Tatlong araw nang hindi pumapasok si Jong In, ay KAI pala, mula nung nangyari dun sa court. Simula noon, palagi na niyang kasama ang B. Wolves. Una si Luhan ta's si Jong In naman. Mukhang di na ata mabubuo ulit ang 3D.
Palagi lang akong naglalakad pauwi at bago ako makarating sa amin ay madadaanan ko muna yung bahay ni Jong In. Palaging pumupunta doon ang B. Wolves.
Isang araw habang papauwi ako.... mayroon akong nararamdaman na sumusunod sa akin. Sana ay hinala ko lang iyon, ang dami ko pa namang dalang libro ngayon, di ako makakatakbo.
"psst......" narinig kong may tumawag sa akin. Binilisan ko na lang ang lakad ko.
Parang nawala na ata siya. Lumingon ako sa likod para tignan at wala na ngang tao. Ngunit ... pagharap ko ay bumangga ako sa hindi katangkarang lalaki dahilan para mahulog ang mga librong dala ko.
Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat. Anong gagawin ko? Tatakbo? Sisigaw? o Sipain ko na ba?
"Bakit naman di mo ako pinapansin nung tinatawag kita kanina? hahahaha" sabi nung lalaki. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin.
Bakit naman ganito ang ngiti nito? Siguro kung ibang babae ang nasa harap niya ngayon, ma-iinlove na agad. Nawala ang takot ko. Nang makita ko ang gwapong lalaki na nasa harap ko. Namumukhaan ko siya, isa siya sa miyembro ng B.Wolves.
"Pasensiya kung natakot kita...." sabi niya habang pinupulot ang mga libro ko. "Ako nga pala si Kyungsoo o DO for short." pagpapakilala niya.
"Ah, sige, salamat ah, akin na yung mga libro ko." sabi ko.
"Gabi na ah, bakit mag-isa ka lang? Delikado na. San ka ba nakatira? " sinabi ni DO na parang hindi narinig ang mga sinabi ko.
"Kaya ko na ang sarili ko. Tsaka malapit na lang yung bahay ko dito, doon lang oh..." sinabi ko habang tinuro ko ang direksyon. Kukunin ko na sa kanya ang libro ngunit bigla siyang naglakad papunta sa direksyon na itinuro ko.
"Hindi ko alam ang bahay niyo. Hindi mo ba ako sasamahan?" Ihahatid ba niya ako sa amin? Hindi naman niya ako kilala diba? Pinapabantayan ba ako ni Jong In?
"Mayroon akong kaibigang nakatira malapit lang dito.Kaklase din natin siya.
Bae Yeon Jung? di ba? Yun yung pangalan mo di ba? Alam mo halos 3 months na tayong magkakaklase pero ngayon lang kita nakausap. Meron ka bang mga kaibigan sa school? Wala kasi akong nakikitang kasama mo e? Kung gusto mo sumama ka na lang sa'min. Makakasundo mo yung mga kaibigan ko. Yung palagi mong katabi sa klase, si KAI... B.Wolves na rin siya. Nakikita kong palagi kayong magkausap kaya may mga kakilala ka na 'pag sumama ka sa amin." daldal niya. Kung ganoon hindi niya alam kung ano ang meron kami ni Jong In. Pero bakit naman bigla akong napansin ng taong katulad nito?
"Masokay na yung wala akong masyadong kakilala. Tsaka, kilala na kita... Kayo ang laging bukambibig ng mga estudyante. Mapababae man o lalaki. Pero mali ata sila ng pagkakakilala sa iyo. Ang sabi nila kapag nagsasalita ka daw, onti lang ang lagi mong sinasabi pero ang daldal mo pala." sabi ko sa kanya. Makikita mo sa itsura niya na parang nahiya siya.
"A.......e........ kasi......" magpapaliwanag sana siya kaso ay pinigilan ko siya sa pagsalita.
"Nandito na tayo. Maraming salamat sa paghatid sa akin. Oo nga pala bakit mag-isa ka lang? Alam ba ng mga kasama mo na nandito ka? Sige na nga, gabi na. Ingat ka sa pag-uwi." sabi ko habang kinukuha ang mga libro ko.
"Yeon Jung....." tawag niya sa akin. Tinignan ko siya at parang mayroon siyang gustong sabihin. "Uhhmm....... kasi....." nahihiya niyang sinasabi.
*grrrr* Narinig ko na parang galing sa tiyan niya. Yun ba ang gusto niyang sabihin. Namula ang mga pisngi niya nang makita niya na napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Back Away from Her! (엑소)
FanfictionIto pong storya na ito ay medyo hango sa mga vcr, performance, at drama version na ginawa ng EXO. First time ko lang po magsulat ng storya pero sana magustuhan niyo. V(^-^). At isa pa pala: Please always support EXO!!!!! V(^-^). [Story is stopped. N...