A/N: Inspired sa commercial na kasama si Ivan Dorschner.
===============================================================================
Magkasama na kami since birth ni Princess.
Sa isang hospital kami ipinanganak. Sa isang subdivision kami lumaki. Palagi kaming magkasama.
Kambal na nga ang turing sa amin. Parehas kasi kami ng birthday. Pero syempre, mas matanda ako sa kanya ng one hour. Kaya ako ang Kuya niya.
Magbestfriends ang parents ko at parents niya. Ang galing, di ba?
"Mark!"
Tawag sa akin ni Princess. At saka ako lumapit sa kanya.
"Nakuha ko na yung number ni Anna."
Ipinakita niya sa akin ang number ni Anna na naka-save sa cellphone niya.
Inutusan ko kasi siyang kunin niya yung number ng crush ko, kasi magkaklase sila.
Kinopya ko yung number ni Anna at saka nakipag-apir kay Princess. Nagtawanan kami. Which means quits na kami.
May utang na loob kasi sa akin si Princess noong tulungan ko siya sa project niya sa Physics.
Parehas kasi kaming fourth year highschool. Pero syempre, nasa first section ako. Ahead ang section namin kesa kila Princess.
***
Every weekends, naglalaro kami sa family computer nila Princess.
Hindi kasi masyado naglalalabas si Princess sa bahay nila. Palibhasa kasi, sakitin. Mabilis mapagod.
"Hello, Tita!" bati ko sa Mommy ni Princess.
"Hind pa yata gising si Princess."
"Ako na pong bahala. Ako na ang manggigising sa kanya." nakangiti kong sabi.
At nagpaalam na ako kay Tita na umakyat sa kwarto ni Princess. Tiwala naman sa akin sila Tita na puntahan sa kwarto si Princess.
Magkapamilya at magkapatid na kasi ang turingan namin sa isa't isa.
Pero nung first year highschool kami, napagkamalan kami na magboyfriend/girlfriend. Pero syempre, todo sabi ako noon na hindi talaga kami.
Hindi ko pwedeng maging girlfriend si Princess. Hindi kasi siya ang type kong babae.
Gusto ko yung katulad ni Anna. She looks mature. Feminine na feminine sa pagkilos. Ang ayos, pananamit, pagsasalita. Hindi katulad ni Princess.
May pagkachildish na nga, may pagkaboyish pa sa pagkilos. Para tuloy akong nagkaroon ng nakababatang kapatid na lalaki pero girl appearance physically.
Nang makapasok ako sa kwarto ni Princess, nakita kong naglalaro na siya sa computer.
"Bakit hindi mo ako hinintay? Ang daya mo naman! " sabi ko sa kanya.
Kinuha ko yung isang joystick at saka naupo.
"Wag kang magulo. Malapit na akong manalo." hindi tumitinging sabi niya sa akin.
"Ireset mo na yan. 2players tayo." pangungulit ko sa kanya.
Kinulit ko siya ng kinulit. Hanggang sa nakulitan na nga siya.
"Ang kulit naman kasi. Ayan, talo ako. Hmp!" nakasimangot na sabi sa akin ni Princess.
K.O! Nabasa ko sa screen.
"Game na tayo." nakangiting sabi ko sa kanya. He can't resist my charm. Hahaha!
At nagstart na kami maglaro.
"Ayan! Bilis. Bilis. Talunin mo siya." nadadala ako sa laro.
Kaya pati ako katawan ko nakikigalaw na.
Left. Left. Left! Pati ako napapa-left. Habang si Princess naman ay napapa-right. Kaya nagkabungguan kami.
Saglit akong napatingin kay Princess. Napatitig ako.
Bakit parang ma nabago sa kanya? Pilit kong inaanalyze kung anuman ang nagbago kay Princess.
Parang wala naman? Pero bakit parang ang hirap niyang iresist ngayon? Bakit?
"Hoy! Matatalo ka na, oh?
Napatingin siya sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at hindi malaman kung saan titingin. Nakita kong napataas ang kilay niya bago ako nag-iwas ng tingin kanina.
Baka kung anong isipin ni Princess. Kaya nagfocus na lang ako sa laro namin.
***
Every afternoon, palagi kaming nasa park ng subdivision namin. Parelax-relax sa may damuhan.
Habang ako ay nakaupo at si Princess ay nakadapa habang nagbabasa ng libro with matching earphone in her right ear. Nasa akin kasi yung isang earphone. Share kami.
Habang nagbabasa si Princess, hindi ko namalayan na nakatitig na naman ako sa kanya.
Hindi ko na alam kung ano na nga ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Naguguluhan na ako!
Napatingin ulit sa akin si Princess. Ang lakas ng pakiramdam na tinititigan ko siya. Kaya dali-dali akong nag-iwas ulit ng tingin. Puro na lang ako iwas. Tsk!
***
JS Prom na sa school namin. Nauna ako sa school. A hinahanap si Princess. Sabi niya kasi pupunta siya.
Balak ko pa sana siyang sunduin sa kanila kaso tumanggi siya.
Nasaan na kaya siya?
Nakita kong hindi maayos ang necktie ko kaya saglit akong yumuko para ayusin iyon. Nang mag-angat ako ng ulo, nakita ko si Princess.
Nakatingin siya sa akin. Parang nahihiyang lumapit.
Wow! She's beautiful with her blue gown. Oh no! I mean, maganda naman siya kahit boyish siya kumilos. Pero mas maganda siya, kapag hindi siya boyish.
She's my Princess.
"Come here." sabi ko.
"I am here." sabi niya.
"Nearer." sabi ko ulit sabay lahad ng kamay.
Hinawakan niya ang kamay ko at saka tumugtog ang isang love song. Kaya nagsayaw na kami.
Confirmed! In love na ako sa little bro-- I mean, sister ko before.
***
And later on, I found out that Princess loves me too. At parehas pala kami ng nararamdaman sa isa't isa? Meant for each other?
---THE END---
=============================================================================
A/N: Thanks for your time reading my story. ^_^
BINABASA MO ANG
Princess Princess
Random"You don't know that you're in love with your so-called sister..."