Curiosity

393 4 0
                                    

Yan na ngayon ang isa sa mga kasabihan na papaniwalaan ko habang buhay. Dati kase "To see is to believe". And that was one of my biggest mistake I ever had. Baket? Well here's my story.

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kate. I'm 19 years old and masasabi kong adventure seeker ako. Ako yung tipo ng tao na di mag aaksaya ng 1minute of my life para lang mabore. Isa sa reason yun kung baket traumatized pa ren ako. So here it goes..
Taga San jose del monte bulacan ang boyfriend ko and I'm just from caloocan so boundary lang at magkalapit lang naman. Lagi akong bumibisita sa kanila kase medjo nakakatuwa lang, province style kase sa kanila. At bilang isang dakilang ignorante tuwang tuwa akong makakita ng mga kalabaw at baka sa bukid (Puro kase askal at pusa lang nakikita ko samen). So ayun na nga until one day, di ako nasatisfy na matanaw lang ang mga kalabaw at baka. Gusto ko na silang malapitan. Inaya ko si boyfie na pumunta ulit ng bukid. Narinig yun ng lola nya. At agad agad kameng binawalan na pumunta dun. Bagay na ikina curious ko. Tinanong ko sa BF ko kung baket at saka sya nagkwento.

NV:

Me: Baket ayaw tayo papuntahin ni lola sa bukid? Private property ba yun?

Him: Delikado kase..

Me: May rapist? Holdaper? Psh. Di naman siguro yan! Duterte na kaya tayo.

Him: Iba kase yun babe. Basta di mo gugustuhin makita..

Me: Ano nga kase?! Babe naman eh! Parang tanga.. An nga?

Him: Tsk. Dahil dun sa babaeng baliktaran.. hays..

Me: (Nagpipigil ng tawa) Ano?? Hahahaha!! Babaeng what? Doble kara? Anong klaseng excuse yan? Hahaha.

Him: Diba napansin mo naman na sa gitna ng bukid may kubo? At yung kubo na yun ang bahay ng babaeng baliktaran.

Me: Eh ano naman pake ko dun? Yung mga kalabaw lang naman titignan ko dun eh! Tsaka tao lang naman yun!

Him: Hays.. Diba nakwento ko na dati sayo na maraming namamatay dito samen malapit sa bukid?

Me: Oh? Ano naman?

Him: Lahat ng namatay na sa bukid natagpuan, puro kalmot lahat sa parte ng katawan. Luwa ang mata at nakapilipit ang ulo patalikod. Nung una akala ng lahat napagtripan lang ng mga adik. Hanggang sa may nakasaksi sa nakakakilabot na patayang naganap. At kumalat yun dito sa buong pabahay at kinatakutan na ng lahat ang pumunta sa bukid ng gabi.

Me: Eh malay mo naman adik lang yung nakakita?! Nagpapaniwala ka dun. At ano naman connect nung babaeng baliktaran dun?!

Him: Sabi nila, pag pumunta ka sa bukid ng dis oras ng gabi bago pumatak ang alas dose, sa kubo sa gitna ng bukid may isang babae. Makikita mo syang nakatalikod at pag naramdaman ka nya, magbebend yung katawan nya, parang gagambang nakabaliktad. Nakakahindik ang itsura nito. At hahabulin ka nito.. At syempre pag naabutan ka nya, isa ka na sa mga nabiktima nya. Sobrang nakakatakot nun babe, kahit di ko pa napatunayan ayoko na ren itry.

Me: Masyado kang nagpapaniwala sa ganun! 20th century na tayo! Di na uso yun,ano ka ba?! Gusto mo pustahan pa tayo eh! Haha, puntahan naten yang sinasabi mo. Para mapatunayan ko sayo na bata nalang dapat ginaganyan nila.

At yun na nga nagpumilit ako sa BF ko na puntahan yun. Ayaw nyang pumayag kaya nag walk out ako at nagsabing kung ayaw nya, ako nalang mag isa. Alam ko naman kase na di ako matitiis ng mokong na yun. So ang ending pumunta na kame sa bukid. 11:48 pababa pa lang kame sa bukid. At tanaw na tanaw ko ang kubo na tinutukoy nya. Habang ako excited dahil alam kong mapapahiya tong BF ko mamaya, sya naman kabado. nagpupumilit pa ren syang wag na tumuloy pero di ako nagpapigil. Naglakad na kame diretso sa kubo at ito na ang sumunod na nangyare. Pagpasok namin ng kubo.

NV:

Me: Oh see? Walang tao diba? At kahit yung babaeng baliktaran na tinutukoy mo wala. So panu ba yan? Hahahaha! Masyado kang paniwalain kase!

Him: Oh tara na uwi na tayo! Osge na ikaw na panalo! Tara na.

Me: Wait lang naman! Agad agad? Masyado kang kabado eh! Asan na yung kinatatakutan nyo?! Papapicture lang ako. Hahaha.

Him: Babe! Tara na kase.. Ano ba.

Me: Oh baket napatigil ka?!

Him: Sssshhh!! Pabulong (Di mo ba narinig yun?)

Me: Narinig ang alin?!

Napatigil kameng dalawa sa kakaibang tunog na yun. Parang pintong umiingit, parang kahoy na nababali. At maya maya pa.. sandaling katahimikan nakarinig kame ng ungol.. Eenngggkk.. eeenngggkk.. Sa sobrang takot namen kumaripas kame ng takbo palabas sa kubo! Halos magkadapa dapa na ko sa paghila saken ng BF ko at lumubog pa ang paa ko sa putik. Dahilan para mapatigil ako, pagkalingon ko sa likod... halos di ko kinaya ang nakita ko. May nakita akong babae. Nakatalikod sya.. At nagulantang ako sa sumunod na nangyare. Yung babaeng nakatalikod dahan dahang bumebending!! As in parang inabot nya yung lupa gamet ang kamay nya kaso patalikod. Nagtutunugan lahat ng buto nya na parang nababali. Napako ako sa aking kinatatayuan. Akala ko yun lang. Pero mas nakakakilabot pa pala nung nakita ko ang ulo nya!! Halos ga-pisngi na ang sakop ng mata nya. Itim na itim! Halos wala akong makitang puti! At wakwak sa laki ang bunganga nya habang nakalawit ang mahaba nyang dila! Maya maya pa ay gumapang na to papunta sa direksyon namen! Sobrang bilis!! Nataranta na kame! Halos maiyak na ko sa sobrang takot. Hinila ako ng BF ko at tsaka sya nagsalita.

Him: Wag tayong tumakbo ng diretso! Dapat pa "S" yung takbo naten! Pa zigzag! Maghiwalay tayo ng direksyon para di nya tayo mahabol!

Me: Ayoko babe! Ayoko please! Ayoko pa mamatay! Wag mo akong iwan!

Him: Babe kailangan naten maghiwalay muna ng direksyon! Akong bahala sayo. Mag tiwala ka saken. Mahal na mahal kita!

Halong takot at kaba na, pero no choice, kailangan namen maghiwalay ng direksyon. Tumakbo ako tulad ng sinabi nya, pa "S" di ako dumiretso. Naramdaman kong nagdadapaan na lahat ng talahib sa likod ko kaya wala na kong nagawa kundi magdasal. Yun na lang ang kaya kong gawin, nagsisisi na ko. Sana pala nakinig at sumunod nalang ako. Sana di na ko nagpumilit pa, naririnig ko na ang ungol nya dahil sobrang lapit nya na saken, nanghihina na ung tuhod ko. Nang biglang may humablot sa kamay ko at hinila ako sa gilid! Nakadapa kame ng BF ko sa mga talahib sa lumang gulong. Tinakpan nya ang bibig ko.

Nakikiramdam kame sa paligid. Sumaglit pa ang katahimikan nang bigla syang umungol ng sobrang lakas! Dahilan para kumaripas kame ng takbo. Takbo, takbo, yan nalang ang nagawa namen. Nang may matanaw kameng bahay na may ilaw, halos kalabugin namen ang pinto sa sobrang takot at kaba! At pinagbuksan kame ng pinto ng isang ale, takang taka sya kung anong nangyare samen. Sa sobrang takot di kame makapagsalita at puro iyak nalang. Nang may maramdaman kameng parang kahoy na nababali ulit, agad na sinara ni ate ang pinto at pinatay ang ilaw. "Wag kayong magsalita o gumawa ng kahit na anong ingay. Aalis din yan" Pabulong nyang sabi. At ganun na nga ginawa namen. Sandali pang katahimikan at nawala na ang tunog. Dun na kame pinagpalipas ng gabi ni ate.

"Bukas na kayo umuwi pagsikat ng araw. Magpahinga na muna kayo jan"

Kinabukasan kinuwento namen sa kanya ang lahat. Pinagsabihan nya kame pagkatapos mag agahan. Sobrang thankful kame sa kanya. At nagpaalam ng umuwi. Di na namen nakwento sa parents ni BF ang nangyare, dahil alam namen na mapapagalitan lang kame. Isinikreto namen ang nangyare. At nangakong di na ulit pupunta dun. Nagsilbing lesson saken ang nangyari na to. Simula nun, ayoko na ulit macurious sa mga bagay bagay. Wala naman masama kung paminsan minsan sumunod ka sa
babala at makinig sa mga nakakatanda. Dahil pabalik na sila, papunta pa lang tayo.

A reminder sa mga teenager na katulad ko. Di masamang magseek ng adventure, know our limitations lang. Yun lamang! At salamat sa pagbasa!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CuriosityWhere stories live. Discover now