You: Miss, ang ganda ganda mo naman. Pwedeng manligaw?
Sowon: Hindi ako papabola dyan. Ano namang mangyayari sa atin kung sakaling sagutin kita, aberr?
You: 'Yung mga tipong lagi tayong magsasama, holding hands, date sa movies, park, restaurants ganon, ililibre kita ng teddy bear, sabay tayong MAGHAHABULAN SA ULANAN
Sowon: [/namutla/] uhmmm no thanks na lang kasi ganito yan may lima na akong anak at--
You: ah ok may asawa ka na pala. [/sighs/]
Sowon: [ in mind: whoo buti na lang sino ba yun]
*
You: *sa text* Eunha pwedeng manligaw? Hehe. Crush kasi kita :)
Eunha: Ha? Sino 'to?
You: 'yung kaklase mo- *aksidente mong nasend nung naalala mong pareho pala kayong nasa all girls school*
Eunha: WAAH SO BABAE KA? OMG SURE WHY NOT??
*
You: Yerin, pwedeng manligaw?
Yerin: Pagkain ka ba?
You: Hindi.
Yerin: ayan sasabihin ko e.
*
You: Yuju, pwedeng manligaw?
Yuju: Kapag natalo mo ako sa high notes papayagan kita
You: hala? joke lang e 'to naman hindi mabiro.
*
You: ShinB, pwedeng manligaw?
ShinB: ...
You: ahmm anong ginagawa mo? *kinakabahan*
ShinB: tinatawagan ko na mga kakilala kong magagaling na psychiatrist. Wala akong tiwala sayo e. Baka mamaya budol budol gang member ka pala. Edi nabisto mo rin ako.
You: -_-
*
You: Hi, Umji! Pwede bang manligaw?
Umji: oo naman!
You: TALAGA? PUMAPAYAG KA?
Umji: sabi kasi ni mommy noon paglaki ko raw pwede na akong magpabili ng teddy bear sa bf ko. kaya ayan malaki na akoooo date na tayo hihi
You: [/bumulong/] yung teddy bear lang yata habol mo e...