Chapter 43: Heartaches

110 2 0
                                    

*Try to click the play media at the top for better reading. 😊😘

Itinabi ko ang motor ko at dali daling bumaba doon.

"Aaaaaaaaahhhhhhh! Bwisit! "

" Aaaaaaaahhhhhh! Tang ina talaga! Gusto ko ng mamatay! "

Ibinuhos ko na yata lahat ng boses ko ng mga oras na yun.

Nang makaramdam ako ng pagod lumuhod ako at don ko nakita ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Damn! Mas masakit pala! Mas masakit pala pag isinampal sayo yung katotohanan, yung katotohanang wala lang ako para sa babaeng binigyan ko ng importansya.

Umalis ako sa pagkakaluhod at pasalampak na umupo sa damuhan. HIndi ko mapigilan ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.

"Bakit hindi ako? Bakit siya pa rin? " Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasuntok sa lupa. "Ganon mo ba siya kamahal para balewalain mo ko? "

"Ganon ba ko kahirap mahalin kaya hindi ko siya mapalit palitan dyan sa puso mo!!!???" Sigaw kong muli.

TUmayo ako at nagsalita na animo kinakausap ko yung langit.

"Ano bang mali sakin? Panget ba ko? May mabahong amoy ba ko? BAkit hindi na lang ako? BAkit siya pa rin? "

"Tang ina! Binigay ko naman lahat diba? Lahat lahat! Wala na kong tinira sa sarili ko Aeries! Wala na! Pero siya pa rin? TAng ina talaga! "

"Ano bang mali sakin? Ano bang meron siya na wala ako? Anoooooooh! " Sinipa ko yung batong nakita ko sa lupa.

"Walang mali sayo..." Napalingon ako sa nagmamay ari ng boses na iyon. "Baka talagang hindi lang siya nakalaan para sayo. " Ikinibit niya ang mga balikat niya saka lumapit sakin at iniabot ang isang lata ng beer.

Inabot ko iyon at yumakap sa kanya. Humahagulhol ako habang siya naman ay sige ang tapik sa likod ko.

"Kaya mo yan dude, kakayanin mo ulit to. " sabi niya habang patuloy lang siya sa pag hagod tapik sa likod ko.

" Ang sakit! Sobrang sakit! Sana pinatay niya na lng ako."

"Don't say that.. You're better than that. "

Humiwalay ako sa kanya at pinahid ang mga luhang nasa pisngi ko.

"Better than that? Kung better ako bakit hindi ako ang pinil? Bakit laging hindi ako pinipili? "

Yumuko ako at isinabunot ko ang mga kamay ko sa ulo ko.

" Anak ng pota!" Tumuwid ako ng tayo at lumingon sa bestfriend ko.

" Hindi ba ko deserving? Hindi ba ko pwedeng maging masaya? Wala ba kong karapatang magmahal! Tang ina lang talaga!"

Hindi siya sumagot. Umupo lang siya sa damuhan at binuksan ang lata ng beer na hawak niya.

"Minsan kailangan nating danasin ang ilang nakakasakit na mga bagaY bago tayO tuluyang maging masaya. " Lumagok siya ng ilang lagok ng beer saka lumingon sakin.

"Hindi mo kailangang tanungin ang sarili mo kung anong mali sayo... Dahil pag dumating na yung babaeng talagang para sayo, mamahalin niyo ang isa't isa including all your imperfections. "

"Tang ina Joshua! Hindi ko kailangan ng words of wisdom ngayon! Ang kailangan ko----

" Ang kailangan mo huminahon at ayusin ang sarili mo. "

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now