Textmate

14 0 0
                                    

Prologue:

What if mainlove ka sa katext mo? Handa mo bang suwayin mga magulang mo para sa kanya? O mas pipiliin mong iwan sya para matupad mo ang mga ipinangako mo sa kanila? Alam mo sa sarili mo na masakit at hindi mo kaya na kalimutan sya dahil kahit sa text ay naging parte sya ng buhay mo.

------

Hi! Ako yung tipo na kapag walang makatext ee nag-iimbento ng number para lang may makatext. Oh ayan. Isip isp muna ng number and boom! May naisip na ako. Syempre ako naman ee agad itong tinext at ang swerte ko kase nagreply sya. Oh bago ko pala ipakilala yung katext ko ako muna magpapakilala. Ako nga pala si Sofia Suarez, 17 years old. Medyo lukaret, mahilig makitext at makipagtext lalo na kung mabait at trip ko yung katext ko.

Oh yun na nga balik na tayo dun sa guy na agad-agad nagreply saken. At ako naman ee tuwang tuwa kasi after 10 years may nagreply din saken. Hindi naman, joke lang after 10mins. Tapos agad agad ko syang tinanong all about sa sarili nya. Tsaka baka nagtataka kayo kung bakit ko nalaman na boy sya. Kasi eto lang naman sinabi ko,

     "Hi. Good morning po. Kung boy ka po, please reply pero make sure na cute and handsome ka. HAHA"

Oh di ba, at feeling naman nitong si lalaki na ito ang pagkapogi nya. Yan yung naisip ko nung nagreply sya at ayun, dun na nga nagsimula ang lahat.

Habang nakikipagtext ako ay nakahiga ako sa kama habang tuwang tuwa dahil may katext na ako. Nagkatext na nga kami at ito ang aming napag-usapan.

     Ako: Hi, ano po name mo?

     Siya: Ah, ako nga pala si Ronnelle Reyes, single?

     Ako: Oo naman. Hindi ko pa kasi makita yung right guy for me ee. (Choosy lang)

     Sya: Ah, ako din single. Pwede ako for you?

At yun bigla na akong humalakhak dahil masyado naman sya.

Kelangan ba namang maging straight to the point. (Pero aminin, kinilig ang babae)

Syempre hindi naman ako pwede mainlove agad kase hindi ko pa naman sya kilala.

Tumingin ako sa orasan at 7:00pm na. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya nagpunta agad ako sa may kusina. Pero nalungkot ako kase, wala pang lutong pagkain :( Bumalik na lang ako sa kwarto ko habang naghihintay.

     Haaayy! :(

Sa sobrang tagal, wala man lang nagtetext kaya natulog na lang ako.

     Zzzzzz .. ZzzzZZz...

At sa sarap ng tulog ko ee biglang nagvibrate yung cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon