" Lopez pakiss! "
" Lopez umuwi na tayo! "
Nasusura ako. Gusto kong bunutin ang mga dila ng babaeng 'to at itali sa isa't isa!
Nang tingnan ko si Getrude ay...gaya ng dati.
Deadma.
Dead air.
Walang paki.
Mukhang inaantok.
Kaya napangiti ako. Yung malapad. Sarap syotain ng ganyang lalaki. Wala kang poproblemahin. Pero sa tingin ko isa rin 'yong challenge. Kasi paano mo mamalaman kung mahal ka nya? Diba!
Ang kaninang sing lapad ng dagat na ngiti ko ay bigla nalang nanunuyo ng mahagip ng paningin ko ang mala-dyosa.dyosa ng mga linta ang nakita ko na umupo sa kanang bahagi ng court.
Agad nagningning ang malalaki nyang mata ng tumingin sa boyfriend ko. Sa boyfriend kong baluga. Gago. Sarap isabit sa tapat ng ring at patamaan ng maraming bola!
Agad kong pinag aralan si Hector. At tama nga nagkatinginan sila. 'Yong tinginang sila lang ang nakakaintindi. Tinginang I love babe! Pwee. Edi sila na...sila ang manloloko, manggagamit at mga pangit!
" Lopez! " sigaw na naman ng babae sa likod ko.
Gusto ko sana silang sigawan ng magsimula ng pumito ang referree. Mabuti nalang at matindi ang kapit ko sa board members para dito sa school eheld ang Basketball League. May school court advantage kami.
Habang nakaupo ako gilid ni Sam ay agad naghanda ang first five ng team. Kasama si Getrude at si Hector. Ngumiti pa sa akin si Hector upang tanguan ko lang sya. Halos dumadagundong dito sa loob ang ingay.
Nang magsimula ang laro ay agad nakuha ng team namin ang bola. Kita ko pa ang pagiging madamot ni Hector upang hindi makahawak ng bola si Getrude na point guard ngayon. Meaning sa labas kadalasan ang laro nya at si Hector naman ay center. Na syang taga kuha ng rebound.
Bigla akong nairita ng makita ang kalamangan ng kabilang team kaya kinalabit ko ang coach.
Batid naman ito ng coach kaya nagpatawag sya ng time.
Nakapanlulumo lang akong nakikinig sa sinabi ng coach.
" Hector 'yong bola wag isarili. Ang daming open dyan kaya iikot mo ang bola. At pahawakin mo ng bola si Lopez. " sermon ng coach.
Mula naman sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na uminom ng tubig si Getrude.
Bago paman sila uli pumasok sa court ay agad kong narinig sa gilid ko si Hector.
" Babe pahawak ng kamay. Pampainit ng kamay. " saad nya upang kunutan ko sya ng noo. Anong kala ng lalaking 'to heater ang kamay ko!
" Wag ka ngang o.a dyan babe. Kung magaling ka magaling ka talaga. Hindi 'yong idadaan mo sa ganyan. " ayaw ko nang madrama ngayon lalo pa't nakikita ko na pinupunasan ng tuwalya ni Sam si Getrude!!
Pag ako nairita ibabalik ko sa pinanggalingan nya 'yang Lopez na 'yan! Kung makapang akit ng babae akala mo naman nag effort!!
" Babe I love you " bigla akong napatingin kay Hector pero nabigla nalang ako ng hinapit sya ni Getrude. Si Getrude na walang isang salita na kinaladkad si Hector sa court.
'Yan malandi kasi. Twutimer naman!
Habang nagpapatuloy ang laro ay panay din ang pagkuha ko ng pictures. Hanggang sa tuluyang nakaupo sa gilid ko si Getrude na agad namang tinabihan ni Sam.
" Oh. Tubig idol "masayang bungad ni Sam upang tingnan ko sya ng masama.
" Sam nasunod mo pa ba 'yong tally? " halatang inis kong tanong upang sumimangot ito.
BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
General FictionYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...