Family Date
Park Jesse"Thank you baby Irene" nginitian ko si Irene saka kinuha ang rosas na hawak niya. Ng makapasok na siya sa loob ng classroom agad naman hinanap ng matabko si Jungkook at ayun, malapad ang ngiti at may pakaway-kaway effect pa siya.
Ilang araw ng papasok si Irene na may dalang rosas at iaabot sa akin at syempre alam kong kay Jungkook galing iyon. Inirapan ko siya ng pasimple at ng masigurado kong kunpleto ng ang esudyante koay sinara ko ang pinto. Tinignan ko hawak na rosas at inamoy ito.
Napangiti naman ako ng maalala ko ang itsura ni Jungkook kanina, mukha siyang timang na pusa kanina. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, ilang araw na akong ganito pa mula ng magsimula ang pagbibigay ng rosas ni Jungkook sa akin.
Time passed at ayun uwian na, nasa classroom ako ngayon inaayos ang gamit ko dahil kakatapos ko lang iayos ang mga gamit at laruan na ginamit ng mga bata kanina. Isinabit ko ang sling bag ko sa balikat ko saka lumabas ng classroom at nilock ito. Narating ko ang gate at papuntang pinagparkan ko malapit lang ito sa school kaya nag lakad lang ako ng hindi ganun kalayo. Narating ko ang parking lot at laking gulat ko ng makita nakasandal sa likuran ng kotse ko si Jungkook
"Jungkook?" Napatayo naman siyang maayos ng marinig ako saka ngumiti
"Jesse, uhm ah ano kasi... uhm" nagpipigil ako ng tawa dahil hindi niya masabi ang gistong sabihin niya kaya inunahan ko na siya
"Si Irene?"
"Sinundo siya ni Jieun kanina" sabi niya kaya tumango ako "pwede ba kitang ayain sa labas?" Hindi ko na-pigil ang sasarili ko saka tumawa ng malakas
"AHAHAHAHA Jungkook nasa labas na tayo AAHAHAH" Hagalpak ko ng tawa, napahawak na rin ako sa kanya sa sobrang tawa ko.
"I mean can I ask you out for a dinner?" Natigilan naman ako sa pagtawa. At tinignan siya ng seryoso
"Ano yon? Baka mali ako ng dinig?"
"Can I ask you out for dinner?"
"Uhm, let's ask Sean shall we?" Pag-eenglish ko sa kanya at naglakad papuntang driver seat ng sasakyan ko. Napansin ko naman hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. "Anong ginagawa mo dyan? Asan kotse mo?"
"Kinuha ni Jieun" maikling sabi niya at napa-iwas ng tingin. Nagyaya mag dinner tapos walang dalang sasakyan wow ha? Ano ako driver? Charr!
"Sakay ka na, sunduin ko lang si Sean" sabi ko at sumakay na sa sasakyan. Ganun din siya.
-
"Bakit dito mo pinag-aral si Sean?" Tanong niya sa akin habang nakadungaw sa bintana ng kotse, nasa labas kami ngayon ng school ni Sean inaantay siya to be exact
"Ayaw ko kasing malaman ng pinagtatrabauhan ko na may anak, baka matanggal pa ako" sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?"
"Kasi single mom ako, hindi sila timatanggap ng single mom eh, kaya pumasok ako as Ms. Park" paliwanag ko
"Asan ba tatay niya?" Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang tanong niya, pero naka-recover naman din agad ako
"A-ang dami mong tanong"
"Mama!" Napalingon ako sa narinig at sinalabong ako ng yakap ni Sean na mabilis ding humiwalay sa akin. "Kuya Pogi!" Masayang tawag ni Sean kay Jungkook
"Hi there buddy" nakipag fist bump ito sa kanya, kita ko sa mukha ng anak ko na masaya siyang nakita si Jungkook, pano na lang kaya pag nalaman niya totoong papa niya ito? Nakakatakot man sabihin pero baka kunin sa akin ni Jungkook si Sean once na malaman niyang anak niya ito, boglannamang kumirot ang dibdib ko sa naisip. Natatakot ako na baka sumama sa kanya si Sean, natatakot ako na iwan ako ng sarili kong anak dahil nakilala niya ng totoong tatay niya.
