Hindi na alam ni George kung saan siya napadpad dahil sa mabilis na paglalakad.
Nagpahinga muna siya saglit sa isang puno.
Luminga linga siya. Hinanap ng kanyang paningin ang araw at tiningnan ang kanyang anino. Tining niya alas-onse pa lang ng umaga. sinundan niya ang direksyon ng araw. Kanina papunta sa burol ay nasa kaliwa nila ito.
Huminga siya ng malalim at naglakad na sa tingin niyang daanan pabalik.
Malayo layo na ang nalakad niya ng hindi pa rin nakikita ang kamaisan na nadaanan kanina.
Saan na ba siya napunta? Puro mga puno ang nakikita niya.
Naglakad pa siya ng marining ang lagaslas ng tubig.
Sinundan niya ang tunog at narating ang isang ilog na may maliit na waterfalls sa di kalayuan. Napasinghap siya ng makita ang isang rebulto ng tao sa may kanan ng ilog.
Si Marcus ay nakatingin sa malinaw na tubig ng ilog habang nakapamulsa.
Aatras na sana siya ng lumingon ito sa gawi niya.
Napaawang ang labi nito.
Ayaw niya ng makipagtalo pa dito kaya tumalikod na siya. Sayang at gusto pa sana niyang pagmasdan ang waterfalls. Dapat pala binitbit niya ang kanyang DSLR camera para makuhanan ng picture ang magagandang lugar dito.
Nagulat siya ng mabilis siyang nahabol ni marcus at nahawakan sa kamay.
"Naligaw ka ba?" nag-aalalang tanong nito. Nasaan na ang mabangis na kapre kanina.
Hindi siya maksagot. Sasabihin ba niya na oo di nya alam pabalik ng bahay o magpapanggap na hindi siya naligaw?
Inangat nito ang kanyang mukha para matingnan siya sa mata.
"Hey, are you.." putol nitong tanong.
Hindi na siya nagkaila. Bumuntong hininga sya at tumango.
"Shit!" mura nito. Napatingin siya dito na hindi pa rin binibitiwan ang kanyang mukha.
Tumitig ito sa kanya at hinagod ang kanyang pisngi gamit ang mga daliri nito.
Nakikitaan niya ng pag-aalala ang mag mata nito. No! Hindi maari. Guni-guni niya lamang iyon.
"I'm sorry.." mahinang sambit nito.
Napaawang ang bibig niya sa gulat. Tama ba ang dinig niya? Humihingi ito ng paumanhin sa kanya?
Bumaba ang tingin nito sa nakaawang niyang labi.
Nag-init ang pisngi niya. His stare makes herheart skip a beat.
"Elisse..I'm sorry for being rude." seryoso nitong sabi.
Napakagat siya sa kanyang labi. Hindi siya makahingi sa mabilis na pagkalabog ng puso niya sa mga sinasabi nito. Nagsisisi na ba ito sa pang iinsulto sa kanya?
"Elisse..say something.." untag nito sa kanya.
Hindi niya alam ang saasabihin.
"I said I'm sorry." para itong bata na pinipilit patawarin sa sapilitang paraan.
Napakagat muli siya sa kanyang labi para mapigilan ang pag ngiti. Ang sali lang niya talagang mahimasmasan mula sa pagkakainis sa lalaking ito.
Nakita niyang nagtagis ng bagang nito.
"Stop doing that.."usal nito na nakapagpakunot ng noo niya.
"Stop doing what?"takang tanong niya. Did she just hear herself said those sweetly?
BINABASA MO ANG
Ravages of Desire (COMPLETED)
Ficción GeneralDate started: January 15, 2017 Date finished: September 1, 2018 Warning: Mature Content What does your heart truly desire? Have you ever come to a point when you feel lost and empty? When you don't know what to do to drift away from a cyclical dull...