa unahan.