note: SORRY PO SA TYPING ERRORS... Sana po magustuhan niyo..
HINDI...
HINDI..
HINDI.
Hindi ko na talaga kaya ito, wala nang saysay ang pagkabuhay ko sa mundong ito...
Mabuti pang mawala na ako...
Isa...
Dalawa..
Tatlo.
*BOOGSH!*
"Aray!" sigaw ko...
Hindi ko pala natali ng mahigpit ang lubid sa kisame ng aking kwarto..
"Anak, okay ka lang ba?" sigaw ng mama ko sa kusina. "Parang may narinig akong malakas na kalabog ah?"
"Pinapraktis ko lang ang mga powers ko ma! Nakagat kasi ako ng gagamba kanina!" sagot ko.
"Ah, ganun ba?" sabi ni mama.
Ay ano ba yan, naniwala naman agad si mama. Ugh!, epic fail talaga ang pagpapakamatay na ito! Nauna pa tuloy akong nahulog kaysa sa upuang kinatatayuan ko. Nagkapasa pa tuloy ako.
Kahit hindi ko gustong pumasok sa klase, kailangan pa rin para hindi ako pagalitan ng aking mga magulang. Pero, hindi ko na talaga kaya ang mga panlalait sa aking tuwing nasa paaralan ako. Kaya tulog mode muna ako.
Morning mode...
Bangon sa kama, tingin muna sa aking mahiwagang telepindot. Hay naku!, kung hindi lang dahil sa halimaw na ito hindi na talaga ako babangon. Dahil sa kanya ay nagdrama pa tuloy ako kagabi. Kaya maliligo na muna ako para hindi ako ma-late sa klase.
*LSS sa Clarity habang naliligo*
"if our love is tragedy,
why are you my remedy?
if our love's insanity,
why are you my clarity?
nanananananananana....." hindi ko na alam ang susunod na lyrics.
Pagkatapos maligo ay punta muna sa kwarto para magbihis, pagkatingin ko sa salamin ay nakakita ako ng isang impakta! Sinusunod niya ang lahat ng kilos ko.
Joke!..
Alam ko naman na ako ang nasa salamin no, ngunit hindi kko talaga tanggap ang itsurang ito! Lord, sabi ko po dimples, hindi pimples! Hay naku!, saan kaya ako ipinaglihi ng nanay ko. Pero wala na akong magagawa, ang mahal kayang magpa-belo no! Kaya off to school na ang drama ko...
Pagdating ko sa eskwelahan...
Eksena kaagad...
"Bea? will you be my girlfriend?" sabi ng gwapong lalaki sa stage sabay turo sa kinatatayuan ko.
"Ako?" sabi ko habang tinturo ang sarili ko.
"Please, I really like you... I really do" sambit niya.
"I like you too!" sigaw ng babae sa likuran ko. Ay! ang assuming ko naman, eh, pareho kaya kami ng pangalan kaya akala ko ako ang pinagsasabihan ng lalaking ito!
"So, does this mean we're officially on?" dagdag niya.
"YES!" sabi ng babae sabay kumaripas ng takbo sa kinatatayuan ng lalaki.
*mwah, tsup*
Tsee, ano ba 'yan! Mabuti nalang walang nakapansin sa akin. Kasi kung meron, mapapahiya talaga ako nang MAJOR-MAJOR! Kaya gora nalang ako sa aming classroom...
