ONE

9 0 0
                                    

Hyacinth's POV

"So, magkakilala naman kayo. Can you tell me what's the meaning of your names? Or kung saan ito galing?" - Teacher. Napasimangot naman ako. Halata naman siguro diba kung saan galing pangalan ko at kung anong meaning non.

"So, Alonzo. You first" - Tumayo naman ako. Bakit ba kasi Letter A simula ng Apilyedo ko! Ako palagi nauuna eh, kainis.

"Good Morning. Well, my name is Hyacinth. Well, it's obvious na pangalan siya ng isang bulaklak. It symbolizes playfulness and a sporty attitude and in its extreme rashness. Well, i researched it." - Natawa naman sila.

"Word of the day. WELL" - Classmates ko. Binelatan ko naman sila. Bakit ba! Close naman kaming lahat eh! Hahaha.

"Thank you Ms. Alonzo. Well, you can sit now." - natatawang sabi ni Miss. Natawa naman ako. Bakit ba, ako napagti-tripan dito?

"Susumbong ko kayo! Binubully niyo 'ko." - Natatawa kong sabi bago umupo natawa naman sila.

Nagsunod-sunod na yung mga Classmates namin sa pagpapakilala. Yung iba talaga sa classroom namin abnormal eh. Ay, kami pala lahat. Tsk! Hahaha.

"Okay. Mr. Lee, come her in front." - Natahimik naman bigla yung classmates ko.

"Natahimik bigla? May patay?" - pag iingay ko. Natawa naman sila. Tinignan ko naman yung nasa harap.

"Ay. Sorry, di ko alam andyan ka na sa harap." - Sabi ko. He smirked, I raised my eyebrow.

"Itong si Hyacinth talaga eh haha"
"Such a tease"

Inirapan ko naman siya. Nagsimula naman siyang magsalita. So, as his classmate. I payed attention.

"Lyle Andrew Lee. The name I had was obviously my Father's name and Andrew for my Grandpa's name. There's nothing special about it. Thank you." - sabi niya at umupo na sa tabi ko.

Yes, tama ang nabasa niyo. Katabi ko yung taong kinaiinisan ko. Why? Playboy siya. Di loyal. Nakakainis. Annoying.

Naiinis ako sa mga taong ganun. I don't care kung gaano siya ka gwapo o yaman. Basta ganyan ugali? Ew.

Alam ng buong campus na ayaw talaga namin sa isa't isa. Well, di naman namin made-deny yun sa mga kilos ba naman namin. Bakit kami magkatabi? Para daw magkaayos kami! Eh nakakabwisit di naman kami magkaka-ayos nito! Di naman 'to mabait. Bwisit!

"Mr. Lee and Ms. Alonzo. Gusto kong magperform kayo ngayon. As in, kanta." - Miss. Napagti-tripan na naman kami!

"No." - sabay naming sagot ni Lyle. Natahimik naman sila.

"No? So gusto niyo mabagsak?" - Miss.

"Go. I don't care. Di na ako magpe-perform kasama 'tong isang to." - Sagot ko. Naiinis kasi ako! Ayoko talaga sakanya! Leche.

"Yeah. Why would I care if I fail in your subject? Just because we don't want to perform. We will fail our grades? Well, Miss. That's not a valid reason." - sagot ni Lyle.

Nagbulungan naman yung mga classmate namin. Natawa naman si Miss.

"See? Kahit na magkaiba ugali ninyo. May time parin na nagkakasundo kayo. Maybe, not now. But, someday." - Miss at umalis na siya.

Pinagsasabi nun? Nagkibit balikat nalang ako. Umalis na rin ako ng classroom. Eh sa naiihi ako eh! Tsk.

Pagkalabas ko. Malamang, titingin mga tao saakin. Bakit? Syempre, natulak lang naman ako ni Lyle. Oo, di niya sinadya yun. Hindi talaga!

"Ano bang problema mo?!" - Sigaw ko nung nakatayo na 'ko. Tinignan niya lang ako. Cold stares. Nanghihina ako. Bwisit!

"Harang ka sa daan. Baboy" - Sabi niya at umalis na. Napanganga naman ako. Sinong baboy? Ako?! Eh kung sungal-ngal ko kaya sakanya sandamakmak na Lens! Arggghhh! He ruined my day, AGAIN. Tsk!

[ 1, END ]

DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon