Chapter 62 : Wedding Proposal

7.2K 136 5
                                    


Sobra akong nadisappoint sa nangyare noong nakaraan. Nag-expect ako na magpoproposed na si Brett sa akin pero hindi pa pala.

Ewan! Hindi ko maipaliwanag ang aking sarili that time. Para kasing---- parang walang plano si Brett na pakasalan ako.

Hays. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

Isa kasi sa pinapangarap ko ang maramdaman kong anong feeling ng may lalaking magpoproposed sa akin. Kung anong mararamdaman ko pag nasa ganoong sitwasyon na ko.

Lahat naman ng babae yun din ang pangarap. Ang makitang masaya ang lalaking mahal niya habang sinasabi ang katagang Will you Marry me ??

Sa mga romantic movie ko na nga lang napapanuod yung mga nakakakilig na proposal. Yung bang susurpresahin nung guy yung girlfriend niya at yung tipong mapapaiyak yung babae sa saya.

Hays.

"Grace, yan ang napapala sa kakapanuod ng drama. " sita ng magaling kong utak.

Napangiwi na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Imagine pati utak ko kinakausap na ako.

Baliw!

Isang linggo na nga ang lumipas matapos ibigay ni Mama Fiona ang apartment na tinitirhan namin ni Brett ngayon. Isang linggo din ang usap-usapan tungkol sa kasal daw.

Actually si Mama Fiona talaga ang masyadong excited kahit na hindi pa nagpoproposed si Brett.

Kaya pag nagkikita kami ni Mama Fiona o pumupunta siya sa bahay ay yun agad ang major topic niya sa akin. Ako naman panay ngiti lang.

Paano ba naman kulang na lang ikasal na kami ni Brett ngayon kong magsalita si Mama Fiona. Patay malisya naman si Brett kapag kinakausap ni Mama Fiona, minsan pa nga iniiwas ang topic.

K fine! Wala talaga siyang plano na magproposed sa akin.

Hindi naman ako nagmamadali. Tama si Brett masyado pang maaga para lumagay kami sa tahimik. Marami pa daw kaming pwedeng gawin bilang magkasintahan.

Hahayaan ko na lang ang tadhana na mismo ang magdala sa amin sa stage na yun. Wala na rin naman akong mahihiling pa kong hindi ang makasama siya hanggang sa huli.

Gusto kong maging masaya at sulit ang sakripisyo na ginawa namin para manatili sa isat-isa.

Sa ngayon, ginagamit na namin ang bahay na bigay ni Mama Fiona. Nagsasama na kami pero syempre nandun pa rin ang pagpipigil namin sa isat-isa.

Wag kayong ano diyan! Hindi ko pa naisusuko ang buong Bataan. Hehe.

Nakakatuwang isipin na malaki din pala ang naging parte ng bahay na 'to sa love story naming dalawa. Tapos ngayon andito ulit kami para ipagpatuloy ang nasimulan namin.

Hindi na din ako makapag-antay sa mga susunod na mangyayare.

Kinarir ko naman ang pagluluto at gawaing bahay. Dinaig pa nga namin ang buhay mag-asawa. Natatandaan ko pa nga dati, nung time na nagluto ako ng itlog na muntik ng masunog ang buong kitchen dahil sa pag-usok nito na siyang dahilan naman para sungitan ako ng alien na 'to!

Pero ngayon, lahat ng niluluto ko nagugustuhan niya. Minsan pa nga niluluko ako ni Brett na pwede na daw akong maging nanay. Natatawa na lang ako pag ganon ang mga hirit niya.

Lahat gagawin ko para kay Brett. Gusto kong pagsilbihan siya sa buong buhay ko. His my happiness at wala na kong mahihiling pa.

Samantala, tuluyan na ngang nakabangon ang BC sa tulong ni Brett at ng buong boards.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon