First Encounter
* * *
Nasaan ako?
Nilingon-lingon ko ang paligid at dun ko lang na-realize na nandito pala ako sa Pintasas. Gabi na pero nandito pa din ako. Nakakatakot lang isipin.
Nabawasan ang takot at kaba ko.Oo nga pala, Ako naman ang Manager dito kaya di dapat ako kabahan.
Pero, wala akong maalala. Sh*t, ang Bading man sabihin pero lumala ulit ang takot ko nang biglang nagsara ang mga ilaw.
Agrrh, “Hey, Turn on the lights. Di ‘to magandang biro.” Buti na lang at di ako nautal. Ang duwag ko ngayon, Nakaka-turn off.
At bigla ulit nagbukas ang mga ilaw. Pinaglalaruan ba ako?
Pero sa pagbukas ng ilaw, Nandito na ako sa harap ng isang Painting.
Pinagmasdan ko yung Painting. Mukhang luma na ‘to. Isa ito sa mga old paintings dito sa Pintasas. Actually, Kahit luma na ito, Maganda pa din.
Isang painting lang siya ng isang room, may red walls, red carpet at sa gitna, May isang upuan... Tinitigan ko yung Upuan..
Upuan..
Nagtaasan lahat ng balahibo ko. Alam ko..
Alam kong may babaeng nakaupo sa upuan sa painting na ‘to.
Pero bakit wala?
AISH. My imagination. Napapadalas na ang pagkahilig ko sa mga Horror stories. Ha-Ha-Ha. Baka di ito yung Painting dito sa Pintasas.
Baka iba ito. Sa dinami-dami ba naman ng artworks dito, Di ko na maalala ang ilang mga binili at ginawa ko.
Hays. Tatalikuaran ko na sana yung Painting nang nakaramdam ako ng malakas na hangin. Di tuloy ako makalingon sa likod.
Ramdam kong may ibang nandito... sa likod ko mismo.
Lilingon ba ako?
“Try mong lumingon.”
N-No. Guni-guni ko lang yun. Sht, Boses babae.
“Gravis Ejay Yllanes...”
Then there. Napalingon na ako.
A lady.. Mga kasing-edad ko lang siguro ‘to. May below the knee white dress pero naka-Mask. Weird ha. Yung mask niya eh, kulay pula, yung tipong pang-Masquerade party.
Pero... kilala niya ako?
“Who are you?” Tanong ko.
She smiled. Napatigil ako. Parang nakaramdam ako ng koneksyon sa kanya..
“I’m Yours.” Saka siya humagikhik.
Maganda ang pag-ngiti at pagtawa niya. Pero di maganda ang sagot niya. Baliw ‘to.
“If you’re thinking that I’m crazy, You’re wrong. My name is Ziro, the truth is I am really Yours.”
Mind reader? Tch.
“And no! I’m not reading minds. Wala naman akong kakayahang ganun eh.” She laughed and continued talking, “I just can feel it.”
“You’re weird.”
“Haha. I know, I know. May nararamdaman ka bang kakaiba sa akin? Parang koneksyon?”
BINABASA MO ANG
Pintasas: Nightmare Boutique [HIATUS]
Teen Fiction(Ongoing) - Paano kung ang isang artwork ay mabubuhay sa Panaginip mo?