Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko talaga.
Ok naman tayo di'ba? Kung di lang sana nangyari yon, ok sana tayo. Kaso wala eh, tanga ako.
Naalala ko pa noon, kahit pasulyap sulyap lang ako sayo, solve na ko. Kahit na hindi na tayo nag papansinan basta nakikita kita, ok na talaga ako.
Pero ano nga ba talagang nangyari? Hindi ko naman ginusto yun eh.
"Dali Pre, sabihin mo na." isa ka pa nga sa nga nangangantyaw nyan sakanya diba? Pero ba't nung ginawa na nya, nagalit ka sakanya? Ganyan ka kasi eh. Napakagulo mo. Parang nung kung pa'no tayo nagkakilala.
Bumibili ako nun sa Canteen, eh mahaba talaga ang pila nun at naaasar na talaga ako dahil sa init at sa tagal kong naghihintay dahil mesamabagal kumilos yung nagtitinda. Ok naman eh. Tahimik lang akong nag-aantay nun. Kaso bigla kang dumating. Sumingit ka sa unahan ko. Sa sobrang inis ko, dala na din ng gutom, nasapak kita. Sapak talaga. Pero imbis na magalit ka, nginitian mo pa ko. Abnormal ka nga siguro. Ang gulo mo. Ang dapat na reaction mo eh galit, pero natuwa ka pa.
Simula no'n, lagi ka nang pumupunta kung san ako nakapuwesto sa Canteen. Parang baliw talaga. Natuwa ka nga ata talaga sa ginawa kong pagsapak sayo dahil ako lang ang nakagawa nun kasi boss-bossan ka. Abnormal ka. Parang yung tibok lang ng puso habang patagal ng patagal tayong nag kakasama.
Hanggang sa dumating na nga yung araw na yun. Nanligaw sakin yung kaibigan mo. Isa ka pa nga sa nangangantyaw sakanya na ligawan nya 'ko. Pero nung ginawa nya, nagalit ka sakanya. Parang tanga ka din eh. Abnormal ka. Ang gulo mo.
Pero di nagtagal, nag kaayos din naman kayo. Tumigil din sya sa panliligaw sakin kasi nakaramdam ata na wala siyang pag-asa kasi kulang nalang isigaw ko sa mukha nya na ayaw ko sakanya. Kasi ikaw ang gusto ko.
Pero yun? itinago ko lang yun sa sarili ko. Wala akong sinabihan kung gaano kita kagusto. Kaya ewan ko ba kung pano nalaman ng mga usisera kong kaibigan. Isang araw, bigla nila akong tinukso na tingin daw ako ng tingin sayo. Nag conclude naman sila bigla na gusto daw kita. Ako naman si tanggi. Totoo naman kasi. Hindi naman talaga kasi kita gusto. Kasi mahal na ata kita.
Pagtapos ng mga yun, lapit ka na talaga ng lapit sakin. Hindi sa naiirita ako. Kasi ang totoo nyan, ang saya saya ko. Lagi nalang tayong magkasama. Para kang tatay, kuya at boyfriend. Ang sweet mo kasi. Kaya masisi mo ba ko kung lalo pang lumalim yung nararamdaman ko para sayo at isipin na gusto mo din ako?
Pero nung dumating yung araw na yun, ewan ko na. Nalaman ko ang dahilan kung bakit lagi kang lumalapit sakin at kung bakit lagi mo 'kong sinasamahan. May kailangan ka pala kasi. Nakakatawa. Akala ko ako yung gusto mo. Pero ang gusto mo pala ay ilakad kita sa kaibigan ko. Tanga ba ko kung ginawa ko yun? Pasensya na. Mahal kasi kita eh. Kung san ka sasaya, dun ako. Kahit na masakit para sakin yun.
Lahat ginawa ko para tulungan ka. Lahat ng gusto ko sanang gawin mo sakin kung ako yung mahal mo, eh ipinayo ko sayong gawin mo sakanya. Siguro worth it naman yung sakit na nararamdaman ko...
Dumating kasi yung araw na sinagot ka nya.. sa harap ko. Wala nalang akong nagawa kundi ngumiti at ipakitang masaya ako. Masaya talaga ako. Masaya ako para sayo pero sobra akong nalulungkot para sa sarili ko. Sabi nga nila, hindi lahat ng nakangiti, masaya. At masasabi kong isa ako sa mga yun. Tinalikudan ko kayo nun matapos kong sabihing congratulations at sana magtagal kayo kahit sobrang sakit na at labag talaga sa loob ko. Pero saktong pagtalikod ko, nag uunahang tumulo ang mga luha ko.
Natapos ang taon. Sa wakas! Graduate na tayo ng highschool. Ang saya ko. Pero sa tuwing sasagi sa isipan ko na hindi na kita makikita, bigla nalang tutulo ang luha ko dahil sa lungkot. Hindi ako nag sisising tinulungan kita noon sakanya. Kasi kahit na sakit ang kapalit, handa ako, mapasaya ka lang. Ako din naman kasi ang may kasalanan eh. Ang tanga ko. Umasa kasi ako kahit na hindi naman dapat.
Pero ngayon, masakit man, patuloy padin akong ngingiti. At sana maging totoo na tong ngiting to. Bata pa 'ko. Madami pa akong makikilala. Pero hindi kita makakalimutan. Isa kang parte ng buhay ko na hindi na mabubura. Gusto ko talagang malaman mong, hindi man ako ang gusto mo, patuloy parin kitang mamahalin hanggang sa magsawa ako. Maging masaya ka sana. Kasi pag masaya ka, masaya na din ako. Siguro magkikita pa naman ulit tayo sa susunod. Pero hindi na ako aasa. Hindi na talaga..