The First Day

3 0 0
                                    

Malalim na ang gabi't unti unti na ding pumapatak ang ulan. Mga tao sa kalsaday tumatakbot nagmamadali nang umuwi at maiwasan ang paglakas ng ulan.

Isa sa nagmamadali ay si Rai 24 yrs old, morenong chinito at sa tangkad na 5'9 hindi mo aakalaing walang alam sa basketball. Isa siyang real estate agent sa isang malaking kompanya ng nga condo sa buong lungsod ng Maynila. Panganay sa dalawang magkakapatid at puspusan ang pagtratrabaho para makatulong sa nag iisang nagtataguyod sa kanha kundi ang kanyang ina.

Pagdating sa mrt, bigla nyang naalala ang kanyang cellphone upang sabihin sa kanyang ina kung may ipapabili siya sa kanya bago umuwi. Kinalkal niya ang kanyang bag ngunit hindi niya ito mahanapan.

"Ano ba naman yan? Ngayon pa talaga kung kelan umaambon. Hay nako! Mabalikan na nga." sambit sa sarili.

Tumakbo ng mabilis si Rai habang lumalakas na ang ulan. Ngunit kinailangan niyang huminto sa waiting shed dahil pagod at basa na siya. Umupo siya't nag antay na baka tumila agad ang ulan.

Mag 30 minuto na siyang nag aantay ngunit lalo pang lumakas ang ulan. Hindi na matiis ni Rai at sinugod ang ulan para lang makaabot sa last trip ng train.

Sa pag mamadali hindi niya napansin ang stop sign at napaupo siya sa pagkakauntog. Sa sobrang hilo sa pagkakauntog hindi agad siya nakabangon.

"Hey! Ok ka lang?" sabi ng boses ng isang lalake sabay abot ng kamay. Hindi agad inabot ni Rai ang kanyang kamay dahil sa hiya at hilo.

I Still Remember YouWhere stories live. Discover now