2

171 1 3
                                    

Chapter 2

"Suffering is an option, happiness is a choice."

Hayyyy. Monday na naman. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang maka-transfer ako sa Leondale. Ang hirap pa rin mag-adjust. Sobra. At eto ako ngayon, mukhang malelate pa sa Algebra class ko. Ang lakas kasi ng ulan, bagyo na ata.

I've been waiting here for 40 minutes already. Nagaabang ako ng tricycle or something para may masakyan papunta sa terminal ng jeep. Dalawang jeep papuntang Leondale eh. Andito ako sa tapat ng condo ko at iniimagine ko na nasa music video ako.

..Heto akoooo, basang-basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan...

Bigla namang may umepal na sasakyan. Huminto ito sa harap ko at biglang bumukas ang pinto sa unahan.

"Get in." pagkasabi niya nun ay sumakay na ko.

"Thanks, Marcus." pasasalamat ko sa prof ko na mukhang late na rin

At dahil dyan, hindi ako late hanggat wala siya sa room. Bwahahaha.

"You're welcome. Buti na lang napansin kita na nagaabang ng masasakyan. Mukha ka ring helpless." sabi niya

"He-he." yan lang sagot ko. Eh ano isasagot ko?

Pagkaupo ko, pinunasan ko na agad yung braso ko, tapos yung legs ko. Naka-skirt pa naman ako ngayong araw na 'to. Pucha.

"Hey, could you please stop doing that?" pagkasabi niya nun, napatingin ako sa kanya

"Ha? Ang ano?" pagtataka ko

"Ang magpunas ng legs sa harap ko. You're turning me on, Ms. Mendoza." pagkasabi niya nun, bigla ako napaupo ng maayos. Namumula ata ako. Nahihiya ako sa sinabi niya. Napaka-careless ko talaga. Oo nga pala, prof ko na lalaki ang katabi ko.

"Sorry." pabulong kong sagot

Tumingin ako sa kanya at napangiti siya. Labo nitong taong 'to. Pero napansin ko ah, hindi talaga siya mukhang prof. Para siyang ka-edad ng mga tropa ko. Hot naman ng prof ko, siguro habulin 'to ng mga chickas.

Masama bang pagpantasyahan ang professor? Kadiri pakinggan pero wala eh. Hot talaga. Hindi naman siya gurang, kalbo at kung ano pang typical na professor.

Naagawa naman ang attention ko nang biglang tumunog ang phone ni Marcus.

"Can you please check my phone? I can't read while I'm driving." pakiusap niya

Kinuha ko ang phone na nasa cup holder. May password naman eh.

"Anong password?" tanong ko. Syempre pano ko mabubuksan?

"0324" sagot naman niya. Hmm.. Bakit kaya 0324? Siguro birthday niya o kaya anniversary ng jowa niya? Ay, may jowa na kaya siya?

I checked the text message na.

"From LU Mr. Pancho." pinaalam ko kung sino nagtext, "Sabi niya suspended daw class."

Ha? YES!!

"Peste. Sayang sa gas. Kung kelan ang lapit na natin sa school." naiinis niyang sabi

"Ayos lang yun. Kung gusto mo jeep na lang ako pauwi para di ka na ma-out of way." sabi ko

"Ano ka ba, ayos lang saken. Konsensya ko pa kapag napahamak ka." sagot naman niya na medyo calm, "By the way, may gagawin ka ba today?" tanong naman niya

"Why?" nagtataka kong tanong sa kanya

"Medyo malakas pa ulan tas traffic pabalik." sabi niya habang tinuturo yung lane na pabalik sa pinagmulan namin

Stop Seducing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon