Rhian
I woke up without Glai by my side, I don't know what hit me but I'm pissed. I know she's used to waking up early in the morning while I'm not specially if there is no schedule early on that day.
I did my morning ritual then proceeded to go down. Just then I heard laughing and conversations downstairs. Naiinis ako gusto kong bumalik ng kwarto pero nakita ako ni Manang.
"O gising ka na pala Hija, kain na, kanina ka pa nila hinihintay." aya ni Manang sa akin pero I just smiled at her but looked serious again when I headed to the dining where I can still hear laughters from my family, especially Dad.
Nang malapit na ako ay napansin agad ako ni Nads."Speaking of the angel, good morning Li'l Sis." she said but I saw her frowned when she saw my reaction." Hindi ata maganda gising mo?" tanong niya and I saw Glai turned around to see me, she's all smile.
"Are you guys eating without, me?" mataray kong tanong. "Why didn't you wake me up, Glai?" baling ko kay Glaiza sa seryosong boses at tingin at kita ang biglang pagbago ng mukha niya.
"Ahm, kasi Mk, masarap ang tulog mo. Tsaka wala ka naman daw appointment ng maaga kaya hindi na kita ginising." paliwanag niya na parang sinusukat ang mood ko. Napansin kong magsasalita na si Daddy pero inunahan ko na siya.
"You can finish your breakfast now, I'll just eat later." sabi ko sabay talikod.
"Hey Yon!" rinig kong habol na tawag ni Mommy.
"Sweetie!" Sigaw ni Daddy pero wala ako sa mood na bumalik.
- - -
Glaiza
Ang aga namang sumpungin ng Mahal ko. Bigla siyang tumalikod sa amin at hindi man lang pinansin ang tawag ng mga magulang niya.
"S-sundan ko lang po siya, Mommy Clara." paalam ko sa kanila at magalang na tumayo. Naabutan ko si Rhi malapit na sa hagdan.
"Mk, bakit ang aga ata ng sumpong mo?" Tawag at sabi ko kay Rhi ng maabutan ko, nakaisang hakbang na siya sa hagdan ng mahagip ko ang kanyang kamay pero hindi siya bumaba.
"You're supposed to wake me up." Sabi niyang nakatungo na at pansin ko ang parang batang mukha niya. Heto nanaman po kami.
"Sorry na, Mk. Gusto ko lang mapahaba ang tulog mo." Paliwanag ko habang hawak ko na ang dalawang kamay niya pero hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Then you're supposed to be lying next to me still kahit gising ka na." Sabi niya ulit pero hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Ok sorry Mk, sige sa susunod yon ang gagawin ko." Pag alo ko na sa kanya.
"Kahit naman iwanan mo ako, ok lang basta alam ko at gisingin mo ako bago ka lumabas ng kuwarto." Mahina niyang sabi.
"Sige, sige." Tango kong sagot at halik sa mga kamay niya.
"Is that how you kiss me in the morning?" Tanong niya sa ginawa ko.
"Ha?" Takang tanong ko.
"Bakit iba na ang kiss mo sa bahay namin at kiss mo sa bahay niyo?" Tanong niya ulit. Ano daw? Saka ko naalala kung paanong halik ang ginawa kong pang gising sa kanya nong nasa bahay namin siya. Gusto kong matawa pero baka mas lalong magwala ang Mk ko kaya nag pigil na lang ako. Bagkus ay marahan kong binitawan ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang mukha niya saka ko siya masuyong hinalikan at kita ang pagbabago sa kanyang mukha matapos ang masuyong halik.
"Good morning, Mk." Ngiti kong sabi. "Kain na tayo?" Alok ko sa kanya.
"Akala ko nag breakfast ka na?" May ngiti na niyang tanong. Hay ang Mk ko talaga. Halik lang pala ang gusto eh, na gimbal pa ang buong bahay sa sumpong niya.
BINABASA MO ANG
Thirty Days To Forever
FanfictionFor a broken soul ready to give up, is 30 days enough? RaStro characters naman po ngayon. Muli ito po ay kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Wala po itong kinalaman sa mga characters ng s...