Muli

101 11 1
                                    

"Kailan daw darating si Ali?" tanong ni Bam matapos kaming mag-ensayo para sa pagtatanghal namin mamaya.

"Hindi ko alam, eh." ginawa ko mang normal ang aking pasasalita ay hindi ko mapigilang matuwa habang iniisip na manonood ang aking kasintahan sa unang beses kong pagtatanghal ng Spoken Word Poetry.

"Ah okay. Pupunta rin pala si Yna, pinayagan siya ni tita." Tipid akong ngumiti sa kanyang tinuran, masaya rin akong pupunta si Yna, isa sa aking pinakamamahal na kaibigan. Hindi na ako sumagot at sinimulan ulit ang pagsasanay para sa mangyayari mamaya. Ilang araw din kaming nag-ensayo ni Bam para sa pair poetry na gagawin namin, aaminin kong kinakabahan ako.

Ilang minuto rin ang lumipas bago tuluyang lumiwanag ang buwan mula sa itim na kalangitan, hudyat na magsisimula na ang Event para sa Spoken Word Poetry.

"Blythe!" agad akong napangiti nang marinig ang boses na iyon, dahilan upang tapunan ko ng tingin ang kanyang kinaroroonan. Nakangiti siya habang papalapit sa aking kinaroroonan, "Napakaganda mo ngayon." aniya at niyakap ako, niyakap ko rin siya pabalik.

"May nakalimutan ka ba?" tanong ko sakanya na puno ng kagalakan, malaki rin ang ngiting ipinapakita ko sakanya.

"May dapat ba akong maalala?" biglang nawala ang aking ngiti sa kaniyang itinuran.

"Blythe! Bam! Magsisimula na tayo!" tawag pansin ni Sir Kristopher, ang organizer ng event.

Habang nasa backstage ay nilalamon ako ng kaba at kalungkutan. Diba dapat ay masaya ako? Heto na oh! Unti-unti ko nang nakukuha yung pinapangarap ko! Maganda rin ang aking buhay pag-ibig! Pero bakit? Bakit hindi ako masaya?

"The next performer will be a pair poetry, let us all welcome, Blythe and Bam!" matapos ipahayag ng Emcee ang aming pangalan ay sabay kaming pumunta sa harapan.

Dapat ay masaya ako, dapat masaya ako.

Pero dapat ba ang unang bubungad sa akin mula sa mga nanonood ay ang pagtitig ng aking nobyo sa ibang tao?

Nagsimula kaming magtanghal, ngunit wala akong ibang marinig kun'di ang malakas na tibok ng aking puso at ang kirot na nagmumula rito. Nagtatanghal nga ako sa harap niya ngunit ang mga mata'y nakatuon sa iba, o sadiyang malabo lang ang aking paningin dahil sa tubig na namumuo sa aking mga mata?

Nang matapos kami ay napagdesisyunan naming maupo kasama ang mga nanonood.

"Mahal? Okay lang ba yung ginawa ko?" nasisiyahang tanong ko. Tipid naman siyang ngumiti at nag-thumbs up sa akin. Sinungaling.

"Uuwi na kami, may pasok pa kasi kami bukas." Ani niya nang makaupo ako sa kaniyang tabi.

"Ahh. Okay lang po" saad ko at nginitian siya.

"Nakapag-usap kami ni Yna, ihahatid namin siya baka kung mapano pa siya. Tutal malapit lang naman ang bahay niya sa amin kaya ihahatid na namin siya." Saad niya.

"Ingatan niyo 'tong kaibigan ko ah, baby namin iyan." nakangiti kong habilin sa aking nobyo at sa kaniyang kaibigan.

"Hindi mo kailangang sabihin iyan, alam ko naman ang gagawin ko." sagot ni Ali at tipid na ngumiti sa akin. "Mag-iingat ka pauwi ha, text mo 'ko kapag nakarating ka na sa bahay niyo." dagdag niya pa, tanging tango lamang ang aking naging sagot.

Tinignan ko kung paano sila maglakad papaalis mula sa kinalalagyan ko, nakita ko kung paano tumawa si Yna sa bawat sinasabi ni Ali. Wala nga siyang kaalam-alam sa nangyayari.

Sunod-sunod na nagtanghal ang iba pang miyembro at kasabay nito ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng mga tao ay siya ring pagiging tahimik ng aking pag-iyak, at dahil doon ay hindi ko maiwaksi sa aking isipan ang katotohanan, muli, tama nanaman ako.

"Happy Anniversary, Ali. Sana'y naging masaya ka kasama ng iyong sinisinta."

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon