Diary Day 1

4 0 0
                                    


Dear Diary, 

Eto na ata ang pinakamahirap na pwedeng kong problemahin sa buong buhay ko, ang umalis at iwanan ang mga nakagisnan ko na. Tulad ng mga kaibigan ko sina Cherilyn at Lorraine. Kasama na pati ang mga lagi naming ginagawa pagtapos ng klase. Ang mga panahong kumakain kami ng banana Q ni Aling Inday na sinasawsaw naman sa strawberry na ice cream ni Mang Dodong, nagtataka nga ako eh bakit hindi naging mag jowa yan si Aling Inday at Mang Dodong. Pabebe din kasi tong si Aling Inday eh napakachoosy. 

Sinasabi niya nga sakin eh lagi "Maru, pag ikaw nagka boyfriend dapat yung kaya kang ipaglaban sa magulang!" tapos titingin kay Mang dodong na para bang may pinanghuhugutan siya. Sasagot naman si Mang Dodong ng nakangiti kay Aling Inday "Ano ka ba Inday, pinaglaban naman kita noon eh, kaso pinili mo lang yung mayamang si Roger hahaha" sabay bigay ng pilit na tawa. Halata naman eh na may pagtingin sa isa't isa yang dalawang yan kaso nabigo ata sa pagibig na nauwi lang sa sisihan. 

Pero diary, eto na nga! Lumipat na kami sa San Rio kung saan nakabili si papa ng bahay na hindi ko alam saang real estate company niya nakuha o baka lang talaga na kulam ang tatay ko kaya niya binili yon. Tinanong ko naman si mama kung bakit kami lilipat pero ang sabi niya lang eh wala na daw trabaho si papa kaya binenta yung bahay namin. Ano pa ba ang magagawa ko, mahirap man pero kailangan basta kasama ko ang pamilya ko ayos nako.

Mga 7 am ata ng umaga ng nakarating kami dito sa bago naming bahay. Napakaluma at napakamaalikabok. Pag pasok ko sa bahay may mga lumang furniture pa. Tuwang tuwa tuloy si mama ng makita ang mga gamit sabi niya mahal raw ang mga ito kaya swerte dahil makakapagfeeling donya na siya at maiipopost niya sa facebook ang mga selfie niya.

"Maru, ilagay mo muna itong mga gamit mo sa kwarto" Utos ni papa habang nag bubuhat siya ng iba pa naming gamit. "Eh, pa? san po ba ang kwarto ko dito?" Tanong ko sa kanya. "Ah! don sa taas! yung nasa kanan kay Marie at Mico naman yung nasa kaliwa yung sayo." sagot niya.

Agad kong sinunod ang utos ni papa inakyat ko ang mga gamit at binuksan ko ang pinto at sa pagbukas ko para bang may malamig na hangin ang biglang dumaan sa buong katawan ko parang nilampasan ako. Juskobelles diary! Hindi ko keri! Kinabahan ako ng todo bes! parang iba yung feeling. parang tumigil din ang puso ko nun sa pag tibok emeerghed!

Pero bukas lang pala ang bintana kaya pala, sus! akala kung ano na. Kundi baka mag hyperventilate ako kung something else yon juskolord! 

Ipinasok ko ang mga gamit ko sa loob. Maganda naman pala ang kwarto ko, hindi na masama. Mahilig pa naman akong mag arrange ng mga gamit. Naiimagine ko na ang mga design na ipagkakakabit ko dito. Lalagay ako ng mga buntings at mga cabinets na kulay pink para cute ang kwarto ko. 

Dahil sa hangin ay lumapit ako sa bintana para isara ito at may nakita akong lalaking naka blue na polo nakangiti siya sa akin. Nakatayo siya sa tapat ng bahay namin na para bang masayang- masaya na makita ako. At juskolerd! Pogi niya diary! Ang tangos ng ilong niya tapos feeling ko may abs siya sarap niya diary jusko! Buti na lang friendly ako at makukuha ko yang number na yan. 

 Isasara ko na sana ang bintana ng nakita ko ang bunso kong kapatid na si Mico na nasa terrace na walang nakabantay! OMG! pano nakapunta yon! "Mico!" Sigaw ko. "Ate! Ateee!" Iyak ni Mico. 

Agad akong  lumabas ng kwarto at pumunta ng terrace at nakita ko sa dalawang mata ko na yung lalakeng nakablue na polo ay niligtas yung kapatid kong todo kapit na.Inisip ko kung paano kaya nakapasok to? 

"Bitawan mo ang kapatid ko!" Bulyaw ko sa kanya sabay agaw sa 3 years old kong kapatid. "Mag hunos-dili ka hija, nakita ko ang pangyayari kaya't ako'y hindi nag dalawang isip na tulungan siya." Ngumiti siya sa aking kapatid. Ngumiti din naman si Mico na para bang naaliw siya sa lalaking ito. ay shet ang gwapo talaga diary!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon