Chapter 1

5.5K 104 11
                                    

Kathryn's Point of View

"Waah! Seeth naman! Akin na nga 'yang remote na yan!" sigaw ni Katsumi


Siya si Katsumi Kabe ang pinaka-makulit at isip bata sa aming magkakaibigan. Halos araw araw ay di siya nauubusan ng energy.


"Oo nga Seth! Kj ka nanaman eh, sauli mo na nanonood pa kami ni Kats eh" maktol rin ni Lester, sabay pout pa. Ampanget ha


Siya naman si Lester Giri partner in crime ni Kats parehong pareho 'tong dalawang to eh, pareho ang takbo ng utak hahaha.


"Maka-reklamo kayo eh wala kayang kwenta 'yang pinapanood niyo. Tatanda niyo na, nanonood pa kayo ng Adventure Time" pasermon naman na sabi ni Seth


Siya naman si Seth Gothico, and pinaka-matured kung magisip, sobrang strict rin at gaya ng sabi nina Kats na "kj", pero kahit ganun sure naman kame na para sa amin yung pagiging strict niya eh.


"Seth! Huwag mo naman kunin pati pagkain ko grabe ka naman!" reklamo naman ni Jc


Siya naman si Jose Carlito Padilla, ang pinakabata sa amin, sobraang takaw rin niya, grabe. May pagkaslow rin naman siya minsan but ok lang barkada namin eh.


"Hoy ang iingay niyo, abot hanggang labas. 'Tong mga 'to talaga" reklamo naman ni Daniel


At yan naman ang nagiisang Daniel Padilla, ang heartthrob sa lahat, sobrang daming fans niyan. At ang sobraaang caring na bestfriend, pagkasama mo yan maraming bawal.


"Hoy Kathryn!" sabay snap ng daliri niya sa harapan ko, napalingon naman ako dahil doon "Lutang ka nanaman"


"Ay sorry, ano ba yun?" tanong ko naman. Malay ko ba eh busy ako hahaha


"Wala tanong ko lang naman kasi if nagugutom ka ba o hinde" sabi ni Daniel


Bigla namang nagsilapitan sina Katsumi, Lester at Jc "Ay kame bregs! Gutom na gutom na kame" sabay na sabi nila


Inirapan naman sila ni DJ "Kayo ba si Kathryn? Ha?" tanong niya sa mga 'to


"Grabe ka naman Kuya!" sabi ni JC sabay pout. Panget hahaha


Kinalabit ko naman si DJ "Pa-deliver nalang tayo D" sabi ko.


Tumango naman si DJ sa sinabi ko. Napagdesisyunan namin na sa kfc nalang magpa-deliver, syempre libre ni DJ gara kaya niyang bespren ko! Hahahaha


Habang nagaantay kame na dumating ang order ay nanuod muna kame ng The Good Dinosaur. Eh sino pa ba ang naka-isip edi 'yung dalawang makukulit. Kaloka


*sniff*


Nagulat naman kame nang may narinig kame na sumisinghot, sabay sabay naman kameng napalingon kay Katsumi


"Bakit ka umiiyak?" gulat na tanong ni Seth


Nagpunas naman muna si Kats ng luha bago sumagot "Eh kasi namatay 'yung tatay niya. Kawawa siya" sagot niya. Napa-nganga naman kaming lahat dahil doon. Dahil doon naiyak na siya? Hala siya


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Second Choice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon