My One and Only

0 0 0
                                    

Scar's P.O.V

"No! Hindi ito maaari." Bulong ko sa kawalan na kasabay ng pagbagsak ng luha sa aking mata.

Nakita ko ang lalaking ngumiti sa akin ng mapayapa na akala mo ay walang inindang sakit. Na animo'y buhay pa siya.

Sa pagpikit ng aking mata ay sabay ang paglaho niya. "Hindi maganda ang kutob ko" wika ko sa sarili ko.

Nasa tapat ako ng bahay nila ngunit nasa loob ako ng kotse ng maalala ang lahat ng mga nangyari.

-Flashback-

"Will you marry me?" Tanong niya sa akin habang siya'y nakaluhod hawak ang singsing at nangungutitap ang mata.

"Yes! I will marry you" tugon ko. Inilagay niya ang singsing at niyakap niya ako.
Mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Kung wala siya wala ako.

Lumipas ang mga araw at ikinasal na kami pagkatapos ng kasal ay sumakay kami ng kotse na punong puno ng bulaklak na kami lang ang magkasama.

"Mahal na mahal kita scar" wika nito sakin na ikinangiti ko ng malawak. "Handa akong mamatay at pumatay para sayo" yan ang katagang sinabi niya habang nagmamaneho siya.

"Mahal din kita chase" tugon ko sa kanya

"Pero mas matutuwa ako kung tatanggalin mo ang mga bulaklak na napakarami sa bubong ng sasakyan" humagalpak siya ng tawa at inihinto ang sasakyan sa gilid ng isang paikot na daan.

"Okay na mahal" pagupo niya sa driver seat ay parang kumunot ang noo nito na ipinagtaka ko dahil nakatingin siya sa labas ng bintana na animo'y may kaaway.

"I love you. Stay alive and happy just for me" hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit na halos natatakpan na ng ulo niya ang likod ng ulo ko.

"Kapag may nawala, May dadating. Kapag may nagsakripisyo may babalik". Dagdag niya  napabulalas ako sa pagkabasag ng salamin at putok ng isang baril.

Takot na takot ako na sa sobrang takot ko ay kanina pa umaagos ang luha mula sa mata ko. "Mahal?" Tinignan ko si chase na walang malay at nakita kong duguan ang kanyang batok

"M-mahal! Gumising ka!" Sigaw ko sa kanya pero wala siyang tugon. May tama siya ng bala sa batok. Kahit na naiiyak ay inihiga ko siya sa passengers seat at ako na ang nagmaneho papuntang ospital.

"Mahal! Wag mong gawin sakin to!" Sigaw ko sa kanya habang itinatakbo siya papuntang emergency room.

"I'm so sorry mam. pero di po kayo pwede sa loob". Sabi sa akin ng isang nurse.

"Hindi! Hindi ko iiwan ang asawa ko!" Pagpupumilit kong makapasok sa loob ng emergency room.

"Pero hindi po t-talaga p-pwede ma'am" nauutal na sambit ng nurse.

Nasampal ko siya ng hindi oras dahil gusto kong puntahan si chase mas mabuti kapag magkatabi kami. Kapag kasama niya ako.
Nang may humawak sa beywang ko at pinipigilan na akong pumasok.

"Scar. T-Tama na" nanginginig na sabi ni ford habang hawak hawak ako ni ford at tumango ang nurse kay fort sabay na pagpasok nito sa loob ng e.r

"B-bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya habang pilit na inaalis ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko. "K-kailangan ako ni chase sa loob."

Nakita ko naman ang pamilya ko at pamilya ni chase na umiiyak at tila pinipigilan din ako. Wala na akong nagawa kundi ang mapaupo at mapasalampak sa sahig habang naka wedding gown.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon