Chapter 22
Roselle’s Part.
It’s been two months after ng Reunion namin.
Sa loob ng two months, ang dami ng nagbago.. Kanina lang kasi, nagpropose na si Virg kay ate Rm kung pwede syang maging girlfriend. At hindi ko na kailangan magtanong, I know ate Rm will say yes. I’m so happy for her. She deserves Virg.
Naglalakad na ako palabas ng school. Wala na akong klase. Hindi ko pa din gusting umuwi. Nakakabagot naman. Ano bang pwedeng gawin?
Nakayuko ako habang naglalakad. May nakita akong sapatos sa harap ko. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko yung mukha ni Kavs.
“Hi Ganda.” Masayang bati nya sakin.
Kumunot yung noo ko. "Bakit nandito ka? Diba dapat kayo yung tutugtog sa surprice ni Virg kay ate?”
Ngumiti sya. “Yap. Iniwan na namin sila. Istorbo lang kami dun eh. San ka pala pupunta?”
“Di ko alam. Ayaw ko pang umuwi eh.”
Ngumiti sya. “Tamang tama. I know a place where we can go.”
“Saan?”
“Basta.” At hinila na nya ako.
******
Akala ko kung saan nya ako dadalhin, nagtaka ako ng pumasok kami sa HRM building.
Anong gagawinn namin dito?
Pumasok kami sa Student’s Kitchen. Nagulat ako na nabuksan nya yun. Bakit may susi sya? Eh hindi naman sya HRM ah. Engineering sya eh.
“Ano bang ginagawa natin dito? Trespassing tayo. Baka mahuli tayo.
Ngumitii lang sya at inilabas yung mga gamit sa cabinet. Wait. Mga gamit yun sa pagbebake ha?
Lumapit ako sa kanya. “Umalis na tayo. Baka mahuli tayo dito. Papagalitan tayo.”
“Chill. May susi ako diba? Ibig sabihin, nagpaalam ako at pinayagan ako.”
Napaisip ako. Oo nga pala. Mayaman sya. May koneksyon sa school kaya madali para sa kanya ang lahat.
“I didn’t use my connections just to clarify.” Biglang sabi nya. Nababasa nya ba iniisip ko?
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...