Time check: 11:11 :)) harhar. Sinakto ko talaga sa oras, pasensya na XD
You can play the song if you want ;))
//////////////////////////////////////////////////////////////////////
Sabi nila, pag nagwish ka sa saktong oras na 11:11, magkaka-totoo daw yung wish mo. Hindi ako naniniwala sa mga pamahiin. Pero nagsimula akong maniwala nung makilala ko siya. Si Tristan Valdez. Siya yung lalaking matagal ko ng mahal. Nagsimula tong pagmamahal ko sa kanya 5 years ago nung kinausap niya ako at sinabing..
"Miss. Anong oras na?" Agad naman akong napatingin sa relo ko at sinabing "11:11 na". Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Pumikit siya at biglang bumulong sa hangin. "Sana asdfghjkl.." Masyadong mahina yung pagkasabi niya kaya di ko naintindihan. "Anong ginagawa mo?" Lakas loob kong tinanong. "Nag wish. 11:11 na eh" tapos bigla siyang nag smile.
At dun ko narealize na ang gwapo niya. Ang sarap niyang titigan. "Baket? Anong meron sa 11:11?" Tanong ko. "Wala lang. Sabi kasi nila mag wish daw ako pag 11:11 eh. Tapos magkaka-totoo daw yun. Alam kong ang gay tignan kasi lalaki ako pero naniniwala ako sa ganun. Pero wala naman mawawala kung magwi-wish ako diba?" Paliwanag niya. "Huh? O-oo. Tama ka. Buti na lng sinabi mo sakin yan. Makapag wish nga rin." Nung tinignan ko yung relo ko.
Awtsu! 11:15 na! Huhuhu. Sasabihin ko sana sa kanya na 11:15 na kaso bigla siyang ngumiti at sinabing
"Ah. Sige alis na ko ah? By the way, Tristan Valdez nga pala" tapos inabot niya yung kamay niya sakin para mag shake hands.
Agad ko naman yun kinuha at nagpakilala din "Aira Lentania." "Nice to meet you." Sabay na sabi. Grabe. Ang lambot ng kamay niya. Sobra. Ayoko na ngang bitawan eh kaso sinabi niyang "Sige Aira, alis na ko. Bye"
At umalis na siya. Naiwan naman akong nakatayo sa hallway.
Haaay! Asan na ba yung bespren kong si Yvonne? :3
(Note: Ang setting ay Sa School. Hihi)
Pumunta na ako sa classroom namin. At dun ko nakita si Yvonne
"Oy Yvonne! Argh! Kanina pa kita hinahanap andito ka lng pala."
"Hello Aira! Sorry naman! Ayako kasi ma-late sa afternoon classes natin eh."
"Ay ganon? -.-"
"Haha! Oo. Nga pala. Yung kinu-kwento ko sayong guy bestfriend ko, papakilala ko sayo mamaya :)" -Sabi ni Yvonne. Shet! Baket naman kailangan pa niya akong ipakilala dun? Pero malay natin gwapo pala yun? Ayt ang landi! Wag na. Meron na akong Tristan Valdez :""">
"Ahh okay." Sagot ko
"Ang weird nga nun eh. Naniniwala kasi siya sa mga sabi-sabi" Teka. Sabi-sabi?
"Sabi-sabi? Tulad ng?"
"Tulad ng pag wi-wish sa---"
Hindi na naituloy ni Yvonne ang pagsasalita ng biglang pumasok yung teacher namin. So okay. Mamaya ko na lng aalamin.
.
.
.
.
----
Pagtapos ng mga lessons chuchu, uwian na! Huraaaay!
"Yvonne! Tara. Uwi na tayo"
"Mamaya." Tapos biglang may hinila siyang lalaki. Nakatalikod sila sakin kaya di ko makita yung muka nung lalaki
"Oy Yvonne! Sino yan? Ayiiieee! Boyfriend mo?"