Chapter 6 - [Flashback]

2.3K 46 0
                                    

[Flashback]

Magkahalong emosyon ng kaba, saya, at excitement ang naglalaro ngayon sa dibdib ni Vince habang hinihintay na makarating sa venue nh kanilang Date si Elizabeth. Ang plano sana niya ay susunduin ito sa bahay ngunit ang sabi ng dalaga ay magkita na lamang daw sila sa restaurant at magpapahatid na lamang ito sa sariling family driver.

Eh paano kung biglang nagbago ang isip niya at ayaw na pala niya akong maka-date? Paano kung biglang may importante pala siyang gagawin kaya nakalimutan niyang may date pala kami? Pagdududa ni Vince sa isipan. Sa totoo lang ay kinakabahan siya na baka hindi siya siputin ng dalaga. Shit, paano kung makarma ako bigla sa lahat ng mga babaeng niloko ko?

Pero lahat ng kaba at pagdududa niya ay napawi ng masilayan niyang pumasok sa pinto ng restaurant ang magandang dalagang bumihag ng kaniyang puso. Napaawang ang kaniyang bibig at para siyang naging estatwa sa kinatatayuan dala ng labis na pagkamangha sa gandang taglay ni Elizabeth ng mga sandaling iyon. At hindi lamang siya ang tanging nakapansin niyon, dahil maging ang ibang mga guests sa restaurant at mga waiter sa paligid ay napalingon at nabighani sa mala-diyosang presensya nito.

Sa suot nitong itim na off-shoulder knee length dress na may kapirasong slit sa gilid na perpektong kumukurba at humahapit sa katawan nito ay kitang-kita ang taglay na kaseksihan ng dalaga. Ang mahabang hita nito, malusog na dibdib, pati na rin ang makinis na kutis nito ay talagang kahalihalina. Pakiramdam ni Vince ay para siyang na sa TV Commercial dahil tila ba nag-iislow motion ang kaniyang paningin habang palapit na naglalakad sa kaniya si Elizabeth.

"Hello, Vince." Magiliw na bati ng dalaga ng may matamis na ngiti sa labi sabay halik sa kaniyang pisngi.

"H-hello... Eli...za...beth..." tugon niya na halos gabulong na lang ata sa hangin dala ng pagkamangha pa rin sa gandang taglay ng babaeng makaka-date niya ng gabing iyon.

"You look so handsome tonight." Papuri ng dalaga ng pagmasdan nito ang kaniyang suot. "Kung alam ko lang na magpapapogi ka ng ganyan dapat pala mas nag-ayos pa ako." Nahihiyang saad pa nito.

"No need." Mabilis niyang tugon upang iparamdam rito na hindi ito dapat na mahiya sa sarili. "You are the most beautiful girl my eyes ever laid upon." Papuri niya sa gandang taglay nito. "And I'm happy to be your date tonight my beautiful girl."

"Thank you." Matamis ang ngiting pasasalamat nito na namumula pa ang pisngi.

"Shall we?" Paanyaya niya.

"Yes, please." Tugon ng dalaga.

Nagsimula ang kanilang gabi sa pagkain ng mga masasarap na pagkaing inihain sa kanila ng 5-star restaurant. Mula sa appetizer, pati sa main course at hanggang sa mga masasarap na desserts ay talaga namang katakam-takam. Kasabay pa niyon ay ang magagandang mga tugtugin ng harana mula sa mga live performers na lalo pang nakadagdag sa romantikong set-up ng kanilang date.

At lalo ring nakadagdag sa ganda ng date na iyon nina Elizabeth at Vince ang magandang overlooking view mula sa mga nagkikislapang mga ilaw sa ibabang bahagi ng kinaroroonan nilang building, pati na pagkapribado ng lugar kung saan halos bilang lamang sa mga daliri ang mga taong naroroon. Bukod sa may kamahalan kasi ang lugar ay pawang piling mga members lamang ng Club na iyon ang maaaring pumasok sa naturang restaurant, bagay na labis niyang pinagpapasalamat dahil miyembro doon ang kaniyang Kuya Chris at nagawa nitong tulungan siyang makapagpa-reserved para sa date nila ni Elizabeth.

"I love it here." Ani Elizabeth habang masayang pinagmamasdan ang magandang kapaligiran. "It's so relaxing, first ko lang nakapunta sa ganitong lugar. I never knew such a place like this exists."

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon