"S-sino po ito?" Turo ko sa batang babae na parang nasa isang taon ang edad sa litrato. Napahagikhik naman si tita Rachel."Si Ethan yan." Ilang segundo muna bago rumehistro sa utak ko ang sinabi ni tita Rachel.
"Po!?" Sigaw ko. Napashh sign naman si tita at ngumiti.
"Gusto ko talagang magkaroon ng anak na babae kaso hindi kami biniyayaan. Sa sobrang kagustuhan kong magkaroon ng anak na babae, sinuotan ko ng pambabae si Ethan. Bata pa naman siya kaya hindi naman isyu yun. Pero wag mo to sasabihin kay Ethan ah, sikreto lang daw kasi tsaka nahihiya siyang malaman ng iba."
Tulala akong nakatingin sa mga litrato at hindi makapaniwalang si Ethan nga ito. Babaeng babae siya dito. Nakadress at nakapigtail bow pa.
Hindi mo aakalain na ang isang matipunong lalaki at napakalamig na tao ay dumaan sa pagiging babae noong bata pa siya.
Geez, tawa ako ng tawa sa bawat litrato na nakikita ko habang sinasabi ni tita rachel kung kailan at saan niya ito kinuha.
Matapos tignan ang mga album ay napagdesisyunan ko ng umuwi. Napakalaking ngiti ang baon ko pag-uwi.
"Aki! Aki!-"
"Ano ba?" Iritang sigaw ko din pabalik kay Kierra. Kung makasigaw naman kasi parang ang layo layo namin sa isa't-isa.
"Totoo ba ang narinig namin?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Glyza. Para siyang nagpalit ng personality nang lumapit siya sa akin.
Nakiiusyuso na naman itong babaeng ito. Pagdating talaga sa chismis, game na game ang gaga.
"Ang ano?" Tanong ko habang hindi inaalis sa English textbook na binabasa. You heard it right, nag-aaral na ako hmp.
"Na si Ethan ang tutor mo?" Lapit at bulong nilang dalawa sa akin.
Nanlalaki ang mata ko silang tinignan. Paano nila nalaman na si Ethan ang tutor ko eh hindi ko naman sila sinabihan dahil nga ayaw ipaalam ni Ethan.
"Paano niyo nalaman." Bulong ko pabalik sa kanila. Dalawang magkasabay na batok ang natanggap ko matapos nilang marinig ang sinabi ko.
"Bakit di mo sinabi!? Nakanang Aki, ilang sikreto pa ba ang tinatago mo ha!?" Inis na tanong ni Kierra.
Inikot ko ang ulo para medyo mawala ang sakit na ginawad nila sa akin. Geez, nakakatakot naman itong mga to. Parang anytime papatayin ako.
"Syempre ayaw ipaalam ni Ethan. Masunurin lang naman akong tao tsaka yun na din yung bayad ko sa pagtuturo niya, ang sundin ang gusto niya.
"Tss, mukha ba naming sasabihin sa iba yan?" Taas kilay na tanong ni Glyza. Teka bakit ako ang inaaway nila.
"Oo?" Bago pa ako makatanggap ng batok uli ay tumayo na ako sa upuan at pinagcross ang kamay ko. Takot akong mamatay no. Baka pagkabatok nila sa akin may tamaan silang part ng spinal cord po no.
Talino ko talaga hahaha hmp.
"Nakanang ka Aki. Tatampo ako." Sabay talikod sa akin ni Kierra. Ganoon din ang ginawa ni Glyza sa akin.
Aba aba may gana pa talaga silang gawin sa akin yan. Dapat ako yung magtampo ahh.
"Wag niyo akong ginaganyang dalawa. Di mo pa nga sa akin Kierra na inistalk mo na naman si--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mabilis na tumakbo papaunta sa akin si Kierra at tinakpan ang bibig ko.
"Oo na nga eh, ikaw naman di mabiro." Lambing ni Kierra. Napaikot ang mata ko ng biglang naging maamong pusa itong si Kierra. Hindi pa din sa akin tumingin si Glyza at nagpapakipot pa.
"Tapos yung isa diyan sinundan si ano sa- hehehe" dahan dahan akong tumigil sa pagsaaalita ng makitang masama na ang tingin niya sa akin.
Anong akala niyo sa akin, hindi alam ang nangyayari sa buhay niyo? Aba updated ako diyan hmp.
"Sabi ko sa inyo eh, di niyo kayang magtampo sa akin."akbay ko sa kanilang dalawa.
"Bwiset ka kasi, alam na alam mo kung anong nangyayari sa amin samantalang wala naman kaming alam sayo ngayon. Simula noong lumipat kayo sa bagong bahay niyo, madalang ka na lang magkwento." Binatukan ko si Kierra at si Glyza. Pareho silang tumingin ng masama sa akin pero ngiti lang ang iginawad ko.
"Libre ko na lang kayo, Okay?" Lumaki ang ngiti nila na ipinakita sa akin. Nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala na matakaw pala itong dalawang ito.
Naku mauubos na naman agad ang isang buwan na allowance ko nito.
YOU ARE READING
Falling For You
Teen Fiction"Life is unpredictable as well as our fate. We don't know when is this season will come, to find the right person for us. Fate makes our destiny near to the person who are for us." Falling for You @teenFiction By:peacejeon