"Mama, tara diner tayo kasama si Kuya pogi" nakabalik ako ng realidad ng hilain ni Sean ang damit ko. Ngumiti ako ng at tumango "Yaayy!!"
-
"Akala ko ba Diner lang?"
"Mama please, gusto ko pong makipag-laro kay Kuya pogi" reklamo ni Sean habang buhat-buhat ni Jungkook
"C'mon Je, I want to spend time with him" inirapan ko siya, kakatapos lang namin kumain at ngayon nag babalak ng mag-arcade ang dalawa
"Sige na" pilit na sabi ko at ayun tuwang-tuwa yung dalawa. Masaya silang naglakad papuntang arcade habang nasa likuran nila ako. Masasabi ko na ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Sean kaya mas lalo akong natakot, kumirot ulit ang dibdib ko, balot panay ang kirot nito, baka nasobra lang sa feels.
"Mama, dito ka sa tabi ni Kuya pogi" turi ng anak ko sa tabi ni Jungkool kaya naglakad ako sa tabi niya "Ayan, complete family tayo" hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko dahil sa emosyon ko
"Jesse?" Nagaalalang tawag ni Jungkook
"Okay lang ako, tara arcade" mabilis na sabi ko at nginitian siya. We played different games baril-barilan, machine claw may nakuha panga siyang captain america na teddy bear para kay Sean, tapos ng 3d ride kami. Ginawa namin ang dapat na ginagawa ng isang pamilya.
-
Naglalakad kami palabas ng mall at naalala ko kung gaano kasaya si Sean kanina habang naglalaro kasama siya.
"Thank you" nakangiting bulong ko kay Jungkook, dahan dahan naman niya akong nilingon para hindi magising ang natutulog na Sean na buhat niya.
"For what?"
"Making Sean so Happy" masaya na malungkot na sabi ko sa kanya at napatingin sa sapatos ko
"No need to thank me Jesse, I enjoyed it too you know, ikaw? Napasaya ba kita?" Nanlaki ang mata ko sa narinig, ayaw ko mang aminin pero na-enjoy ko naman na kasama siya pati si Sean.
"Oo naman tuwang tuwa si Sean eh" masayang sabi ko
"Good to hear, at least I made you happy after five years..."
"Jungkook, wag dito... baka magsing si Sean"
"Jesse, alam ko mali ang iniwan kita noon, pero ikakabuti mo kapag iniwan kita..." bigla naman akong nagalit sa sinabi niya
"Anong ibig mong sabihin? Pano ko ikakabuti iyon? Matapos ang dalawang taong relasyon natin itatapon mo lang, tapos ngayon sasabihin mo para sa ikabubuti ko? What a fucking bullshit!" Medyo malakas na bulyaw ko na nag-akit ng atensyon mula sa ibang tao.
"You don't understand-"
"Yeah, I fucking don't" dahan dahan kong kinuha si Sean sa kanya na nagising sa ginawa ko
"Mama?" Tawag nito sa akin
"Shh tulog ka na ulit uuwi na si Kuya Pogi mo" walang emosyong sabi ko sa anak ko at tinapunan siya ng tingin.
"B'bye kuya pogi" naghikab ang anak ko at bumalik sa pagakaktulig sa braso ko
"Salamat Jungkook, wag kang mag-alala... babayaran kita" mabilis akong umalis sa harap niya. Okay na eh, okay na... konting konti na lang eh, nasatuktok na ako, kaso bumigay ako... hindi ko kinaya na alalahanin pa yung mga gabing wala siya sa tabi ko... masyado akong nasaktan, at hindi ko hahayaang madamay ang anak ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Forbidden LOVE || Discontinued
FanficIt's forbidden... Their love is forbidden. But nothing can stop a two person for the love they feel even if it's forbidden... Especially if that love became fruitful