Loved By Her
"What are you doing, Zachel?"
Hindi alam ni Zachel kung anong gagawin niya para tanggapin ng isang Sherwin Villanueva ang deal niya. Kahit masakit para sa kanya at nakaka-wala ng pride, gagawin niya ang lahat para makuha lang siya.
"Please, Sherwin? Give me a chance to prove to you that I love you.... Please?" Pagmamaka-awa ni Zachel habang nakaluhod.
"Hindi ka na nakakatuwa, Zachel. Stand up and go home," pag-iiwas ng usapan ni Sherwin sabay lakad papunta sa kwarto niya.
"Sherwin....."
Palaging ganito na lang ang nangyayari kay Zachel. Pakiramdam niya ay winawasak niya ang sariling puso. Kahit alam niyang walang pag-asa ay nanatili pa rin siyang matatag at laging pinapakiusap si Sherwin.
He's a cold person. Alam niya 'yun at alam niya rin ang dahilan kung bakit naging malamig si Sherwin. Saksi siya sa lahat ng pinag-daanan ni Sherwin kasama ang kasintahan nito noon.
Umalis si Zachel sa bahay ni Sherwin dala-dala ang wasak at nawasak niyang puso. Gusto na niyang magwala pero kahit anong gawin man niya ay walang magbabago. Mananatiling ganito ang mangyayari. Walang pag-asa at habang buhay niyang maramdaman ang sakit sa puso niya.
Halos araw-araw ng pumupunta si Zachel sa bahay ni Sherwin at palagi rin siyang umuuwing luhaan. Hindi na niya alam ang gagawin.
"Do you really want this, Zachel?" Tanong ni Sherwin sa kanya.
"Oo...."
"Then, are you ready to face the consequences na posibleng mangyari?" Tanong pa niya dahilan para guluhan si Zachel.
"What do you mean?"
"You know Zachel that I can't love you but still, you choose to stay with me. Hindi ka ba nasasaktan? Hindi kita kayang mahalin!"
Masakit. 'Yun na lang ang nasambit ni Zachel sa kanyang sarili. Nagagalit siya dahil hindi ba niya nakikita? Halos wala ng natira sa pride niya para lang sa kanya! Kaya nga nanghihingi siya ng chance.
"Give me a chance, Sherwin," mahina niyang sabi kay Sherwin.
"Are you really that desperate, Zachel?!" Sigaw na tanong niya at parang binuhusan ng malamig na tubig si Zachel.
Wala na. Wala na talagang natira sa pride niya ng dahan-dahan siyang lumuhod.
"Please, Sherwin? I'm begging you," lumuluha niyang sabi. Amuse naman ang ekspresyon ni Sherwin ng titigan niya ang babae.
Dahan-dahang tumalikod si Sherwin dahilan para mai-angat niya ang kanyang ulo para makita ang lalake.
"Sher---"
"Sige. Bibiyan kita sa gusto mo. Make me fall in love to you and replace those memories that I have with Nellie."
Gulat na napatitig sa likod ng lalake si Zachel. Hindi niya alam kung anong marandaman niya sa oras na 'yun. Para siyang sumabog sa saya.
BINABASA MO ANG
Loved By Her
ChickLit#ShortStory #Romance Pinaasa at sinaktan. 'Yun ang pinaramdam ni Sherwin sa babaeng wala lang namang ginawa kundi ang mahalin lang siya. Hanggang sa dumating ang araw na gumising na sa katotohanan si Zachel. Walang nagbago. Hindi siya kayang mahali...