A/N: Pasensya na sa mga boring updates. Nawawalan na kasi ako ng gana! Joke lang! ako pa?! mawawalan ng gana! Hindi no! love ko kaya kayo! Pero pasensya na talaga. Hindi kasi ako makapagconcentrate dahil narin sa dami ng mga iniisip at ginagawa ko. Busy ako sa work ko. At busy din ako sa studies! Ang tanong, nag-aaral nga ba ako?! Hehe! Oo! Kahit papano naman, nag-aaral ako ng mabuti. Trying hard nga lang pero atleast andun parin yung effort.
Pang gulo tong chapter na ito.
Ginawa ko ito para dun sa mga DOS na matagal pang eeksena at para narin sa mga hindi talaga eeksena. Atat na daw kasi sila at hindi na makapaghintay! Lalung lalo na si HAINRICH KEVIN UNITE! Lagi akong kinukulit na ilagay ko na daw siya! Siya nalang kaya magtuloy ng kwento! Wala talagang nangyaring ganito. Gawa-gawa ko lang ito.
PORTU wacky class picture at the side - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - -->
…
Hainrich’s POV
Nagyaya si George na mag-inuman sa kanila. Pumayag naman ako. Inuman eh! Tinext ko sila Marcelino at Bonifacio. Tinext ko rin sila Robie at Shalom, kaso hindi naman daw sila pwede kasi may kani-kanila silang mga date. Sabi ni Shalom, may date daw sila ni Jully. Si Robie naman kadate si Tin.
Bali, sinundo ako nila Charles at Berio sa CH. Taga Consuelo Heights Subdivision din kasi ako eh. Kapit bahay ko si Author.
Sa Diversion idinaan ni Berio yung motor niya kasi may LTO daw sa may highway. Sakto namang nadaanan namin si Carl na bumibili ng gulay sa talipapa. Tinawag ko siya pasigaw. Lumingon naman siya agad at lumapit sa amin.
“san kayo punta mga dre?”
“kina George, inuman daw! Sama ka na!”
“o sige, teka lang then tah iuwi ko to sa bahay.”
Hinintay namin sa kanto si Carl. Nakaporma siya, puch@! Hanep yung kulay green na sapatos niyang bago! Nahiya naman kami nila Charles sa itsura namin. Muka lang kasi kaming makikikapit-bahay eh! Lalo na si Berio na nakablack sando lang. halos kasing kukay niya yung sando niya.
Hindi kami magkasya sa motor. Kaya napagpasyahan namin ni Charles na magtricy nalang. Kaso yung napara naming tricy eh siya namang kinasasakyan nila Jayson at Thomas. Sinabihan namin sila na sumama nalang sa amin.
Ang layo naman pala ng bahay nila George. Ilang bundok ang tinahak namin bago namin marating ang bahay nila. Bundok?! OA lang?
Papasok na ako sa gate nila George nang biglang may tumahol na aso sa akin. Pagtingin ko, isang bulldog na chiwawang asong hotdog na kamukha ni Vincent ang tumambad sa paningin ko. Ulul na aso yon! Akalain ba namang tahulan ako!
“arf arf arf! Grrrr ggrrr grrr”
“hoy aso! Shuuw ka! Alis!”
“arf arf! Arf! Grgrgr grgggrrrrr grrrrgrrr!”
“ay tae! Sino bang amo mong aso ka at ang kulit mo! Hindi ka ba tinuruan ng amo mong irespeto ang others?”
“arf! Arf! Arf! Grgrggr gggrrrrr GGGrrrr….”
“George, may aso dito oh! Tinatahulan ako!”
“tahulan mo rin pare!” sigaw ni Berio.
“ikaw nalang. Muka ka namang aso! Kalahi mo to!"
Agad naman kaming pinuntahan ni Charles.
“hindi kasi kayo marunong magpa amo ng aso” sabi niya then umupo siya sa harap nung aso.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Подростковая литератураeto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.