Glaiza
"Seryoso ka, Rocco?" Tanong ko sa kaharap ko. Andito ako ngayon sa isang branch ng restaurant ni Rocco na malapit sa lugar ng meeting namin ng mga tropa ko sa banda. Tinawagan niya ako at nagyaya na magkita kami dahil may mahalaga daw siyang sasabihin.
"Kaya nga ikaw ang nasa isip ko eh, dahil alam kong mapagkakatiwalaan kita." sagot niya sa tanong ko."Hindi ba gumagawa ka ng indie films noon? Payag ka na, inalok kasi ito kay Sanya at may mga maselang eksena. Well, hindi naman ganon kaselan pero mas panatag ako kung ikaw ang gaganap na partner niya dito." paliwanag pa niya. Inalok daw si Sanya ng isang lesbian themed na pelikula at nagpaalam muna kay Rocco, wala pa daw napipiling partner niya sa pelikula kaya naisip ako ni Rocco.
"Ano, Cha?" gising ni Rocco sa diwa ko."Sige pagiisipan ko, kailangan ko din munang kausapin si Rhian. Alam mo na, baka pag nalaman niya yong tipo ng pelikula ay mag alala siya." paliwanag ko.
"Hahaha, pareho lang pala kami ng girlfriend mo. Kaya nga ikaw ang inisip ko agad dahil mas tiwala ako sau, kukuha na sana sila ng actress sa teatro pero sabi ko ikaw na lang dahil mas kilala kita. Sana pumayag ka. Sabi nga ni Sanya kakausapin din namin si Rhian, inaayos muna ni Sanya ang schedule niya baka madalaw kami o mainbitahan namin siya sa mga susunod na araw." sagot niya at tumango lang ako. Papayag kaya si Rhi, buti nga at nalaman niya noon na may boyfriend si Sanya kung nagkataon baka nagka giyera na. Ngayon lang ulit ako gagawa ng indie film, maganda sana pero iniisip ko pa rin ang pwedeng maging reaksiyon ng mahal ko.
"Hey Cha!" pukaw ni Rocco sa pagiisip ko. "Pag isipan mo ha?" dugtong niya.
"S-sige Rocco. Malalaman mo." tanging nasabi ko na lang.
- - -
"Love? If you ever receive an offer to do an indie film with a les theme would you accept it?" bungad ni Rhi habang kumakain kami, nasa condo na niya kami. Nagulat ako, hindi ko nga alam kung paano ako magpapaalam sa kanya at sasabihin ang napag usapan namin ni Rocco pero heto siya ngayon at nagtatanong.
"Pag maganda siguro yong story Mk, at maganda ang project bakit hindi. Bakit mo naman natanong?" balik tanong kong nakikiramdam. Napatango lang siya habang nasa pagkain ang atensiyon saka muling tumingin sa akin.
"Don't you know that Sanya and I are at the same network, Love?" sagot-tanong niya pero hindi na niya ako hinintay na magsalita. "We saw each other earlier for a station ID taping. She's really nice." nakangiti niyang dugtong. Ilang segundong katahimikan. "She invited me, actually us, for dinner anytime. She said she wanted to talk to me but I can't wait anymore kaya tinanong ko na kung para saan ang dinner and what is it that she wanted to talk about?" patuloy niya.
"At?" tanong ko.
"She said that there's this indie project offered to her with les theme and she wanted to take it so she consulted her boyfriend, though her boyfriend has been all supportive and gave her the freedom to decide, but still she considers his opinion, and eventually Rocco suggested you, Love to be her partner in this film." pagtatapos niyang nakatitig pa rin sa akin.
"Ang totoo niyan, Mk nasabi na rin ni Rocco sa akin ang tungkol sa bagay na yan, pero sabi ko kailangan ko munang ipaalam sa'yo. Hindi ko lang alam kung paano ko uumpisahan pero mainam na rin at nasabi mo, Mk." pagtatapat ko, masuyo niya akong tiningnan at marahang inabot ang kamay ko.
"Thank you, Love. I really appreciate it. But the decision is all yours, I'm here to support you." malambing niyang sabi.
"Baka kasi hindi mo nais na gumawa ako ng ganong pelikula dahil---"
"---I trust you and I trust Sanya. I can see her sincerity and honesty while we're talking. She's really professional and wanted to do this project kahit na hindi ikaw ang makakasama niya. She was given the freedom to choose her partner and you're the first person that came out from her boyfriend's mind, so she considered you. It's ok Love, I know she'll take care of you." nakangiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Thirty Days To Forever
FanfictionFor a broken soul ready to give up, is 30 days enough? RaStro characters naman po ngayon. Muli ito po ay kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Wala po itong kinalaman sa mga characters ng s...