3rd Person's POV:
Mahigit apat na oras na sa loob ng operating room si Elize.
Masyadong delikado ang pagtanggal ng bala na tumama sa kanyang likod at malapit daw ito sa spinal cord na pwede niyang ikamatay.
Di naman mapalagay si Micheal na palakad lakad sa harap ng OR habang hinihintay niya ang paglabas ng doktor.
Damn! Sigaw ni Micheal at sinuntok pa ang pader doon.
Napapalingon tuloy sa kanya ang mga napadaan.
Tahimik naman sina Andrew at Marlon na kasama ng mga pulis na nagrescue kina Elize at Micheal.
"Relax ka lang Micheal. Dapat magdasal tayo sa kaligtasan ni Elize.." sambit ni Andrew at tinapik sa balikat si Micheal.
Naupo naman ang binata at napahilamos sa kanyang mukha.
"Kasalanan ko.. Ako dapat ang papatayin ni Janice kung di sinalo ni Elize ang bala para sa akin."ahinang sambit ni Micheal.
"Sinalo niya ang bala dahil ayaw niyang mawala ka.. Mahal na mahal ka ni Elize Micheal at handa siyang ibigay ang lahat kahit buhay pa niya para sayo." sagot naman ni Andrew.
Unti unting pumatak ang luha sa mata ni Micheal. Di na niya inalintana kung may makakita man sa kanyang umiiyak.
Mahal niya si Elize. Ito ang buhay niya..
Maya maya ay humahangos na dumating si Megan kasama ang magulang ni Elize.
Kasunod naman nito ang barkada ni Micheal na sina Dian at Cedric akay akay si Seth.
Agad tumakbo ang bata papalapit pagkakita kay Micheal.
"Daddy! I miss you daddy! Saan po kayo galing? Si mommy po?" tanong agad nito habang nagpakarga kay Micheal.
Niyakap naman ni Micheal ang bata.
"I miss you too baby. Mommy's inside." sagot niya.
Bumaling siya sa magulang at mga kaibigan.
"She's critical. Almost 4hours na siya sa loob.." sambit ni Micheal.
Napaiyak naman ang mama ni Elize pati na rin si Megan na napayakap pa kay Cedric.
Tinapik naman siya sa balikat ng papa ni Elize.
Lahat sila ay tahimik na naghihintay sa labas ng OR at ipinagdasal ang kaligtasan ng dalaga.
Maya maya ay lumabas na ang doktor at mabilis silang nagsilapit dito.
"Sino ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor.
"Ako po ang asawa niya." mabilis na sagot ni Micheal.
"Natanggal na po namin ang bala sa kanyang likod. But she's still in coma. We still don't know when she will wake. For the meantime, ilalagay muna namin siya sa ICU." mahabang paliwanag ng doktor.
Tumango naman sila.
Inilipat na nga sa ICU si Elize at paisa isa lang sila sa pagpasok.
Tanging si Micheal lang ang nagtagal sa loob bilang bantay ni Elize.
Micheal's POV:
"Babe, i dont know if you can hear me.. But babe, come back to us please.. Marami ng naghihintay sa pagising mo."
Ako lang ang nagbabantay kay Elize dito sa ospital. Nailipat na rin siya sa isang pribadong silid at tinanggal na ang maraming tubong nakakabit sa kanya.
Tanging ang pagising nalang niya ang hinihintay.
Limang araw na rin siya dito subalit di pa rin siya nagigising.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
قصص عامةCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...