Ako si Sashi no.

23 3 0
                                    

#Sashi

Aishhh! Bobo ba ko? Bobo ba agad ang itatawag sa taong gaya ko?

Hayyy. Mahina lang naman ang utak ko pero hindi naman ako bobo.

Ako si Sashi. Pangalawang bahay ko na ang lowest section at pangalawang pamilya ko na tong benteng kaklase ko.

Ayy oo, 21 lang kase kaming ipinatapon sa pinaka huling section. Ewan ko nga din kung bakit, di naman zero yung nakukuha namin sa exams or quiz no.

Sa pagkaka alam ko kase, lahat ng walang kaya tinatapon dito.

Samantalang lahat ng mayayaman, ayun, nasa first section.

"Hoy Shushiiii. Pakopya naman ng assignment sa math." Tinangal ko ang pagkakahalumbaba ko at tiningnan kung sino ang lapastangan tumawag sakin ng Shushi (-.-)

"Wala. Dun ka nga Cheche. Hi baby Sashi." Hahayyyy andito na naman tong si kimpoy.

Tumakbo ako palayo sa kaniya. Siya si Kimpoy, kadiri man. Pero may gusto sakin yang dugyot na yan.

Oy grabe kayo. Wag niyo kong husgahan sa pagtawag ko ng dugyot sa kaniya.

Tingnan niyo naman kase, pawis na pawis lagi. And dumi ng damit hahayyy.

Nakakainis na kase yung pagiging pahalata niya na may gusto talaga siya sakin.

"Ayieee. Shikim forever hahaha." Yan ang sigaw ng lahat dito sa room.

Nakitawa nalang din ako, kesa naman mainis ka diba?

Tsaka ilang taon ko ng kasama tong mga to kaya sanay na ko, pero, teka? Ngayon lang ata ulit to pumasok.

Sino? Si Kimpoy. Aish. Actually hindi naman talaga siya regular student ng school. Naki usap daw yung magulang niya na ipasok siya dito.

Ang kaso, ang masaklap dito siya tinapon sa section namin.

At ako ang unang napag diskitahan niya.

Isa o dalawang beses lang ata yan pumasok dito eh.

Anyway, dumating na yung teacher kaya nakabalik na ko sa upuan ko. Napansin kong wala na naman si Kimpoy. Tsk. Kaya laging zero eh.

"Ay nakalimutan ko yung chalk box ko sa section one." Ani mam Turay.

"Sashi paki kuha naman please. Salamat." Tumango ako at lumabas ng room.

Paborito kase ako ni mam Turay. Paboritong utusan (-.-').

Tumungo na ko sa labas. May nadaanan akong mga magbabarkada na nagtigil sa pagtatawanan nung dumaan ako sa ginta nila.

Hindi naman ako dadaan sa gitna nila kung hindi sila nakaharang sa hallway diba?

"Tol, diba taga lower to."

"Oo tol, siya ata yung shushi."

Alam niyo bang ayoko ng tinatawag akong shushi? Pakiramdam ko kase pinagtatabuyan ako. Shuuuuushi.

"Excuse me, ako si Sashi. Sashi,hindi shushi." Pagkokorek ko. Kaso mukang nagalit ata.

Tumakbo na ko bago pa ko mabugbog. Grabeng pagtakbo ang ginawa ko para lang makalayo.

"Jusme. Ang-huh-ka-huh-pagod." Hingal na hingal kong sabi nung nasa harap na ko ng room ng mga First section.

"Ahm. kukunin ko lang sana yung chalkbox ni Mam." Paalam ko.

Tiningnan lang nila ko pero bumalik din sa mga ginagawa.

Tsk. Mga isnab sila. Buti nalang di ako naging matalino. Matalino nga kase sila, masama naman ang ugali.

Hayy. Pumasok nalang ako at kinuha yung chalkbox.

Kaso... pagkaharap ko...

"Halllaaa/ patay siya./shunga/ang bobo kase eh." Rinig ang mga masasakit na salita nila.

"Pa-pasensiya. Sorry. Diko sinasadya." Nakakatakot siya. Halatang gulat siya at naiinis.

Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Waaaah patay ako.

"Sorry? Alam mo ba kung gano kamahal yung sapatos niya?" Sigaw sakin nung babae.

Ang oa naman. Edi bayaran. Tsk.

"Di mo kayang bayaran yan. Kulang pa siguro ang baon mo sa isang taon." Aba? Mind reader ba to? Ang galing ah?

Aishhh. Waaaah latest na kulay grey na mahal na....sapatos ngayon ang suot niya.

Psh. Bakit ba kasi magsusuot ng ganyan sa school.

Hahayy naman eh!.

Dahil nakatingin lang siya sakin, nilabas ko na yung panyo ko at yumuko.

Kainis naman oh. Lower section na nga ako, ako pa magpupunas ng kashungahan ko -.- grabeee.

Buti nalang hindi agad mababasa sa loob dahil leather type yung shoes niya.

Pinunasan ko lang hanggang matuyo.

Kaso alam niyo ba? Tiningnan niya lang ako habang naglakad papunta sa upuan niya?

Aishhh! Talaga nga naman.

Umalis na lang ako. Pagbalik mukhang ewan si Mam, tuwang tuwa talaga eh.

----

Hi ako ay bago lamang sa pag gawa ng maikling kwento, ngunit inyo pa rin sanang suportahan ang aking munting likha. Sa aking tansiya, magkakaroon lamang ito ng apat o limang chapters. Salamat. Sana nagustuhan o magustuhan niyo :*.

P.s can you please vote and comment? Hihi thank you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush Ka Ni RedWhere stories live. Discover now