Chapter 15

367 19 16
                                    

Chapter 15 - Acquaintance

Ilang araw lang ang binigay sa amin para mag prepare para sa acquaintance. Buti na lang at umuwi si ate Ayah galing korea. Maalam siya sa fashion kaya hindi na ako nahirapan pang maghanap ng gown.

Kaibigan ni kuya si ate Ayah. Close kaming dalawa actually. Kapag nauwi siya dito sa pilipinas sa bahay namin siya nagsstay tutal wala namang tao sa bahay nila. Parehas nasa ibang bansa ang magulang niya.


Alam ni kuya na si Xzyr ang partner ko. Nagulat pa nga siya. Alam niyang kapatid siya ni kuya Xean samantalang hindi ako hindi ko alam. Well, kasi nga hindi kami ganun ka close ni kuya Xean. Bakit ba nagrereklamo pa ako na di ko alam?


Nabanggit din sa akin ni kuya na parang galit daw si Xzyr kay kuya Xean kaya hindi sila ganun magkasundo pero ang banggit sa akin ni Xzyr si kuya Xean yung may ayaw sa kaniya.


So confusing.


Nabalik ako sa wisyo ng pumasok si ate Ayah sa kwarto ko. Tinanong ako kung okay na ako. Ihahatid na daw ako ng kuya ko kung saan gaganapin ang party.



Sa hotel gaganapin ang party. Parang may malaking space doon para sa party. Parang ganun ata? Basta ganon. Sa hotel gaganapin. Tapos ang usapan.


Napag-usapan na namin ni Xzyr na hihintayin niya ako sa papasok ng hotel kaya doon na ako nagpaderetso kay kuya.


Kinuha ko ang phone ko ng magvibrate. Napangiti ako ng mabasa ang pangalan ni Airon.



See you around, baby. I'm excited to see you wearing your fancy dress



Tinago ko agad ang phone ko ng makita na nakatingin sa akin si kuya gamit ang reflection ng rear mirror. Baka kung ano pang isipin niya sa pagngiti ko.


Hindi niya dapat malaman na kami na ulit ni Airon. Sigurado akong magagalit siya.


Pagkarating namin sa hotel nakita ko agad si Xzyr. Bukod sa matangkad siya, nakakaagaw pansin ang mahaba niyang buhok na nagpapaangas sa kaniya.


Binilinan ako ni kuya sa kaniya. Wag daw akong hayaang umuwi mag-isa. Susunduin niya daw ako. Binantaan pa nga si Xzyr pero tumawa lang siya.



"Nakakatakot kapatid mo" natawa ako sa sinabi ni Xzyr pagkaalis ni kuya


Pumasok na rin kami sa loob pagkatapos. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Sobrang engrande ng party. Ano bang aasahan sa madaming koneksyon na school?


Naglalakihan ang mga chandelier na nakasabit. Madaming table na nakakalat. Sa dulo may makikita kang stage na may spotlight. May space din bago mag stage. Yun ata ang magsisilbing dance floor.



Mahirap hanapin sila Vervon kaya minabuti kong itext na lang siya. Sabi niya nasa table 9 daw sila. Buti nakakuha sila ng table na medyo malapit sa stage.


Pagkakita ko kay Vervon agad niya akong pinuri sa suot kong pink na off shoulder na may long sleeve na gown. May kaunting flower flower siya sa bandang bewang pababa pati na rin sa sleeve niya.


Mas nakakamangha ang itsura ni Vervon. Mas napakita ang ganda ng mukha niya dahil sa make up. Isama na ang gown niya na sleeveless. Sobrang simple pero elegante.



Umupo ako sa tabi niya. Katabi ko ngayon si Xzyr. Samantalang katabi ni Xzyr si Khyle. Meron pang apat na silya sa table hindi ko alam kung may uupo pa ba.



"Siguro napawow si Khyle sa ganda mo ngayon, girl!" natatawa kong pang-asar pero umiling-iling siya.


"Wala ngang reaksyon" ramdam ang disappointment sa boses niya.


Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon