Dennise Pov:
MY first day of school went fine. I have Alyssa, Bea, Berna Amy and Laura. I like them a lot. Pero sa college life ko, gusto ko meron akong trusted friend. Kahit isa lang, sapat na sa akin.I really like Alyssa. She kind'a mature, level-headed, simple and hindi ko maexplain pero parang nasa kanya na lahat ng katanginag puwede mong hangaan. Idagdag mo pa 'yung charm niya. Oo, for me she's beautiful. Bagay ang morena niyang kulay at ang tangkad pa kaya niya. Nakaka-intimidate din minsan.
Pag-uwi ng bahay matapos magpahinga ay kinalkal ko ang luma kong gamit.' Yung mga remembrances, card, pictures, slambook and letters na tinago ko during elementary days.
Uso naman noon 'yung mga solo pictures or group tas lalagyan ng dedication sa likod. Ang alam ko ay kumpleto ako noon every grade eh.
Tapos dalawang slambook ang binili ko noon para sa mga classmates kong nalipat ng ibang section no'ng grade six kami.Agad kong binuksan ang aking mini-baul at kinuha ang isang box na may tag na "Elementary". Kinuha ko ang class picture namin nung grade three dahil do'n ko lang naging classmate si Alyssa. Napangiti ako ng madistinguish ko siya. Sa likod ko siya nakapuwesto at ngiting-ngiti siya samantalang ako ay hindi. Naiinis kasi ako sa classmate kong lalaki na laging pinipitik ulo ko.
Kinuha ko naman ang slambook ko nung grade six. Pinasulat ko rin siya do'n and honestly? Bumili ako ng extrang slambook para lang sa kanya.
Para lang hindi mahalata kaya pinasulat ko lahat ng students sa section two.Bakit ko ginawa 'yon? Because I was intrigued. Magaling siyang volleyball player noon and yet napakahumble niya. Tapos , yung tipong lahat ng classmates niya binabati ako, siya lang ang hindi. But deep inside? I admire her. Na sana noon kasing galing niya ako sa sports.
I even invited my cousins to teach me how to play volleyball. One time, uwian na no'n. May practice sa kabilang court ang mga players with Alyssa. Sa isang sulok naman kami ng quadrangle. Gusto kong mapansin niya ako. Pero palpak dahil nung ako na ang magseserve, napunta sa likod ang bola. Badtrip. Tiningnan ko ang direksiyon niya pero hindi naman niya nakita ang palpak kong serve. That's the last I did that.
Binuksan ko ang slambook at hinanap agad ang page niya. Ang tiningnan ko lang ay-
hobbies: Volleyball and movies. foreign and local
What is Love: It can make you crazy thinking about her.
( Ngayon ko lang napansin yon ah. Her? Dapat him diba? Baka nagkamali lang siya. )
Ambition: To talk to that someone who is a snob.
(Ambition ba 'yon? Diba dapat kung ano ang gusto mong marating? Maloko pala 'tong si Allysa. )
Who is your crush?: None- dyan lang.
(Woah, misleading no? None na wala pero nandyan lang? Hmmmm…sino kaya crush nitong bruha noon? )
Dedication:
Den,
It's a privelege to have a space here in your slambook. I got a little chance to send you a message, huh?
Hmmm…what can I say aside from stay pretty? Nothing.I just hope in seeing you once again after graduation and maybe we could be friends?
Ly.
Ang simple lang pala ng dedication niya noon. Hmm..pretty raw ako? So tanggap niya yun ah? Haha!
Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ang lahat ng page na sinulatan niya. Papakita ko sa kanya 'to bukas.
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanfictionA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018