Pagkatapos nang nangyari nagpahatid na ako kay Ry pauwi. Biglang sumama ang pakiramdam ko. That's why the next day I was absent, pero pumasok din ako nung mga sumunod na, na araw.
"Exam na natin next week," iritadong bulong ni Dria habang sinasabi ni Ma'am Beltran ang tungkol sa test sched namin.
"Ang bilis talaga ng araw," rinig ko rin ang iritadong bulong ni Jersey.
Oo nga, mabilis nga ang araw. Dati lang akala ko ako na ang gusto ni Ry. Ngayon, ilang araw na ang nakalipas ng aminin niya na si Arci ang gusto niya. And yeah, I admit it, nahirapan akong makisama't makiharap sakanila. Dahil habang mas tumatagal mas nagiging malapit sila sa isa't isa.
I trust Acri, alam kong gagawin niya ang pangako niya saakin. But still hindi pwedeng umasa nanaman ako dahil don. Kasi kahit naman hindi siya ieentertain ni Aric pero kung siya parin ang gusto ni Ry, wala akong magagawa doon. Kung kay Arci tumitibok ang puso niya, kay Arci lang talaga.
"Sunod ako, punta lang ako sa library." I said to my friends while fixing my things.
"You sure?" Ange asked
I smiled then nodded.
Nauna na silang lumabas ng room. I watched them habang palabas ng room nang marealize ko na hindi nila kasama sina Arci at Ry na lumabas. Tinignan ko ang buong classroom pero ako nalang ang tao dito. Oh come on, Faye! Shempre they spend time together like what they always do for the past few days. Dapat masanay na ako.
I was about to enter the library nang nasa tapat palang ako ng pintuan, nakita ko na agad ang dalawang taong kanina'y hinahanap ko. Ry and Arci are staring at each other. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Sobrang lapit ng mga mukha nila at habang mas tumatagal ang titigan nila mas lumalapit ang mukha nila sa isa't isa. Ry held Arci's cheecks. I can't take this anymore. They're about to kiss! Halata naman 'yon e. Maghahalikan sila. Pero hindi ko 'yon kayang tignan.
Before they kiss, I left the library. Bago ko pa man makita iyon, umalis na ako. I ran as fast as I could. This is giving me so much pain. This is killing me. How could she?! Sabi niya hindi niya ieentertain si Ry pero makikita ko nalang maghahalikan na sila. She lied! Damn.
I was about to turn left para sumunod na sa cafeteria kung saan nandoon ang mga kaibigan ko when someone bumped me. Wala akong lakas para mabalance ang sarili kaya muntikan na akong matumba, but bago pa man ako matumba hinawakan na ng taong nakabangga saakin ang mga braso ko.
"Faye," he called my name "What's happening?" he asked me in a worried tone.
I just looked at him for a bit then I hugged him, "Please, let me hug you" I whispered
"Fay–" I cut him off
"Kahit isang minuto lang."
"Okay."
Nang makita ko kung sino ang nakabangga saakin hindi na akong nagdalawang isip pa na yakapin siya. He's my friend na din naman na. Hindi ko man siya niyayakap, hindi ko na napigilan. Ganito na talaga ata ako e, kapag feeling ko mahina ako yakap lang ang gusto ko sa taong nasa tabi ko.
Akala ko magiging madali lang para saakin ito pero habang tumatagal imbes na bumitaw ako mas kumakapit pa ako. Mas nahuhulog pa ako. Mas nasasaktan ako.
"I'm sorry, Faye." he whispered
"It's okay."
Kahit naman ilang sorry ang sabihin ng lahat ng tao sa paligid ko, wala namang mangyayari. Dahil yung mismong tao na gusto kong magsabi ng salitang 'sorry', ni minsan hindi niya pa nagawa. Oo, hindi hinding niya magagawa. Dahil, in the first place wala naman siyang alam e. Wala siyang alam na nasasaktan na niya ako. Wala siya alam na pinaasa niya ako. Kaya bakit pa nga ba ako aaasa sa sorry niya?
Pero...
Ry, kapag alam mo na lahat, hihintayin ko ang sorry mo.
"It's him right?" He asked me after kong kumalas sa pagkakayakap ko sakanya. Ngayon konlang naramdaman ang hiya sa ginawa ko.
"Sorry," pinunasan ko ang mga luha ko and inayos ang sarili "Thank you, Ken." then I smiled
I'm not yet done crying pero kung iiyak at iiyak lang ako walang mangayayari sa buhay ko, hindi ako uusad.
"It's okay, Faye." Ken said nang magsimula na kaming maglakad "I understand you. I know how hard it is. I know how painful it is. I know cause I'm feeling it too."
"It's not easy, being in love with someone who you can never have." he stopped then looked at me "Pero alam mo kung ano yung posibleng maging madali? Letting go that someone you can never have."
I looked at him perplexed "Huh?"
"Mas madaling magpatalo nalang sa katotohanang 'di kayo pwede. Kaysa ipaglaban mong pwede pa kung sa huli talo ka din lang. Parehong masasaktan sa mag magkaibang paraan." he said then he walked away
Magsasalita palang sana ako kaso nakaalis na siya. He left me hanging here. What he said was weird, para bang hindi lang ako ang pinagsasabihan niya kundi pati ang sarili niya. Sapul na sapul saakin yung sinabi niya. I'm not the only one hurting here. I can feel that Ken's hurting too. Pero ang weird lang kung bakit?
Siguro nga tama si Ken, siguro mas madali na sa umpisa palang magpagtalo na. May punto siya 'don, sobra. Masasaktan na din lang naman ako bakit hindi nalang yung madalian at mabilisang paraan? Yung isang sakit nalang. Kaysa naman lumaban pa. Habang lumabalan nasasaktan, at mas masasaktan pa ulit 'pag natalo na ako ng tuluyan.
"Hoy!" halos matumba ako ng biglang sumulpot sa harap ko ang mga kaibigan ko.
"Tulala ka." Ange said "Naglalakad na nga kami papalapit sayo hindi mo parin kami pinansin"
"Malabo na kasi mata ko." pagpapalusot ko
Ayaw ko na kasing ipakita sakanila na nahihirapan na ako. Sapat na yung inamin kong nasaktan ako sa nangyari noong nakaraang linggo. Dahil kung malalaman lang nilang nahihirapan ako, lalayo sila sa boys. At ayaw kong mangyari na umiwas sila ng dahil lang kailangan kong iwasan si Ry.
"Malabo rin ang puso," Jalen caught our attention because of his serious tone "Malabong makalimot." he said then looked at me bago naunang naglakad
Nagsitinganan kaming lahat at nagulatz Akalain mo 'yun nakita naming naging seryoso ang isang Jalen? Isang milagro ata 'yun. Nagkibit balikat ako at napalingon sa katabi ko.
"Dria," I called her, lumingon naman siya "May problema ba?" magpinsan kami nito pero madalas nalang kaming mag usap nitong mga nakaraang araw. Ba't kaya?
"Ah?" she looked surprised "Ah, anukba. Wala!" sabay ngumiti na siya
Kahit hindi kami madalas mag usap kilala ko parin 'tong pinsan ko at ramdam kong may problema siya "Dria, I know you're lying."
"Hindi no!" then she looked away
"Hindi? Pero umiiwas ka ng tingin."
"Ikaw, Faye, you look pale tapos medyo namamaga pa iyang mata mo." this time ako naman ang umiwas ng tingin sakanya.
"Kulang lang sa tulog."
"You're lying. Umiyak ka e," she said na para bang siguradong sigurado siya.
Hindi niya–nila, pwedeng malaman yung nangyari kanina. Hindi nila pwedeng malaman na umiiyak ako dahil kay Ry. Hindi pwede! Mas gugulo lang ang lahat, marami ang madadamay.
"Faye," she called me dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. I looked at her at parang may sobrang importante siyang gustong sabihin. Magsasalita palang sana ako nang magsalita ulit siya "Be strong." then she smiled
Parang may iba e. Alam ko hindi yun yung gusto niyang sabihin. Alam ko may iba pa. Pero ano kaya 'yon? Ang weweird naman nila ngayon. Una si Ken, sumunod si Jalen at ngayon si Dria. Tapos ano sino na susunod? Hays...
BINABASA MO ANG
Thought of You
Teen FictionAkala ko kasi abot na kita. Akala ko kasi akin ka na. At ang pinakamasakait sa lahat ay akala ko kasi pareho na tayo ng nararamdaman, pero... Akala ko lang pala lahat. Hanggang kailan ba ako lalaban ng patago? Hanggang kailan ba ako aasa sa mga akal...